Christian Dance | "Ang Makapangyarihang Diyos ay Nagliligtas sa mga Tao" | Praise Song

Oktubre 9, 2024

I

Kidlat ay nagsisimula na sa Silangan,

ginigising ng mga salita ng Diyos ang mga taong natutulog.

Ang Anak ng tao ay nagpapahayag ng katotohanan,

nagdadala ng liwanag sa tiwaling sangkatauhan.

Nababalot sa kadiliman,

naririnig ng lahat ng tao ang tinig ng Diyos at bumabalik sa Kanyang harapan.

Sila'y nagpapakasaya sa mga salita Ng Diyos hanggang sa ikalulugod nila

at dumadalo sa malaking piging.

Habang nauunawaan natin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos,

ginagawa natin ang ating mga tungkulin at namumuhay tayo sa harap ng Diyos.

Sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos,

ang ating tiwaling disposisyon ay nalilinis.

Sa pagkakita sa kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos,

minamahal natin ang Diyos sa ating puso at nagpapatotoo tayo sa Kanya.

Ang mga tao ng Diyos ay ginagawang perpekto at nakakamit ng Diyos,

nag-aalay ng pasasalamat at papuri sa Kanya.

II

Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang lahat ng tao,

at naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig.

Ang hinirang na mga tao ng Diyos sa lahat ng bayan at denominasyon

ay unti-unting bumabalik sa harap ng Diyos.

Sa pagpapalusog ng buhay na tubig ng buhay,

nahaharap tayo sa Diyos sa Kanyang mga salita.

Sa pagkakita sa pag-ibig at mga pagpapala ng Diyos,

lahat tayo ay sumusunod sa Makapangyarihang Diyos at nagpapatotoo sa Kanya.

Ang ebanghelyo ng kaharian ay lumaganap sa buong mundo,

lubos na pinapahiya at tinatalo si Satanas.

Ang mga tao ng Diyos ay sumasamba sa nag-iisang tunay na Diyos,

nakamit na ng Makapangyarihang Diyos ang ganap na kaluwalhatian.

Ang pagiging matuwid at ang poot ng Diyos ay napakawalan na,

at ang malaking pulang dragon ay pinarurusahan at winawasak ng Diyos.

Ang malaking gawain ng anim na libong taong pamamahala ay tapos na,

ang nilikhang sangkatauhan ay nagbibigay ng walang hanggang papuri sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin