Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula: Kabanata 34
Ang Makapangyarihang Diyos ay makapangyarihan-sa-lahat, tinutupad-ang-lahat at ganap na tunay na Diyos! Hindi lamang Niya dala-dala ang pitong bituin, tinataglay ang pitong Espiritu, mayroong pitong mata, binubuksan ang pitong tatak at binubuksan ang kasulatan, ngunit higit sa riyan pinamamahalaan Niya ang pitong salot at ang pitong mangkok at binubuksan ang pitong kulog; matagal nang panahong nakalipas pinatunog na Niya ang pitong trumpeta! Lahat ng bagay na nilikha at ginawang ganap Niya ay dapat na purihin Siya, magbigay ng kaluwalhatian sa Kanya at itaas ang Kanyang trono. O, Makapangyarihang Diyos! Ikaw ang bawat bagay, naisakatuparan Mo ang bawat bagay, at sa Iyo lahat ay ganap, lahat ay maningning, lahat ay napalaya, lahat ay malaya, lahat ay malakas at makapangyarihan! Walang anumang natatago o natatakpan, sa Iyo ang lahat ng hiwaga ay nabubunyag. Lalong higit, Iyong hinahatulan ang sangkaramihan ng Iyong mga kaaway, Iyong ipinakikita ang Iyong kamahalan, ipinakikita ang Iyong naglalagablab na apoy, ipinakikita ang Iyong poot, at lalong higit Iyong ipinakikita ang Iyong walang katulad, walang-hanggan, buong-buong walang-katapusang kaluwalhatian! Lahat ng bayan ay dapat na gumising at dapat magbunyi at umawit nang buong-laya, pinupuri ang makapangyarihan sa lahat, ang tunay-lahat, nabubuhay-lahat, masagana, maluwalhati at tunay na Diyos na mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Ang Kanyang trono ay dapat na itaas nang palagian, ang Kanyang banal na pangalan ay pinuri at niluwalhati. Ito ang walang-hanggang kalooban ng Aking Diyos at ito ang walang-katapusang mga pagpapala na Kanyang ibinubunyag at ipinagkakaloob sa atin! Sino sa atin ang hindi nagmamana nito? Upang manahin ang mga pagpapala ng Diyos, dapat na itaas ng isa ang banal na pangalan ng Diyos at lumapit upang sumamba sa pamamagitan ng paglibot sa trono. Lahat niyaong tumutungo sa harap Niya na may ibang mga motibo at ibang mga layunin ay tutunawin ng Kanyang naglalagablab na apoy. Ngayon ay ang araw na ang Kanyang mga kaaway ay hahatulan, at sila rin ay mapapahamak sa araw na ito. Higit sa rito ito ang araw na Ako, ang Makapangyarihang Diyos ay mabubunyag at magkakamit ng kaluwalhatian at karangalan. O, lahat ng bayan! Magsitayong mabilis upang purihin at tanggapin ang Makapangyarihang Diyos na magpakailan pa man ay nagbibigay sa atin ng maibiging-kabaitan, kaligtasan, nagkakaloob ng mga pagpapala sa atin, ginagawang ganap ang Kanyang mga anak at matagumpay na nakakamtan ang Kanyang kaharian! Ito ang kamangha-manghang gawa ng Diyos! Ito ang walang-hanggang itinadhana at pagsasaayos ng Diyos, na Siya Mismo ay dumarating upang iligtas tayo, upang gawin tayong ganap at upang dalhin tayo sa kaluwalhatian.
Lahat sila na hindi tumatayo at sumasaksi ay ang mga ninuno ng bulag, ang mga hari ng kamangmangan at sila ay magiging ang walang-hanggang mangmang, walang-hanggang mga hangal at ang walang-hanggang bulag na patay. Samakatuwid ang ating mga espiritu ay dapat gumising! Lahat ng tao ay dapat na tumayo! Ipagbunyi, purihin at itaas nang walang katapusan ang Hari ng kaluwalhatian, ang Ama ng kahabagan, ang Anak ng katubusan, ang masaganang pitong Espiritu, at ang Makapangyarihang Diyos na nagdadala ng maringal na naglalagablab na apoy at matuwid na paghatol, na Siyang sapat-sa-lahat, masagana, makapangyarihan sa lahat, at ganap. Ang Kanyang trono ay itataas magpakailanman! Dapat makita ng lahat ng tao na ito ay ang karunungan ng Diyos, ito ang Kanyang kamangha-manghang paraan ng pagliligtas, at ang katuparan ng Kanyang maluwalhating kalooban. Kung tayo ay hindi tatayo at sasaksi, kapag ang sandaling ito ay nakaraan na kung gayon ay wala nang pagbalik. Kung tayo man ay magkamit ng mga pagpapala o kamalasan ay pinagpapasyahan sa kasalukuyang yugtong ito ng ating paglalakbay, ayon sa ating ginagawa, iniisip at isinasabuhay sa panahong ito. Kung gayon ay paano kayo kumilos? Sumaksi para sa Diyos at itaas ang Diyos magpakailanman, itaas ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw—ang walang-hanggan, walang-katulad, at tunay na Diyos!
