Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 4 (Ikatlong Bahagi)

Pag-usapan natin ngayon ang tungkol sa pagkakasakit. Pagdating sa matandang laman na ito ng tao, hindi mahalaga kung ano ang magiging sakit ng mga tao, kung maaari ba silang gumaling, o kung gaano sila magdurusa, hindi sila ang magpapasya sa mga bagay na ito—lahat ito ay nasa mga kamay ng Diyos. Kapag ikaw ay nagkasakit, kung magpapasakop ka sa mga pamamatnugot ng Diyos, at magiging handa kang tiisin at tanggapin ang katunayang ito, mananatili ka pa ring may ganitong sakit; kung hindi mo naman tatanggapin ang katunayang ito, hindi mo pa rin maiwawaksi ang sakit na ito—ito ay isang katunayan. Pwede mong harapin nang positibo ang iyong sakit sa loob ng isang araw, o harapin ito nang negatibo sa loob ng isang araw. Ibig sabihin, anuman ang iyong saloobin, hindi mo mababago ang katunayang may sakit ka. Ano ang pinipili ng matatalinong tao? At ano ang pinipili ng mga hangal? Pipiliin ng mga hangal na tao na mamuhay sa pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Malulugmok pa nga sila sa mga damdaming ito at hindi na nila nanaisin pang umahon. Hindi sila nakikinig sa kahit anong payo na ibinibigay sa kanila, at nagtatanong sila, “Paano ko ba nakuha ang sakit na ito? Ito ba ay dulot ng kapaguran? Ito ba ay dulot ng pag-aalala? O ito ba ay dulot ng pagpipigil?” Araw-araw nilang iniisip kung paano sila nagkasakit at kung kailan ito nagsimula, iniisip nila, “Bakit hindi ko napansin ito? Paano ako naging ganito kahangal at nagawa ko pang tapat na gampanan ang aking tungkulin? Ang ibang tao ay nagpapa-physical checkup taun-taon, at kahit papaano ay nagpapatsek sila ng presyon ng dugo at nagpapa-X-ray. Paanong hindi ko napagtanto na kailangan kong magpa-checkup ng katawan? Ang ibang tao ay namumuhay nang napakaingat. Bakit wala akong kaingat-ingat na mamuhay? Nagkasakit ako nang ganito at hindi ko man lang ito nalaman. Ah, kailangan kong ipagamot ang sakit na ito! Ano ang maaari kong ipanggamot?” Pagkatapos, nagsasaliksik sila sa internet para malaman kung paano nila nakuha ang sakit na ito, kung ano ang nagsanhi nito, kung paano ito gamutin gamit ang Chinese medicine, kung paano ito gamutin gamit ang Western medicine, at kung ano ang mga tradisyonal na gamot para dito—sinasaliksik nila ang lahat ng ito. Pagkatapos, umiinom sila ng Chinese medicine at ng Western medicine sa bahay, palaging seryoso, nababalisa, at hindi mapalagay sa kanilang pagkakasakit, at sa paglipas ng panahon, tumitigil sila sa pagganap ng kanilang tungkulin, itinatapon nila ang kanilang pananampalataya sa Diyos, tumitigil sila sa pananalig, at iniisip na lamang nila kung paano gagamutin ang kanilang sakit; ang kanilang tungkulin na ngayon ay ang gamutin ang kanilang sakit. Nilalamon sila ng kanilang sakit, araw-araw silang nababagabag sa kanilang pagkakasakit, at kapag nakikita nila ang sinuman, sinasabi nila, “Ah, nagkasakit ako nang ganito dahil sa ganitong bagay. Gawin mong aral itong nangyari sa akin, at kapag nagkasakit ka, dapat kang magpa-checkup at magpagamot. Ang pangangalaga sa iyong kalusugan ang pinakamahalaga. Dapat kang maging matalino, at hindi ka dapat mamuhay nang masyadong walang-ingat.” Sinasabi nila ang mga ito sa lahat ng nakakasalamuha nila. Sa pagkakasakit nila, nagkakaroon sila ng ganitong karanasan at natututunan nila ang leksyong ito. Sa sandaling magkasakit sila, nag-iingat na sila sa pagkain at paglalakad, at natututunan nila kung paano alagaan ang kanilang sariling kalusugan. Sa huli, nakakabuo sila ng kongklusyon: “Ang mga tao ay dapat umasa sa kanilang sarili upang alagaan ang kanilang sariling kalusugan. Hindi ko masyadong binigyang-pansin ang pangangalaga sa aking kalusugan nitong mga huling taon, at sa sandaling hindi ko ito pinagtuunan ng pansin ay nagkasakit ako. Buti na lang, natuklasan ko ito nang maaga. Kung huli na nang matuklasan ko ito, katapusan ko na sana. Masyadong malas ang magkasakit at mamatay nang maaga. Hindi ko pa natatamasa ang buhay, napakarami pang masasarap na pagkain na hindi ko pa natitikman, at napakarami pang masasayang lugar na hindi ko pa napupuntahan!” Nagkakasakit sila at ito ang kanilang nagiging kongklusyon. Sila ay nagkakasakit ngunit hindi namamatay, at inaakala nilang matalino sila at na naagapan nila ang sakit. Hindi nila kailanman sinasabi na lahat ito ay nakasalalay sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at pauna nang itinakda ng Diyos, at na kung ang isang tao ay hindi pa dapat mamatay, kahit gaano pa kalubha ang sakit na tumama sa kanya, hindi pa rin siya mamamatay, at na kung ang isang tao ay dapat nang mamatay, mamamatay siya kahit pa hindi siya magkasakit—hindi nila ito nauunawaan. Iniisip nila na naging matalino sila dahil sa kanilang sakit, ngunit sa totoo lang, masyado silang nagpapadala sa kanilang “katalinuhan” at sila ay labis na hangal. Kapag ang mga taong naghahangad sa katotohanan ay nahaharap sa sakit, malulugmok ba sila sa mga damdamin ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala? (Hindi.) Paano nila haharapin ang pagkakasakit? (Una, nagagawa nilang magpasakop, at habang sila ay may sakit, hinahangad nilang maunawaan ang mga layunin ng Diyos at pagnilayan kung anong mga tiwaling disposisyon ang mayroon sila.) Maaari bang malutas ng iilang salitang ito ang problema? Kung ang ginagawa lang nila ay ang magnilay, hindi ba’t kakailanganin pa rin nilang gamutin ang kanilang sakit? (Maghahanap din sila ng lunas.) Oo, kung ito ay isang sakit na dapat gamutin, isang malubhang karamdaman, o isang sakit na maaaring lumubha kung hindi mo ito ipapagamot, kinakailangan itong gamutin—ito ang ginagawa ng matatalinong tao. Kapag ang mga hangal na tao ay walang sakit, palagi silang nag-aalala, “Ah, may sakit kaya ako? At kung may sakit nga ako, lalala ba ito? Tatamaan ba ako ng ganoong sakit? At kung tatamaan nga ako ng ganoong sakit, mamamatay ba ako nang maaga? Magiging napakasakit ba kapag namatay ako? Magiging masaya ba ang aking buhay? Kung magkakasakit ako nang ganoon, dapat na ba akong magsaayos ng mga bagay-bagay para sa aking kamatayan at magsaya sa buhay ko hangga’t maaari?” Ang mga hangal na tao ay madalas na mababagabag, mababalisa, at mag-aalala tungkol sa mga ganitong bagay. Hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan o hinahanap ang mga katotohanang dapat nilang maunawaan sa usaping ito. Sa kabilang banda, ang matatalinong tao ay may kaunting pagkaunawa at kabatiran dito kapag ibang tao ang nagkakasakit o kapag sila mismo ay wala pang sakit. Kaya, anong pagkaunawa at kabatiran ang dapat mayroon sila? Una sa lahat, lalagpasan ba ng sakit ang isang tao dahil siya ay nababagabag, nababalisa, at nag-aalala? (Hindi.) Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t nakatadhana na ang pagkakasakit ng isang tao, kung ano ang magiging lagay ng kalusugan niya sa isang partikular na edad, at kung siya ba ay dadapuan ng malubha o seryosong karamdaman? Sinasabi Ko sa iyo, nakatadhana na nga iyon, at tiyak na iyon. Hindi natin pag-uusapan ngayon kung paanong pauna nang itinatakda ng Diyos ang mga bagay para sa iyo; malinaw na alam ng lahat ang hitsura, ang mga katangian ng mukha, ang hugis ng katawan at ang petsa ng kapanganakan ng mga tao. Ang mga walang pananampalatayang manghuhula, astrologo, at nakakabasa ng mga bituin at palad ng mga tao, ay nalalaman batay sa mga palad, mukha, at petsa ng kapanganakan ng mga tao kung kailan sasapit sa mga ito ang sakuna, at kung kailan mahaharap ang mga ito sa pagkasawi—ang mga bagay na ito ay nakatakda na. Kaya, kapag may nagkakasakit, ito ay tila dulot ng pagkapagod, ng pagkagalit, o dahil sa mahirap nilang pamumuhay at kakulangan sa nutrisyon—maaaring tila ganito ito sa panlabas. Ganito ang sitwasyon ng lahat ng tao, kaya bakit may ilang taong nagkakaroon ng sakit na ito at ang iba naman ay hindi, samantalang halos magkakaedad lang naman sila? Nakatadhana bang mangyari ito? (Oo.) Sa madaling salita, nakatadhana na ito. Paano natin ito sasabihin sa mga salitang naaayon sa katotohanan? Ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kaya naman, anuman ang iyong pagkain, inumin, tirahan, at kapaligirang pinamumuhayan, walang kinalaman ang mga ito sa kung kailan ka magkakasakit o kung ano ang sakit na dadapo sa iyo. Ang mga taong hindi nananalig sa Diyos ay palaging naghahanap ng mga dahilan mula sa isang obhetibong pananaw at palaging binibigyang-diin ang mga sanhi ng sakit, sinasabing, “Kailangan mong higit na mag-ehersisyo, at kumain ka ng mas maraming gulay at bawasan mo ang karne.” Totoo ba ito? Kahit ang mga taong hindi kumakain ng karne ay maaari pa ring magkaroon ng altapresyon at diyabetes, at ang mga vegetarian ay maaari pa ring magkaroon ng mataas na kolesterol. Ang siyensiya ng medisina ay hindi pa nagbibigay ng tumpak o makatwirang paliwanag tungkol sa mga bagay na ito. Sinasabi Ko sa iyo, ang lahat ng iba’t ibang pagkain na nilikha ng Diyos para sa tao ay mga pagkain na nararapat na kainin ng tao; huwag lamang maging malabis sa pagkain nito, at sa halip ay maghinay-hinay lang sa pagkain. Kailangan mong matutunan kung paano alagaan ang iyong kalusugan, ngunit ang palaging pagnanais na pag-aralan kung paano maiiwasan ang sakit ay mali. Gaya ng sinabi natin kanina, kung ano ang magiging kalagayan ng kalusugan ng isang tao sa isang partikular na edad at kung siya ba ay magkakaroon ng malubhang sakit ay pawang isinasaayos ng Diyos. Ang mga walang pananampalataya ay hindi naniniwala sa Diyos at naghahanap sila ng tao na kayang alamin ang mga bagay na ito batay sa mga palad, petsa ng kapanganakan, at mukha, at pinaniniwalaan nila ang mga bagay na ito. Nananalig ka sa Diyos at madalas kang makinig sa mga sermon at makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, kaya kung hindi ka naniniwala rito, ikaw ay walang iba kundi isang taong hindi nananampalataya. Kung tunay kang nananalig na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, dapat mong paniwalaan na ang mga bagay na ito—ang malulubhang sakit, malalalang sakit, mga simpleng sakit, at ang kalusugan—ay lahat nasasailalim sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang paglitaw ng isang malubhang sakit at kung ano ba ang magiging kalagayan ng kalusugan ng isang tao sa isang partikular na edad ay hindi mga bagay na nangyayari nang nagkataon lang, at ang maunawaan ito ay ang magkaroon ng positibo at tumpak na pag-unawa. Ito ba ay naaayon sa katotohanan? (Oo.) Ito ay naaayon sa katotohanan, ito ang katotohanan, dapat mong tanggapin ito, at ang iyong saloobin at mga pananaw sa bagay na ito ay dapat na magbago. At ano ang nalulutas sa sandaling magbago ang mga bagay na ito? Hindi ba’t nalulutas na ang iyong mga damdamin ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala? Kahit papaano man lang, ang iyong mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala tungkol sa pagkakasakit ay nalulutas sa teorya. Dahil binago na ng iyong pagkaunawa ang iyong mga kaisipan at pananaw, nalulutas na nito ang iyong mga negatibong emosyon. Isang aspekto ito: Hindi mababago ng kalooban ng tao kung magkakasakit ba ang isang tao o hindi, kung anong malubhang sakit ang dadapo sa kanya, at kung ano ang magiging kalagayan ng kalusugan niya sa bawat yugto ng kanyang buhay, kundi ito ay pawang pauna nang itinakda ng Diyos. May ilang nagsasabi, “Kung gayon, ayos lang ba kung ayaw kong magkasakit? Ayos lang ba kung hihilingin ko sa Diyos na alisin ang aking sakit? Ayos lang ba kung nais kong hilingin sa Diyos na ilayo ako sa sakuna at kasawiang ito?” Ano sa tingin ninyo? Ayos lang ba ang mga bagay na ito? (Hindi.) Sinasabi ninyo ito nang may kumpiyansa, ngunit walang malinaw na nakakaunawa sa mga bagay na ito. Marahil may isang taong tapat na gumaganap sa kanyang tungkulin at may determinasyong hangarin ang katotohanan, at siya ay napakahalaga sa ilang gawain ng sambahayan ng Diyos, at marahil ay inaalis sa kanya ng Diyos ang malubhang sakit na ito na nakakaapekto sa kanyang tungkulin, gawain, pisikal na enerhiya at lakas, dahil pinananagutan ng Diyos ang Kanyang gawain. Pero mayroon bang taong ganito? Sino ang ganito? Hindi mo alam, hindi ba? Marahil ay may mga taong ganito. Kung talagang may mga taong ganito, hindi ba’t magagawa ng Diyos na alisin ang kanilang sakit o kasawian sa isang salita lamang? Hindi ba’t magagawa ito ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pag-iisip? Iisipin ng Diyos: “Ang taong ito ay makakaranas ng sakit sa isang partikular na buwan sa ganitong edad. Ngayon ay sobrang abala siya sa kanyang trabaho, kaya hindi siya dadapuan ng sakit na ito. Hindi niya kailangang maranasan ang sakit na ito. Hayaan nang lagpasan siya nito.” Walang dahilan para hindi ito mangyari, at kakailanganin lamang nito ng isang salita mula sa Diyos, tama ba? Pero sino ang makakatanggap ng gayong pagpapala? Iyong tunay na may gayong determinasyon at katapatan at iyong tunay na makagaganap ng ganitong papel sa gawain ng Diyos, siya ang maaaring tumanggap ng gayong pagpapala. Hindi ito ang paksang kailangan nating pag-usapan, kaya hindi natin ito pag-uusapan ngayon. Ang ating pinag-uusapan ay ang pagkakasakit; ito ay isang bagay na mararanasan ng karamihan ng tao sa kanilang buhay. Kaya naman, kung anong uri ng sakit ang dadapo sa katawan ng mga tao sa kung anong oras o edad at kung ano ang magiging kalagayan ng kanilang kalusugan ay pawang mga bagay na isinasaayos ng Diyos at hindi maaaring ang mga tao ang magpasya ng mga bagay na ito; tulad ng kung kailan ipinanganak ang isang tao, hindi sila ang maaaring magpasya nito. Kaya hindi ba’t kahangalan na mabagabag, mabalisa, at mag-alala sa mga bagay na hindi naman ikaw ang makapagpapasya? (Oo.) Dapat ay lutasin ng mga tao ang mga bagay na kaya nilang lutasin, at para naman sa mga bagay na hindi nila kayang gawin, dapat nilang hintayin ang Diyos; dapat magpasakop nang tahimik ang mga tao at humingi sa Diyos ng proteksyon—ito ang kaisipang dapat taglayin ng mga tao. Kapag talagang dumating na ang sakit at malapit na ang kamatayan, ang mga tao ay dapat magpasakop at hindi magreklamo o magrebelde laban sa Diyos o magsabi ng mga bagay na lumalapastangan sa Diyos o ng mga bagay na umaatake sa Kanya. Sa halip, ang mga tao ay dapat na tumindig bilang mga nilikha at danasin at pahalagahan ang lahat ng nagmumula sa Diyos—hindi nila dapat subukan na pumili ng mga bagay para sa kanilang sarili. Ito ay dapat maging isang espesyal na karanasan na nagpapasagana sa iyong buhay, at hindi naman ito masamang bagay, hindi ba? Kaya naman, pagdating sa pagkakasakit, dapat munang lutasin ng mga tao ang kanilang mga maling kaisipan at pananaw ukol sa sanhi ng sakit, at pagkatapos ay hindi na sila mag-aalala tungkol dito; bukod dito, ang mga tao ay walang karapatan na kontrolin ang mga bagay na nalalaman o hindi nalalaman, at wala rin silang kakayahang kontrolin ang mga ito, sapagkat lahat ng bagay na ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang saloobin at prinsipyo ng pagsasagawa na dapat mayroon ang mga tao ay ang maghintay at magpasakop. Mula sa pagkaunawa hanggang sa pagsasagawa, ang lahat ay dapat gawin ayon sa mga katotohanang prinsipyo—ito ang paghahangad sa katotohanan.

Ang ilang tao ay laging nag-aalala sa kanilang sakit, sinasabing, “Kakayanin ko ba kung lulubha ang sakit ko? Kung lalala ang kondisyon ko, ikamamatay ko ba ito? Kakailanganin ko bang magpaopera? At kung magpapaopera ako, mamamatay ba ako habang inooperahan? Nagpasakop na ako. Babawiin ba ng Diyos ang buhay ko dahil sa sakit na ito?” Ano ang silbi ng pag-iisip ng mga bagay na ito? Kung hindi mo maiwasang isipin ang mga bagay na ito, dapat kang manalangin sa Diyos. Walang saysay na umasa sa iyong sarili, tiyak na hindi mo ito kakayanin. Walang gustong magtiis ng karamdaman, at walang taong napapangiti, nagagalak nang husto, at nagdiriwang kapag siya ay nagkakasakit. Walang taong ganito dahil hindi ito normal na pagkatao. Kapag nagkakasakit ang mga normal na tao, palagi silang nagdurusa at nalulungkot, at may limitasyon ang kaya nilang tiisin. Subalit may isang bagay na dapat tandaan: Kung palagi na lang iniisip ng mga tao na umasa sa kanilang sariling lakas kapag may sakit sila para mawala ang kanilang sakit at maalpasan nila ito, ano ang magiging resulta sa huli? Bukod sa kanilang pagkakasakit, hindi ba’t mas lalo pa silang magdurusa at malulungkot? Kaya habang mas nababalot ng sakit ang mga tao, mas dapat nilang hanapin ang katotohanan, at mas dapat nilang hanapin ang paraan ng pagsasagawa upang maging ayon sa mga layunin ng Diyos. Habang mas nababalot ng sakit ang mga tao, mas dapat silang lumapit sa Diyos at kilalanin ang kanilang sariling katiwalian at ang mga hinihingi nila sa Diyos na hindi makatwiran. Habang mas nababalot ka ng sakit, mas nasusubok ang iyong tunay na pagpapasakop. Kaya naman, kapag ikaw ay may sakit, ang iyong abilidad na patuloy na magpasakop sa mga pamamatnugot ng Diyos at maghimagsik laban sa iyong mga reklamo at hindi makatwirang mga hinihingi ay nagpapakita na ikaw ay tunay na naghahangad sa katotohanan at tunay na nagpapasakop sa Diyos, na ikaw ay nagpapatotoo, na ang iyong katapatan at pagpapasakop sa Diyos ay totoo at makapapasa sa pagsubok, at na ang iyong katapatan at pagpapasakop sa Diyos ay hindi lamang mga islogan at doktrina. Ito ang dapat isagawa ng mga tao kapag sila ay nagkakasakit. Kapag ikaw ay may sakit, ito ay upang ilantad ang lahat ng iyong hindi makatwirang mga hinihingi at iyong hindi makatotohanang mga imahinasyon at kuru-kuro tungkol sa Diyos, at ito rin ay upang subukin ang iyong pananampalataya sa Diyos at pagpapasakop sa Kanya. Kung papasa ka sa pagsubok na may ganitong mga