Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 254

Hulyo 10, 2020

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sinuman, ni hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng sinuman. Ito ay sapagkat maaari lamang magmula sa Diyos ang buhay, na ibig sabihin, tanging ang Diyos Mismo lamang ang may taglay ng pinakamahalagang bahagi ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo lamang ang may daan ng buhay. At sa gayon, tanging ang Diyos lamang ang pinagmumulan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na may kinalaman sa sigla ng buhay, marami nang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang magkamit ng buhay ang tao. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling binuhay ang tao. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan Siyang kasama ng tao sa lahat ng oras. Siya ang puwersang nag-uudyok sa pamumuhay ng tao, ang ugat ng pag-iral ng tao, at isang mayamang lagak para sa pag-iral ng tao pagkatapos ng kapanganakan. Siya ang sanhi upang muling isilang ang tao, at binibigyang-daan siyang isabuhay nang masigasig ang bawat papel niya. Salamat sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa isang salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, kung saan sa kabuuan nito ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pangunang sandigan sa pag-iral ng tao, at kung saan binayaran ng Diyos ang isang halagang wala pang isang karaniwang tao ang nakapagbayad. Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, bukod-tangi ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilikhang nilalang o puwersa ng kaaway ang Kanyang buhay na puwersa. Umiiral ang buhay na puwersa ng Diyos at pinagniningning ang makinang nitong liwanag nang hindi alintana ang oras o lugar. Maaaring sumasailalim sa malalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay ganoon pa rin magpakailanman. Maaaring lumilipas ang lahat ng bagay, ngunit mananatili pa rin ang buhay ng Diyos, sapagkat ang Diyos ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng mga bagay at ang ugat ng kanilang pag-iral. Nanggaling sa Diyos ang buhay ng tao, dahil sa Diyos ang pag-iral ng kalangitan, at nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pag-iral ng mundo. Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at walang bagay na may lakas ang kayang takasan ang nasasakupan ng pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi alintana kung sino sila, dapat magpasakop ang lahat sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, dapat mamuhay ang lahat sa ilalim ng utos ng Diyos, at walang sinuman ang makatatakas mula sa Kanyang mga kamay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin