Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 243

Hulyo 24, 2020

Ang mga tao ay dapat umayon sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang tuparin. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu; walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Wala ito kundi isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi na ngayon ang Kapanahunan ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong kinalalagyan at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang tono at mga hangad ng pagbigkas ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anumang hayagang pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sang-ayunan ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sang-ayunan ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanyang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sang-ayunan ang tao. Ang mga tuntunin ng nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na pagsasagawa para tuparin ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nito isinasangkot ang gawain ng Banal na Espiritu at kailangang gawin ng tao.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, marami sa mga pagsasagawa sa Kapanahunan ng Kautusan ang iniwaksi dahil ang mga kautusang ito ay hindi sadyang mabisa para sa gawain sa panahong iyon. Matapos iwaksi ang mga ito, maraming mga pagsasagawa ang itinakda na mas angkop sa panahon, at naging mga tuntunin sa ngayon. Nang ang Diyos ng panahong ito ay dumating, ang mga tuntuning ito ay itiniwalag, at hindi na kailangang sang-ayunan, at may mga itinalagang maraming pagsasagawa na mas angkop sa gawain ngayon. Ngayon, ang mga pagsasagawang ito ay hindi mga tuntunin, ngunit para magkamit ng bunga; mas angkop ang mga ito sa ngayon—at bukas, marahil, magiging mga tuntunin ang mga ito. Bilang buod, nararapat mong sundin yaong mas mabunga para sa gawain ngayon. Huwag ninyong intindihan ang bukas: Kung ano ang magagawa ngayon ay para sa kapakanan ng ngayon. Maaaring bukas ay magkakaroon ng mga mas mabuting pagsasagawa na kakailanganin mong tuparin—nguni’t huwag ninyong masyadong bigyang-pansin ito, sumunod sa kung ano ang nararapat sundin sa ngayon upang hindi salungatin ang Diyos. Ngayon, walang mas mahalaga na dapat sundin ng tao kaysa sa mga sumusunod: Huwag kang manlinlang o magtago ng kahit na ano mula sa Diyos na nakatayo sa iyong harapan. Huwag kang magbigkas ng mga marurumi at mayayabang na salita sa harap ng Diyos. Huwag mong linlangin ang Diyos sa iyong harapan sa pamamagitan ng maiinam na mga salita at maririkit na mga talumpati upang makamit ang Kanyang tiwala. Huwag kang umasta nang walang paggalang sa harap ng Diyos. Sundin mo ang lahat ng lumalabas sa bibig ng Diyos, at huwag pigilan, labanan, o makipagtalo sa Kanyang mga salita. Huwag mong ipakahulugan, sa inaakala mong angkop, ang mga salita na nanggaling sa bibig ng Diyos. Dapat bantayan mo ang iyong dila upang maiwasan mong mahulog sa bitag ng mga mapanlinlang na balak ng balakyot. Dapat bantayan mo ang iyong mga hakbang upang maiwasan ang pagsuway sa mga hangganang itinalaga ng Diyos para sa iyo. Ang paggawa nito ay magiging sanhi upang ikaw ay magsalita ng mapagmataas at mapagmalaking mga salita ayon sa pananaw ng Diyos, at sa gayon kamuhian ng Diyos. Huwag kang padalus-dalos na inuulit ang mga salitang nanggagaling sa bibig ng Diyos, baka makutya ka ng iba at gawing hangal ng diyablo. Sundin mo ang lahat ng gawain ng Diyos sa ngayon. Kahit na ito’y hindi mo nauunawaan, huwag mo itong bigyan ng paghatol; ang iyo lamang magagawa ay ang maghanap at pagsasamahan. Walang tao ang dapat lumabag sa orihinal na kinalalagyan ng Diyos. Wala kang ibang magagawa kundi ang paglingkuran ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao. Hindi mo tuturuan ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao—ang gawin ito ay lisya. Walang maaaring pumalit sa kalagayan ng taong itinalaga ng Diyos; sa iyong mga salita, kilos, at mga saloobin, ikaw ay nakatayo sa posisyon ng tao. Dapat itong sundin, responsibilidad ito ng tao, hindi ito maaaring baguhin ninuman, at ang gawin iyon ay isang paglabag sa kautusan ng pamamahala. Dapat itong tandaan ng lahat.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin