Christian Dance | "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Kapanahunan ng Kaharian" | Praise Song
Disyembre 16, 2024
I
Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao,
pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya
at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan.
Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos,
at winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya
at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian.
Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos
ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian,
at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos.
Bagama't pumarito si Jesus sa gitna ng tao at gumawa ng maraming gawain
kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan
at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao;
hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao.
II
Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas
ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan
at pasanin ang mga kasalanan ng tao,
kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain
upang ganap na alisin sa tao
ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon.
Kaya, pagkatapos napatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan,
nagbalik ang Diyos sa katawang-tao
upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan,
at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol.
Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako.
Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan
ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan
at tatanggap ng mas malalaking pagpapala.
Tunay silang mabubuhay sa liwanag,
at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video