Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Diyos ang Awit sa Loob ng Puso ko"
Hunyo 22, 2025
Naaresto si Chen Jing ng Partido Komunista ng Tsina dahil sa pananampalataya sa Diyos. Malupit siyang pinahirapan ng masasamang pulis, at habang binubugbog, hinampas siya ng pamalo sa ulo, na naging sanhi ng pagkaparalisa ng kalahating bahagi ng katawan niya. Matapos makapasok sa bilangguan, dahil hindi siya ginamot at inabuso rin siya ng mga guwardiya sa kulungan, lumala ang kondisyon ni Chen Jing; bukod sa nawala ang kanyang alaala, nasira din ang kanyang pag-iisip, at hindi na kayang alagaan ang sarili niya. Ayon sa diagnosis ng doktor sa kulungan, hindi na siya tatagal pa ng higit sa tatlong buwan. Sa harap ng pahayag ng kamatayan, sino ang sumama kay Chen Jing sa pinakamahirap na yugto ng kanyang buhay? Sa bingit ng kamatayan, sino ang nagligtas sa kanya mula sa matinding panganib at nagbigay sa kanya ng pananalig at lakas para patuloy na mabuhay? Inaasahan namin na aabangan ninyo ang paglabas ng tampok na pelikulang: Ang Diyos ang Awit sa Loob ng Puso ko.
Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.
Iba pang mga Uri ng Video