Christian Dance | "Ang Diyos ay Lumilikha ng Mas Magandang Bukas para sa Sangkatauhan" | Praise Song

Abril 21, 2024

I

Iginagawad ng Diyos ang Kanyang mahahalagang bunga sa

mga magsasaka ng Canaan na masisigasig,

at marubdob na tinatanggap ang Kanyang pagbabalik.

Ninanais lamang ng Diyos na magtagal nang walang-hanggan ang kalangitan,

at, higit pa riyan, na hindi kailanman tumanda ang tao,

na mapasa-kapahingahan magpakailanman ang kalangitan at ang tao,

at yaong mga laging sariwa na "pino at sipres"

ay samahan ang Diyos magpakailanman,

at samahan magpakailanman ang kalangitan sa pagpasok sa ideyal na panahon.

II

Ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan ang hantungan nito,

iniiwan Niya ang lahat ng Kanyang kayamanan sa tao,

inihahasik ang Kanyang buhay sa kalagitnaan ng tao,

itinatanim ang binhi ng Kanyang buhay sa bukid ng puso ng tao,

binibigyan ang tao ng walang-hanggang mga alaala,

iniiwan ang Kanyang buong pag-ibig sa sangkatauhan,

at ibinibigay sa tao ang lahat ng minamahal ng tao sa Diyos.

III

Ibinigay na ng Diyos ang Kanyang kabuuan sa sangkatauhan.

Iniwan na ng Diyos ang kabuuan ng Kanyang buhay sa tao,

at nang wala ni isang salita, nagpagal na Siya nang husto

upang bungkalin ang magandang lupain ng pag-ibig para sa sangkatauhan;

kahit na makatwiran naman, kailanman ay wala Siyang hiningi sa tao,

at wala Siyang ibang ginawa kundi ang sundin lang ang mga pagsasaayos ng tao

at lumikha ng isang mas magandang bukas para sa sangkatauhan,

lumikha ng isang mas magandang bukas para sa sangkatauhan.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 10

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger