Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Recital-kingdom-selection-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ikatlong bahagi

Mula sa simula hanggang ngayon, tanging tao lamang ang may kakayahang makipag-usap sa Diyos. Iyan ay, sa gitna ng lahat ng nabubuhay at mga nilalang ng Diyos, walang iba kundi tao lang ang kayang makipag-usap sa Diyos. Ang tao ay may mga tainga para makarinig siya, at mga mata para makakita siya, mayroon siyang wika, at kanyang sariling mga ideya, at malayang kalooban. Nagmamay-ari siya ng lahat ng kailangan para marinig ang Diyos na nagsasalita, at maintindihan ang kalooban ng Diyos, at tanggapin ang komisyon ng Diyos, at kaya ipinagkakaloob ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga hangarin sa tao, na gusto Niyang gawin ang tao bilang isang kasama na pareho ang pag-iisip gaya Niya at kayang maglakad na kasama Niya. Mula pa nang nagsimula Siyang mamahala, naghihintay ang Diyos na ibigay ng tao ang kanyang puso sa Kanya, na hayaan ang Diyos na dalisayin at bigyan ng kailangan ito, upang gawin siyang kasiya-siya sa Diyos at mahal ng Diyos, upang igalang ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang Diyos ay lubos na umasa at nag-abang sa kalalabasang ito. Mayroon bang mga naturang tao sa mga tala ng Biblia? Iyan ay, mayroon bang nasa Biblia na kayang ibigay ang kanilang mga puso sa Diyos? Mayroon bang nauna bago ang kapanahunang ito? Ngayon, ituloy natin ang pagbabasa sa mga tala ng Biblia at tingnan kung ang ginawa ng taong ito—ni Job—ay may anumang kinalaman sa paksang “pagbibigay ng iyong puso sa Diyos” na pinag-uusapan natin ngayon. Tingnan natin kung si Job ay kasiya-siya sa Diyos at minahal ng Diyos.

Ano ang inyong palagay kay Job? Sinisipi sa orihinal na banal na kasulatan, may mga nagsasabi na si Job ay “takot sa Diyos at umiwas sa kasamaan.” “Takot sa Diyos at umiwas sa kasamaan”: Ito ang orihinal na pagtatasa kay Job na nakasulat sa Biblia. Kung gagamitin ninyo ang inyong sariling mga salita, paano ninyo ilalarawan si Job? May mga nagsasabi na si Job ay isang mabuti at makatuwirang tao; may nagsasabi na may tunay na pananampalataya siya sa Diyos; may nagsasabi na si Job ay isang taong matuwid at makatao. Nakita ninyo ang pananampalataya ni Job, na ang ibig sabihin, binibigyan ninyo ng halaga sa inyong mga puso at kinaiinggitan ang pananampalataya ni Job. Ngayon, pagkatapos, tingnan natin kung ano ang mayroon si Job na ikinalulugod ng Diyos. Susunod, basahin natin ang banal na kasulatan sa ibaba.

C. Job

1. Ang Mga Pagtatasa ng Diyos kay Job sa Biblia

(Job 1:1) May isang lalaki sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay perpekto at matuwid, at natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan.

(Job 1:5) At nangyari, nang makaraan ang mga araw ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo at pinapagbanal sila, at maagang bumangon kinaumagahan, at nag-alay ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagkat sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak na lalaki ay nagkasala, at itinakwil ang Diyos sa kanilang mga puso. Ganito palagi ang ginawa ni Job.

(Job 1:8) At sinabi ni JEHOVA kay Satanas, Iyo bang napansin ang aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?

Ano ang mahalagang punto na nakikita ninyo sa mga siping ito? Ang tatlong maiikling siping ito ng banal na kasulatan ay may kaugnayan lahat kay Job. Kahit maikli, malinaw na sinasaad nito kung anong uri ng tao siya. Sa pamamagitan ng paglalarawan nito ng araw-araw na pag-uugali at asal ni Job, sinasabi nito sa lahat, na sa halip na walang batayan, ang pagtatasa ng Diyos kay Job ay batay sa katotohanan. Sinasabi nito sa atin na maging ito man ay pagtasa ng tao kay Job (Job 1:1), o pagtasa sa kanya ng Diyos (Job 1:8), pareho itong resulta ng mga gawain ni Job sa harap ng Diyos at ng tao (Job 1:5).

Una, basahin natin ang unang sipi: “May isang lalaki sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay perpekto at matuwid, at natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan.” Sa unang pagtatasa kay Job sa Biblia, ang pangungusap na ito ay ang pagtasa ng may-akda ng aklat ng Job. Natural, ito rin ay kumakatawan sa pagtatasa ng tao kay Job, na kung saan “ang lalaking yaon ay perpekto at matuwid, at natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan.” Susunod, basahin natin ang pagtatasa ng Diyos kay Job: “sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan” (Job 1:8). Sa dalawang ito, ang isa ay galing sa tao, at ang isa ay buhat sa Diyos; ito ang dalawang pagtatasa na may parehong nilalaman. Makikita natin, pagkatapos, na ang pag-uugali at asal ni Job ay kilala ng tao, at pinuri rin ng Diyos. Sa ibang salita, ang asal ni Job sa harap ng tao at ang kanyang asal sa harap ng Diyos ay pareho; inilatag niya ang kanyang pag-uugali at motibasyon sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, upang maaari itong pagmasdan ng Diyos, at isa siyang tao na natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Kaya, sa mga mata ng Diyos, sa lahat ng tao sa lupa si Job lang ang perpekto at matuwid, at isang natakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan.

Partikular na mga Pagpapamalas ni Job ng Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan sa Kanyang Araw-araw na Buhay

Susunod, tingnan natin ang partikular na mga pagpapamalas ni Job ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Bilang karagdagan sa mga sipi na nauna at sumunod dito, basahin din natin ang Job 1:5, na isa sa mga halimbawa ng pagpapamalas ni Job ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Ito ay may kinalaman sa kung paano siya natakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan sa kanyang araw-araw na buhay; lalo pang kitang-kita, dahil hindi lamang niya ginawa ang mga dapat niyang gawin para sa sarili niyang takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, kundi regular din siyang nagsakripisyo ng mga handog na susunugin sa harap ng Diyos sa ngalan ng kanyang mga anak na lalaki. Siya ay takot na sila ay madalas na “nagkasala, at itinakwil ang Diyos sa kanilang mga puso” habang nagdiriwang. At paano ipinamalas ni Job ang takot na ito? Ang orihinal na teksto ay nagbibigay ng mga sumusunod na salaysay: “At nangyari, nang makaraan ang mga araw ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo at pinapagbanal sila, at maagang bumangon kinaumagahan, at nag-alay ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat.” Ipinapakita sa atin ng asal ni Job, na sa halip na ipamalas sa kanyang panlabas na pag-uugali, ang kanyang takot sa Diyos ay nagmula sa loob ng kanyang puso, at ang kanyang takot sa Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng kanyang araw-araw na buhay, sa lahat ng pagkakataon, dahil hindi lamang siya lumayo sa kasamaan, kundi madalas ding mag-alay ng mga sinunog na handog sa ngalan ng kanyang mga anak na lalaki. Sa ibang salita, si Job ay hindi lamang may malalim na takot sa pagkakasala laban sa Diyos at pagtalikod sa Diyos sa kanyang puso, kundi nag-alala rin siya na ang kanyang mga anak na lalaki ay nagkasala laban sa Diyos at tinalikuran Siya sa kanilang mga puso. Makikita natin mula rito na ang katotohanan ng takot sa Diyos ni Job ay nagtatagumpay laban sa masusing pagsisiyasat, at walang pag-aalinlangan ng sinumang tao. Ginawa niya ba ito paminsan-minsan, o madalas? Ang huling pangungusap ng teksto ay “Ganito palagi ang ginawa ni Job.” Nangangahulugang ang mga salitang ito ay hindi pumunta at bumisita si Job sa kanyang mga anak nang paminsan-minsan, o kung nais niya, at hindi rin siya nagkumpisal sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa halip, regular niyang sinugo at pinapagbanal ang kanyang mga anak, at nagsakripisyo ng mga handog na susunugin para sa kanila. Ang “palagi” dito ay hindi nangangahulugan na gumawa siya ng gayon para sa isa o dalawang araw, o para sa isang sandali. Sinasabi nito na ang pagpapamalas ng takot sa Diyos ni Job ay hindi pansamantala, at hindi tumigil sa kaalaman, o mga winikang salita; sa halip, ang paraan ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan ang pumatnubay sa kanyang puso, ito ang nagdikta sa kanyang asal, at ito nga, sa kanyang puso, ang ugat ng kanyang pananatiling buhay. Ang patuloy niyang paggawa dito ay ipinapakita, na sa kanyang puso, madalas siyang natakot na siya mismo ay magkakasala laban sa Diyos at natakot din siya na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay nagkasala laban sa Diyos. Kinakatawan nito kung gaano kabigat ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan na dala sa loob ng kanyang puso. Patuloy niya itong ginawa, sa kanyang puso, dahil nasindak at natakot siya—takot na may ginawa siyang masama at nagkasala laban sa Diyos at nalihis siya mula sa paraan ng Diyos at kaya hindi niya nagawang malugod ang Diyos. At kasabay nito, nag-alala rin siya tungkol sa kanyang mga anak na lalaki at babae, na takot na ginalit nila ang Diyos. Gayon ang karaniwang asal ni Job sa kanyang araw-araw na buhay. Ang tiyak na karaniwang asal na ito na nagpapatunay na ang takot sa Diyos ni Job at ang paglayo sa kasamaan ay 'di lang puro salita, na talagang isinabuhay ni Job ang ganitong katotohanan. “Ganito palagi ang ginawa ni Job”: ang mga salitang ito ang nagsasabi sa atin ng araw-araw na mga gawa ni Job sa harap ng Diyos. Nang palagi niya itong ginawa, naabot ba ng kanyang ugali at ng kanyang puso ang Diyos? Sa ibang salita, madalas bang nalugod ang Diyos sa kanyang puso at sa kanyang ugali? Kung gayon, sa anong kalagayan at sa anong konteksto iyon na palaging ginawa ni Job? May mga nagsasabi na ganito kumilos si Job dahil madalas magpakita sa kanya ang Diyos; may ilang nagsasabi na patuloy niya itong ginawa dahil lalayo siya sa kasamaan; at may ilang nagsasabi na marahil inisip niya na hindi naging madaling nakamit ang kanyang kayamanan, at alam niya na Diyos ang nagkaloob nito sa kanya, at kaya siya ay lubhang natakot na mawala ang kanyang ari-arian bilang bunga ng pagkakasala laban sa Diyos o pagkagalit ng Diyos. May mga totoo ba sa mga pahayag na ito? Malinaw na wala. Dahil, sa mga mata ng Diyos, ang lubos na tinanggap at pinahalagahan ng Diyos kay Job ay hindi lang ang kanyang palaging paggawa nito; higit pa rito, ay ang kanyang asal sa harapan ng Diyos, ng tao at kay Satanas nang ipasa siya kay Satanas at tinukso. Ibinibigay ng mga bahagi sa ibaba ang pinaka-kapani-paniwalang katibayan, ang katibayan na nagpapakita sa atin ng katotohanan ng pagtatasa ng Diyos kay Job. Susunod, basahin natin ang sumusunod na mga sipi sa banal na kasulatan.

2. Tinukso ni Satanas si Job sa Unang Pagkakataon (Ninakaw ang Kanyang mga Alagang Hayop at Dumanas ng Kalamidad ang Kanyang mga Anak)

a. Ang Mga Salitang Winika ng Diyos

(Job 1:8) At sinabi ni Jehova kay Satanas, Iyo bang napansin ang aking lingkod na si Job, sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.

(Job 1:12) At sinabi ni JEHOVA kay Satanas, Narito, lahat niyang tinataglay ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo’y umalis si Satanas mula sa harapan ni Jehova.

b. Sagot ni Satanas

(Job 1:9-11) Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay JEHOVA, at sinabi, Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kanyang sambahayan, at ang lahat niyang tinataglay sa bawa’t dako? iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinataglay, at itatakwil ka niya nang harapan

Pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na Tuksuhin si Job upang Gawing Perpekto ang Pananampalataya ni Job

Ang Job 1:8 ay ang unang tala na nakikita natin sa Bibliya tungkol sa isang pag-uusap sa pagitan ng Diyos na Jehova at ni Satanas. At ano ang sinabi ng Diyos? Ang orihinal na teksto ay naglalaman ng sumusunod na salaysay: “At sinabi ni JEHOVA kay Satanas, Iyo bang napansin ang aking lingkod na si Job, sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.” Ito ay pagtatasa ng Diyos kay Job sa harap ni Satanas; sinabi ng Diyos na siya ay isang perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Bago pa man ang mga salitang ito sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, pinagpasiyahan na ng Diyos na gagamitin Niya si Satanas upang tuksuhin si Job—na ipapasa Niya si Job kay Satanas. Sa isang banda, patutunayan nito na ang pagmamasid at pagtataya ng Diyos kay Job ay tumpak at walang pagkakamali, at magdudulot ng kahihiyan kay Satanas sa pamamagitan ng patotoo ni Job; sa kabilang banda, gagawin nitong perpekto ang pananampalataya at takot ni Job sa Diyos. Kaya, nang si Satanas ay naparoon sa harap ng Diyos, hindi nagpaligoy-ligoy ang Diyos. Diretso Niyang sinabi at tinanong kay Satanas: “Iyo bang napansin ang aking lingkod na si Job, sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?” Sa tanong ng Diyos ay may sumusunod na kahulugan: Alam ng Diyos na lumilibot si Satanas sa lahat ng lugar, at madalas niyang manmanan si Job, na lingkod ng Diyos. Madalas niya itong tuksuhin at salakayin, sinusubukang maghanap ng paraan upang magdala ng kasiraan kay Job para mapatunayan na ang pananampalataya sa Diyos at ang takot sa Diyos ni Job ay hindi matatag. Si Satanas din ay mabilisang naghanap ng mga pagkakataon para ganap na masira si Job, na itatakwil ni Job ang Diyos at hayaan si Satanas na agawin siya sa mga kamay ng Diyos. Ngunit ang Diyos ay tumingin sa loob ng puso ni Job at nakita Niya na siya ay perpekto at matuwid, at siya ay natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Ginamit ng Diyos ang isang tanong para sabihin kay Satanas na si Job ay isang perpekto at matuwid na tao na natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, na hindi kailanman tatalikuran ni Job ang Diyos at susunod kay Satanas. Nang marinig ang pagtasa ng Diyos kay Job, nagalit si Satanas dahil sa kahihiyan, at lalo siyang napoot, at lalong nainip na agawin si Job, dahil hindi kailanman naniwala si Satanas na may isang taong maaaring maging perpekto at matuwid, o makaya nilang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Kasabay nito, si Satanas ay napoot din sa pagka-perpekto at pagkamatuwid ng tao, at nagalit sa mga tao na makayang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Gayon din naman nasusulat sa Job 1:9-11 na “Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Jehova, at sinabi, Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kanyang sambahayan, at ang lahat niyang tinataglay, sa bawa’t dako? iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinataglay, at itatakwil ka niya nang harapan,” Kilalang-kilala ng Diyos ang malisyosong kalikasan ni Satanas, at alam na alam na matagal nang balak ni Satanas na sirain si Job, at kaya ninais ng Diyos, sa pamamagitan ng pagsasabing muli kay Satanas na si Job ay perpekto at matuwid at siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, upang ilagay sa kanyang lugar si Satanas, na maibunyag ni Satanas ang tunay nitong mukha at lusubin at tuksuhin si Job. Sa ibang salita, kusang binigyang-diin ng Diyos na perpekto at matuwid si Job, at kinatakutan niya ang Diyos at umiiwas siya sa kasamaan, at sa pamamagitan nito'y hinayaan Niyang lusubin ni Satanas si Job dahil sa pagkamuhi at galit ni Satanas sa pagiging perpekto at matuwid ni Job, isang taong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Bunga nito, magdadala ng kahihiyan ang Diyos kay Satanas dahil sa katotohanan na si Job ay perpekto at matuwid na tao, isang tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at si Satanas ay maiiwang napahiya at talunan. Pagkatapos nito, si Satanas ay hindi na muling mag-aalinlangan o gagawa ng mga paratang kay Job tungkol sa kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, pagkatakot sa Diyos, o paglayo sa kasamaan. Sa ganitong paraan, ang pagsubok ng Diyos at tukso ni Satanas ay halos di-maiiwasan. Ang tanging isa na nagawang makatiis sa pagsubok ng Diyos at tukso ni Satanas ay si Job. Sunod sa usapang ito, si Satanas ay nabigyan ng pahintulot na tuksuhin si Job. Kaya nagsimula ang unang mga paglusob ni Satanas. Ang pinatatamaan ng mga paglusob na ito ay ang mga ari-arian ni Job, sapagkat ginawa ni Satanas ang mga sumusunod na paratang laban kay Job: “Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos? ... iyong pinagpala ang gawa ng kanyang mga kamay, at ang kanyang pag-aari ay dumami sa lupain.” Bunga nito, pinahintulutan ng Diyos si Satanas na kunin ang lahat ng ari-arian ni Job—na siyang tunay na layunin kung bakit nakipag-usap ang Diyos kay Satanas. Gayunman, gumawa ang Diyos ng isang utos kay Satanas: “lahat niyang tinataglay ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay” (Job 1:12). Ito ang kondisyong ginawa ng Diyos matapos Niyang payagan si Satanas na tuksuhin si Job at ilagay si Job sa kamay ni Satanas, ang hangganan na itinakda Niya para kay Satanas: Inutusan niya si Satanas na huwag saktan si Job. Dahil kinikilala ng Diyos na si Job ay perpekto at matuwid, at mayroon Siyang pananampalataya na ang pagka-perpekto at pagkamatuwid ni Job sa Kanyang harapan ay walang alinlangan, at kayang tiisin ang pagsubok, kaya pinahintulutan ng Diyos na tuksuhin ni Satanas si Job, ngunit nagpataw Siya ng hangganan kay Satanas: Si Satanas ay pinahintulutan na kunin ang lahat ng ari-arian ni Job, ngunit hindi ito maaaring magtaas ng isang daliri laban sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito ay hindi lubusang ibinigay ng Diyos si Job kay Satanas. Maaaring tuksuhin ni Satanas si Job sa anumang paraan na nais niya, ngunit hindi nito maaaring saktan si Job mismo, kahit isang buhok sa kanyang ulo, dahil ang lahat sa tao ay pinamamahalaan ng Diyos, kung mabubuhay at mamamatay ang tao ay naaayon sa pasiya ng Diyos, at si Satanas ay walang ganitong karapatan. Matapos sabihin ng Diyos ang mga salitang ito kay Satanas, hindi na makapaghintay na magsimula si Satanas. Ginamit nito ang lahat ng paraan upang tuksuhin si Job, at 'di nagtagal nawala kay Job ang gabundok na tupa at baka at lahat ng ari-arian na ibinigay sa kanya ng Diyos.... Kaya dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa kanya.

Kahit sinasabi sa atin ng Biblia ang mga pinagmulan ng tukso ni Job, si Job ba mismo, na sumailalim sa mga tuksong ito, ay may kamalayan kung ano ang nangyayari? Si Job ay isa lamang mortal na tao; siyempre wala siyang alam sa mga nangyayari sa likod niya. Gayunman, ang kanyang takot sa Diyos, at ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, ang nakapagpatanto sa kanya na ang mga pagsubok ng Diyos ay dumating sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang naganap sa espirituwal na larangan, o kung ano ang mga layunin ng Diyos sa likod ng mga pagsubok na ito. Ngunit alam niya na kahit ano pa man ang mangyari sa kanya, dapat niyang patotohanan ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, at dapat siyang sumunod sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Malinaw na nakita ng Diyos ang saloobin ni Job at reaksyon niya sa mga bagay na ito. At ano ang nakita ng Diyos? Nakita Niya ang puso ni Job na natatakot sa Diyos, dahil mula sa simula pa lang hanggang sa pagsubok kay Job, nanatiling bukas ang puso ni Job sa Diyos, inihain ito sa harap ng Diyos, at hindi itinakwil ni Job ang kanyang pagka-perpekto o pagkamatuwid, at hindi rin siya tumanggi o tumalikod sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan—at wala nang ibang mas kasiya-siya pa sa Diyos. Susunod, titingnan natin kung ano ang mga tukso na pinagdaanan ni Job at kung paano niya trinato ang mga pagsubok na ito. Basahin natin ang banal na kasulatan.

c. Ang Reaksyon ni Job

(Job 1:20-21) Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba; At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si JEHOVA ang nagbigay, at si JEHOVA ang babawi; purihin ang pangalan ni JEHOVA.

Na Kusang Ibinalik ni Job ang Lahat ng Kanyang Pag-aari na Nanggaling sa Kanyang Takot sa Diyos

Pagkatapos sabihin ng Diyos kay Satanas, “lahat ng kanyang pag-aari ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay.” umalis si Satanas, at matapos noon ay napasailalim sa biglaan at mababangis na paglusob si Job: Una, ninakaw ang kanyang mga baka at mga asno at pinatay ang mga tagapaglingkod niya; sumunod, sinunog hanggang sa pagkawasak ang kanyang mga tupa at mga tagapaglingkod; matapos noon, kinuha ang mga kamelyo niya at pinatay ang mga tagapaglingkod niya; sa huli, kinuha ang buhay ng mga anak niyang lalaki at babae. Ang sunod-sunod na paglusob na ito ay ang paghihirap na dinanas ni Job sa unang tukso. Ayon sa iniutos ng Diyos, ang mga ari-arian at mga anak lang ni Job ang pinuntirya sa panahon ng mga paglusob ni Satanas, at hindi sinaktan si Job. Gayunman, si Job ay biglaang nabago mula sa pagiging mayamang tao na nagmamay-ari ng malaking kayamanan hanggang sa naging taong walang kahit anong ari-arian. Walang sinuman ang may kakayahang matagalan ang mga kagila-gilalas na biglaang paglusob o tumugon nang maayos dito, ngunit ipinakita ni Job ang kanyang pambihirang kakayahan. Nagbibigay ang Banal na Kasulatan ng sumusunod na salaysay: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;” Ito ang unang reaksyon ni Job pagkatapos niyang marinig na nawala sa kanya ang kanyang mga anak at lahat ng kanyang ari-arian. Higit sa lahat, hindi siya mukhang nagulat, o takot na takot, lalong hindi siya nagpahayag ng galit o poot. Nakikita mo, sa gayon, na nakilala na niya sa kanyang puso na ang mga sakunang ito ay hindi isang aksidente, o gawain ng kamay ng tao, lalong hindi sila pagganti o kaparusahan. Sa halip, dumating sa kanya ang mga pagsubok ni Jehova; si Jehova ang nagnais na kunin ang kanyang ari-arian at mga anak. Napaka-mahinahon at malinaw ang pag-iisip ni Job noon. Ang kanyang perpekto at matuwid na pagkatao ang tumulong sa kanya upang makatwiran at likas na gumawa ng mga tumpak na paghatol at pagpapasya tungkol sa mga sakunang dumating sa kanya, at dahil dito, nagawa niyang kumilos nang may pambihirang kahinahunan: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;” Ang “Pinunit ang kanyang balabal” ay nangangahulugan na wala siyang suot, at walang pagmamay-ari; ang “inahitan ang kanyang ulo” ay nangangahulugang bumalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol; ang “nagpatirapa sa lupa, at sumamba” ay nangangahulugang dumating siya sa mundo nang hubad, at wala pa ring pag-aari sa ngayon, ibinalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol. Ang saloobin ni Job sa lahat ng sinapit niya ay hindi maaaring makamit ng anumang nilalang ng Diyos. Ang kanyang pananampalataya kay Jehova ay hindi kapani-paniwala; ganito ang kanyang takot sa Diyos, at pagkamasunurin sa Diyos, at hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya, ngunit pati na rin sa pagkuha mula sa kanya. Higit pa rito, nagawa niyang ibalik ang lahat ng kanyang pag-aari, pati ang kanyang buhay.

Ang takot at pagkamasunurin ni Job sa Diyos ay isang halimbawa sa sangkatauhan, at ang kanyang pagka-perpekto at ang pagkamatuwid ay ang rurok ng pagkatao na dapat taglayin ng tao. Kahit hindi niya nakita ang Diyos, napagtanto niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagtatantong ito ay natakot siya sa Diyos—at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sumunod sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, gayunman wala siyang hinaing, at nagpakumbaba sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya siyang hahayaan na gawin Niya ito, nang walang hinaing. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin, bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, si Job ay di-natinag sa kanyang pagtatanto at karanasan na mayroong Diyos, at mula sa saligang ito inatasan niya ang kanyang sarili at binigyan ng pamantayan ang kanyang pag-iisip, pag-uugali, pag-aasal at mga alituntunin ng mga gawain sa harap ng Diyos na naayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, nagdulot sa kanya ang kanyang mga karanasan ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang layuan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng katapatan na mahigpit na pinanghawakan ni Job. Nagmay-ari si Job ng isang matapat, walang sala, at mabait na pagkatao, at siya ay mayroong tunay na karanasan ng takot sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at paglayo sa kasamaan, pati na rin ang kaalaman na “si JEHOVA ang nagbigay, at si JEHOVA ang babawi.” Dahil lamang sa mga bagay na ito kaya siya matibay na nakatayo at sumaksi sa gitna ng mapaminsalang paglusob ni Satanas, at dahil sa mga ito kaya niya nagawang hindi biguin ang Diyos at magbigay ng kasiya-siyang sagot sa Diyos nang ang mga pagsubok ng Diyos ay sumakanya. Kahit na ang asal ni Job sa unang tukso ay lubos na tapat, ang mga sumunod na henerasyon ay hindi siguradong may kakayahang makamit ang ganitong katapatan kahit na pagkatapos ng kanilang habambuhay na mga pagsisikap, at hindi rin nila kayang taglayin ang asal ni Job na inilarawan sa itaas. Ngayon, nakikita mo ang tapat na asal ni Job, at kung ihahambing ito sa mga sigaw at pagpupunyagi ng “lubos na pagkamasunurin at katapatang hanggang sa kamatayan” na ipinapakita sa Diyos ng mga taong nagsasabing naniniwala sa Diyos at sumusunod sa Diyos, kayo ba, o hindi ba kayo, nakakaramdam nang lubos na kahihiyan?