Mula ngayon dapat mong makita nang malinaw na lahat ng yaong hindi sumasaksi para sa Diyos, na hindi sumasaksi para sa walang-katulad, tunay na Diyos, yaong mga nagkakandili ng mga pag-aalinlangan tungkol sa Kanya, silang lahat ay may-sakit, patay at ang mga yaong lumalaban sa Diyos! Ang mga salita ng Diyos ay napatunayan na mula sa sinaunang mga panahon: Lahat niyaong hindi nagtitipong kasama Ko ay nagkakalat, at yaong mga hindi kasama sa Akin ay laban sa Akin; ito ay isang di-mababagong katotohanan na iniukit sa bato! Yaong mga hindi sumasaksi para sa Diyos ay mga kampon ni Satanas. Ang mga taong ito ay lumalapit upang gambalain at linlangin ang mga anak ng Diyos, upang abalahin ang pamamahala ng Diyos, at sila ay dapat na patayin! Sinumang nagpapakita sa kanila ng mabubuting hangarin ay naghahanap ng kanilang sariling pagkawasak. Dapat mong marinig at paniwalaan ang pagsasalita ng Espiritu ng Diyos, lakaran ang landas ng Espiritu ng Diyos at isabuhay ang mga salita ng Espiritu ng Diyos, at higit pa rito itaas ang trono ng Diyos na makapangyarihan sa lahat magpakailanman!
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos ng pitong Espiritu! Ng pitong mata at pitong bituin ay Siya rin; binubuksan Niya ang pitong tatak, at ang kasulatan ay binubuksan Niya lahat! Pinatunog na Niya ang pitong trumpeta, at ang pitong mangkok at pitong salot ay nasa Kanyang mga kamay, upang ibuhos ayon sa Kanyang kalooban. O, ang pitong kulog na palaging nananatiling nakasara! Ang sandali upang buksan sila ay dumating na! Siya na magbubukas sa pitong kulog ay nagpakita na sa harapan ng ating mga mata!
Makapangyarihang Diyos! Sa Iyo lahat ay napalaya at malaya, walang paghihirap, at ang lahat ay dumadaloy nang maayos! Walang naglalakas-loob na humarang o humadlang sa Iyo, lahat ay nagpapasakop sa Iyo. Anumang hindi nagpapasakop lahat ay namamatay!
Makapangyarihang Diyos, ang Diyos na may pitong mata! Lahat ay ganap na malinaw, lahat ay maningning at lantad, lahat ay nabubunyag at hubad. Sa Kanya lahat ay malinaw gaya ng kristal, at hindi lamang ang Diyos Mismo ay ganito, ngunit gayundin ang Kanyang mga anak ay ganito rin. Walang isa man, walang bagay, at walang pangyayari ang matatakpan sa harap Niya at ng Kanyang mga anak!
Ang pitong bituin ng Makapangyarihang Diyos ay maningning! Ang iglesia ay nagawa na Niyang ganap, itinatatag Niya ang Kanyang mga tagapagmensahe ng iglesia at lahat ng iglesia ay nasa loob ng Kanyang pagtutustos. Binubuksan Niya ang lahat ng pitong tatak, at Siya Mismo ang nagdadala ng Kanyang plano ng pamamahala at Kanyang kalooban tungo sa kaganapan. Ang kasulatan ay ang mahiwagang wikang espirituwal ng Kanyang pamamahala at Kanyang binuksan at ibinunyag ito!
Lahat ng tao ay dapat na marinig ang Kanyang pitong tumutunog na trumpeta. Sa Kanya lahat ay ipinaaalam, upang hindi na kailanman maitago, at wala nang pagdadalamhati. Lahat ay nabubunyag at lahat ay matagumpay!
Ang pitong trumpeta ng Makapangyarihang Diyos ay bukas, maluwalhati at matagumpay na mga trumpeta! Ang mga iyon din ang mga trumpeta na humahatol sa Kanyang mga kaaway! Sa gitna ng Kanyang tagumpay, ang Kanyang tambuli ay itinataas! Kanyang pinamumunuan ang buong sansinukob!
Naihanda na Niya ang pitong mangkok ng mga salot at ang mga iyon ay naibuhos nang pataob sa Kanyang mga kaaway hanggang sa kasukdulang hangganan, at sila ay lalamunin sa mga ningas ng Kanyang naglalagablab na mga apoy. Ipinakikita ng Makapangyarihang Diyos ang kapangyarihan ng Kanyang awtoridad at lahat ng Kanyang mga kaaway ay nangapapahamak. Ang huling pitong kulog ay hindi na sasarhan sa harap ng Makapangyarihang Diyos, lahat ng iyon ay bukas! Lahat bukas! Pinapatay Niya ang Kanyang mga kaaway gamit ang pitong kulog, pinatitibay ang lupa, sinasanhi upang mag-ukol ito ng paglilingkod sa Kanya, upang hindi na kailanman masayang!
Ang matuwid na Makapangyarihang Diyos! Itinataas Ka namin magpakailanman! Ikaw ay karapat-dapat sa aming walang-katapusang papuri, walang-katapusang pagkilala at pagtataas! Ang Iyong pitong kulog ay hindi lamang basta para sa Iyong paghatol, ngunit higit ay para sa Iyong kaluwalhatian at awtoridad, upang gawing ganap ang lahat ng bagay!
Lahat ng bayan ay nagdiriwang sa harap ng trono, binabati at pinupuri ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw! Niyayanig ng kanilang mga tinig ang buong sansinukob na parang kulog! Tunay na tunay na ang lahat ng bagay ay umiiral dahil sa Kanya, at tumatayo dahil sa Kanya. Sinong naglalakas-loob na hindi kilalanin na lahat ng kaluwalhatian, karangalan, awtoridad, karunungan, kabanalan, katagumpayan at mga pahayag ay buong-buo na sa Kanya? Ito ang katuparan ng Kanyang kalooban at ito ang huling kaganapan ng pagbubuo ng Kanyang pamamahala!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.