Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 238
Agosto 15, 2020
Ang gawaing Aking binalak ay parating sumusulong nang walang tigil kahit isang saglit. Sa paglipat sa Kapanahunan ng Kaharian, at sa pagdadala sa inyo sa Aking kaharian bilang Aking mga tao, magkakaroon Ako ng ibang mga hihingin sa inyo; ang ibig sabihin, sisimulan Ko nang ihayag sa inyong harap ang konstitusyon ng Aking pamumuno sa panahong ito:
Dahil tinatawag kayong Aking mga tao, kailangan ninyong luwalhatiin ang Aking pangalan, iyan ay, maging patotoo sa gitna ng pagsubok. Kung sinuman ang magtatangkang linlangin Ako at magtatago ng katotohanan mula sa Akin, o sumali sa masamang gawain sa likod Ko, sila ay walang pasubaling hahabuling palabas, paalisin mula sa Aking tahanan upang maghintay ng paglilitis. Yaong mga naging taksil at hindi masunurin sa Akin sa nakaraan, at ngayon ay tumatayong muli upang hatulan Ako, sila rin ay hahabulin palabas sa Aking tahanan. Yaong Aking mga tao ay dapat palaging nagmamalasakit para sa Aking mga pasanin at naghahangad din na malaman ang Aking mga salita. Ang mga taong katulad lamang nito ang Aking liliwanagan, at sila ay siguradong mabubuhay sa ilalim ng Aking patnubay at pagliliwanag, nang wala kailanmang matatagpuang pagkastigo. Yaong sinumang hindi nagmamalasakit para sa Aking mga pasanin, nag-iisip nang mabuti sa pagpaplano ng kanilang sariling mga hinaharap, iyan ay, yaong walang pakay sa paggawa para masiyahan ang Aking puso ngunit sa halip ay upang manghingi ng libreng tulong, ang mga tila pulubing nilalang na ito ay walang pasubaling tatanggihan Kong gamitin, dahil nang sandaling sila ay isinilang wala silang alam kung ano ang kahulugan ng pagmamalasakit sa Aking mga pasanin. Sila ang mga taong walang matinong pag-iisip; ang mga taong tulad nito ay may sakit na “malnutrisyon” sa utak, at kailangang umuwi para sa ilang “pagkain.” Wala Akong kapakinabangan sa mga taong katulad nito. Sa Aking mga tao, ang bawat isa ay kinakailangang magpalagay na ang paggkilala sa Akin ay isang obligadong tungkuling tutuparin hanggang sa katapusan, tulad ng pagkain, pagbibihis, at pagtulog, bagay na hindi nakalilimutan ng isang tao kahit saglit, upang sa katapusan ang pagkakilala sa Akin ay magiging isang pamilyar na kasanayan katulad ng pagkain, bagay na ginagawa mo nang walang hirap, ng praktisadong kamay. Tungkol naman sa mga salitang Aking sinasabi, bawat isa nito ay dapat tanggapin nang may sukdulang katiyakan at ganap na unawain; dapat ay gawin nang kumpleto nang hindi nawawalan ng interes. Sinuman ang hindi pumapansin sa Aking mga salita ay ipagpapalagay na deretsahang tumututol sa Akin; sinuman ang hindi kumakain sa Aking mga salita, o hindi naghahangad na malaman ang mga ito, ay ipagpapalagay na hindi Ako binibigyang pansin, at deretsahang wawalisin palabas ng pinto ng Aking tahanan. Dahil, tulad ng sinabi ko na sa nakaraan, ang nais Ko ay hindi ang dami ng bilang ng mga tao, kundi ang iilang pinili lang. Mula sa isang daang katao, kung iisa lamang ang nakakikilala sa Akin sa pamamagitan ng Aking mga salita, kung gayon ay maluwag sa kalooban Ko ang itapon ang natitirang iba upang ituon ang pagliliwanag at pag-iilaw sa nag-iisang ito. Mula dito ay makikita ninyo, hindi talagang totoo na sa malaking bilang lamang Ako maihahayag, ang isabuhay Ako. Ang Aking gusto ay trigo (kahit na ang pinakaubod ay hindi puno) at hindi mga tara (kahit na ang pinakaubod ay halos puno na para makatawag-pansin). Tungkol naman sa mga hindi nagsaalang-alang sa paghahanap kundi sa halip ay kumikilos nang pabaya, dapat na sila ay umalis nang kusa; ayaw Ko na silang makitang muli, baka patuloy silang magbigay ng kahihiyan sa Aking pangalan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 5
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video