Kung babasahin mo sa banal na kasulatan ang lahat ng pinagdusahan ni Job at ng kanyang pamilya, ano ang iyong reaksyon? Napag-isipan mo ba itong mabuti? Nagulat ka ba? Masasabi bang ang mga pagsubok na dumating kay Job ay “kahindik-hindik”? Sa ibang salita, kakila-kilabot na basahin ang mga pagsubok ni Job na inilarawan sa banal na kasulatan, ano pang masasabi natin sa kung paano sila sa tunay na buhay. Nakikita mo, sa gayon, na ang naranasan ni Job ay hindi isang “pagsasanay,” ngunit isang tunay na “labanan,” na nagtatampok ng tunay na “mga baril” at “mga bala.” Ngunit kaninong kamay ang nagsailalim sa kanya sa mga pagsubok na ito? Ang mga ito, siyempre, ay isinagawa ni Satanas, personal na isinagawa ang mga ito ni Satanas—ngunit pinahintulutan ng Diyos ang mga ito. Sinabi ba ng Diyos kay Satanas kung sa anong mga paraan dapat tuksuhin si Job? Hindi Niya sinabi. Nagbigay lang ang Diyos ng isang kondisyon, pagkatapos nito ay dumating ang tukso kay Job. Nang dumating ang tukso kay Job, binigyan nito ang mga tao ng pag-unawa sa kasamaan at kapangitan ni Satanas, ng kanyang mga masamang hangarin at pagkamuhi sa tao, at ng kanyang pagkapoot sa Diyos. Dito makikita natin na hindi maaaring ilarawan ng mga salita kung gaano kalupit ng tuksong ito. Masasabing ang malisyosong kalikasan ni Satanas na ginamit niya upang pagmalupitan ang tao at ang pangit nitong mukha ay buong ibinunyag sa sandaling ito. Ginamit ni Satanas ang pagkakataong ito, ang pagkakataong ibinigay ng pahintulot ng Diyos, para isailalim si Job sa nag-iinit at walang awang pagmamalupit, ang paraan at antas ng kalupitan ay parehong hindi mailarawan at ganap na hindi mapag-titiisan ng mga tao ngayon. Sa halip na sabihing tinukso ni Satanas si Job, at naging matatag siya sa kanyang pagpatotoo sa panahon ng tuksong ito, mas mabuting sabihin na sa mga pagsubok na itinakda para sa kanya ng Diyos si Job ay nakipagpaligsahan kay Satanas upang ingatan ang kanyang pagka-perpekto at pagkamatuwid, at ipagtanggol ang kanyang paraan ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa paligsahang ito, nawala kay Job ang gabundok na mga tupa at baka, nawala sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian, at nawala sa kanya ang kanyang mga anak na lalaki at babae—ngunit hindi niya tinalikuran ang kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, o takot sa Diyos. Sa ibang salita, sa paligsahang ito laban kay Satanas, mas ginusto pa niyang mawala ang kanyang ari-arian at mga anak sa halip na mawala ang kanyang pagka-perpekto, pagkamatuwid, at takot sa Diyos. Ginusto niyang manatili sa ugat ng ibig sabihin ng pagiging tao. Ang Banal na Kasulatan ay nagbibigay ng isang maikling salaysay ng buong pamamaraan kung paano nawala kay Job ang kanyang mga ari-arian, at itinala rin nito ang asal at saloobin ni Job. Ang mga tuwiran at malinaw na mga salaysay na ito, ay nagbibigay ng pakiramdam na halos mahinahon si Job sa pagharap sa tuksong ito, ngunit kung ang tunay na nangyari ay mangyayari uli, na dinagdagan ng malisyosong kalikasan ni Satanas—sa gayon ang mga bagay ay hindi magiging kasing-simple o kasindali ng inilarawan sa mga pangungusap na ito. Ang katotohanan ay higit na mas malupit. Ganoon ang antas ng pagkasira at poot na ginamit ni Satanas sa pagtrato sa sangkatauhan at sa lahat ng pinagtibay ng Diyos. Kung hindi sinabi ng Diyos kay Satanas na huwag saktan si Job, walang duda na papatayin siya ni Satanas nang walang pag-aatubili. Hindi nais ni Satanas na may sinumang sumamba sa Diyos, at hindi rin nito nais na magpatuloy na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan ang mga taong matapat sa mga mata ng Diyos at yaong mga perpekto at matuwid. Para sa mga tao na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan ay nangangahulugan na dapat layuan at talikdan nila si Satanas, at kaya sinamantala ni Satanas ang pahintulot ng Diyos upang ibunton ang lahat ng poot at galit nito kay Job nang walang awa. Nakikita mo, sa gayon, kung gaano kalaki ang paghihirap na pinagdusahan ni Job, mula sa isip hanggang sa laman, mula sa labas hanggang sa loob. Ngayon, hindi natin nakikita kung paano ito noon, at maaari lamang makuha, mula sa mga salaysay ng Biblia, ang isang maikling sulyap ng mga damdamin ni Job nang ipailalim siya sa mga paghihirap ng panahong iyon.

0(Mga) Resulta ng Paghahanap