Tagalog Testimony Videos, Ep. 48: Ang Pangalan ng Diyos Ay Totoong Misteryoso

Nobyembre 4, 2020

Ang pangunahing tauhan ay ipinanganak sa pamilyang Kristiyano, at narinig niya mula pagkabata na sinasabi ng kanyang pamilya na ang pagdarasal sa pangalan ni Jesus ang tanging makapagdadala sa kanya sa kaharian ng langit. Pagkagradweyt sa divinity school, sinimulan niyang mamuno sa mga mananampalataya sa kanilang lugar. Ngunit kalaunan, pumanglaw nang pumanglaw ang simbahan, at kahit gaano katindi ang kanyang pagdarasal, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, at pag-aayuno, hindi pa rin niya nadama ang Banal na Espiritu. Humantong siya sa espirituwal na kadiliman at pasakit. Nalilito niyang itinanong kung bakit sa kabila ng pagdarasal niya sa pangalan ng Panginoon ay hindi na niya nadarama ang presensya ng Panginoon. Nagkataong isang araw, napanood niya ang pelikulang may pamagat na Nagbago ang Pangalan ng Diyos?! sa YouTube. Nalutas ang mga kalituhan niya nang mapanood ito—naunawaan niya ang mga misteryo ng mga pangalan ng Diyos, malugod na tinanggap ang pagbabalik ng Panginoon, at dumalo sa piging ng Cordero!

Tingnan ang iba pa

Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin