Tagalog Christian Song | "Ang Diyos ay ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Anim-na-Libong Taong Plano ng Pamamahala"
Oktubre 15, 2026
I
Ang Diyos ang Simula at ang Katapusan; Siya Mismo ang nagpapasimulang magpatakbo ng Kanyang gawain at kaya dapat Siya Mismo ang tatapos sa naunang kapanahunan. Iyon ang patunay ng pagtalo Niya kay Satanas at ng Kanyang paggapi sa mundo. Tuwing gumagawa Siya Mismo sa gitna ng sangkatauhan, ito ay simula ng isang bagong labanan. Kung walang pagsisimula ng bagong gawain, walang magiging pagtatapos ng luma. At kapag walang pagtatapos ng luma, patunay ito na ang pakikipaglaban kay Satanas ay hindi pa natatapos. Tanging kung ang Diyos Mismo ang dumating at magsagawa ng bagong gawain sa gitna ng tao, saka lang ganap na makakalaya ang tao mula sa kapangyarihan ni Satanas at makakatamo ng isang bagong buhay at bagong simula. Kung hindi, mamumuhay magpakailanman ang tao sa lumang kapanahunan at mamumuhay magpakailanman sa ilalim ng lumang impluwensiya ni Satanas.
II
Ang gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos Mismo. Siya ang nagpapasimulang magpatakbo ng Kanyang gawain, at Siya ang tumatapos nito. Siya ang nagpaplano ng gawain, at Siya ang namamahala nito, at higit pa rito, Siya ang tumutupad sa gawain. Tulad ng nakasaad sa Bibliya, “Ako ang Pasimula at ang Katapusan; Ako ang Tagahasik at ang Tagaani.”
III
Ang lahat ng gawaing ito na may kaugnayan sa pamamahala ng Diyos ay ginagawa Niya Mismo. Siya ang may Kataas-taasang Kapangyarihan sa anim-na-libong taong plano ng pamamahala; walang sinuman ang makakahalili sa paggawa ng Kanyang gawain o makakapagtapos ng Kanyang gawain, dahil Siya ang may hawak ng lahat ng bagay sa Kanyang mga kamay. Dahil nilikha Niya ang mundo, aakayin Niya ang buong mundo na mamuhay sa Kanyang liwanag, at tiyak na tatapusin Niya rin ang buong kapanahunan, sa gayon ay naisasakatuparan ang Kanyang buong plano!
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)
Iba pang mga Uri ng Video