bagay, mayroon kang tunay na patotoo at tunay na ebidensya sa iyong pananampalataya sa Diyos, katapatan sa Kanya, at pagpapasakop sa Kanya. Ito ang nais ng Diyos, at ito ang dapat taglayin at ipamuhay ng isang nilikha. Hindi ba’t pawang positibo ang mga bagay na ito? (Oo.) Ang lahat ng ito ay mga bagay na dapat hangarin ng mga tao. Bukod dito, kung tinutulutan ka ng Diyos na magkasakit, hindi ba’t maaari din Niyang bawiin ang iyong sakit anumang oras at saanmang lugar? (Oo.) Kayang bawiin ng Diyos ang iyong sakit anumang oras at saanmang lugar, kaya hindi ba’t kaya rin Niyang panatilihin ang sakit sa iyong katawan at hindi ito kailanman mawala? (Oo.) At kung idudulot ng Diyos na hindi mawala ang mismong sakit na ito sa iyo kailanman, magagampanan mo pa ba ang iyong tungkulin? Kaya mo bang panatilihin ang iyong pananampalataya sa Diyos? Hindi ba’t ito ay isang pagsubok? (Oo.) Kung ikaw ay magkakasakit at gagaling pagkatapos ng ilang buwan, hindi nasusubok ang iyong pananampalataya sa Diyos at ang iyong katapatan at pagpapasakop sa Kanya, at ikaw ay walang patotoo. Madaling magtiis ng sakit sa loob ng ilang buwan, ngunit kung ang iyong sakit ay magtatagal nang dalawa o tatlong taon, at ang iyong pananampalataya at ang iyong pagnanais na maging mapagpasakop at tapat sa Diyos ay hindi magbabago, bagkus ay lalo pa ngang magiging totoo, hindi ba’t ito ay nagpapakita na ikaw ay lumago na sa buhay? Hindi ba’t ikaw ang aani nito? (Oo.) Kaya, habang ang isang taong tunay na naghahangad sa katotohanan ay may sakit, siya ay sumasailalim at personal na dumaranas ng maraming pakinabang na dulot ng kanyang pagkakasakit. Hindi siya balisang nagsisikap na maalpasan ang kanyang karamdaman o nag-aalala kung ano ba ang magiging resulta kung magtatagal ang kanyang karamdaman, kung anong mga problema ang idudulot nito, kung lalala ba ito, o kung mamamatay ba siya—hindi siya nag-aalala sa mga bagay na ito. Bukod sa hindi siya nag-aalala sa mga bagay na ito, nagagawa niyang makapasok nang positibo, at magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos, at maging tunay na mapagpasakop at tapat sa Kanya. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, siya ay nagkakaroon ng patotoo, at ito rin ay lubos na nakakatulong sa kanyang buhay pagpasok at pagbabago ng disposisyon, at nagtatatag ng matibay na pundasyon para sa kanyang pagkakamit ng kaligtasan. Napakaganda niyon! Bukod dito, maaaring malubha o simple lamang ang sakit, ngunit ito man ay malubha o simple ay palagi nitong pinipino ang mga tao. Pagkatapos dumanas ng karamdaman, hindi nawawala ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos, sila ay mapagpasakop at hindi nagrereklamo, ang kanilang ugali ay katanggap-tanggap sa pangkalahatan, at may naaani sila pagkatapos nilang gumaling at lubos silang nasisiyahan—ito ang nangyayari kapag ang mga tao ay nakakaranas ng karaniwang sakit. Hindi sila nagkakasakit nang matagal at nakakaya nilang tiisin ito, at ang sakit ay nasa saklaw ng kanilang kayang tiisin. Gayunpaman, mayroong ilang sakit na bumabalik at lumalala kahit bumuti na ito pagkatapos gamutin nang ilang panahon. Ito ay nangyayari nang paulit-ulit, hanggang sa ang sakit ay umabot na sa antas na hindi na ito magagamot pa, at ang lahat ng paraang mayroon ang modernong medisina ay wala na ring bisa. Ano ang antas na nararating ng karamdaman? Nararating nito ang antas kung saan ang taong may karamdaman ay maaaring mamatay saanmang lugar at anumang oras. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nitong limitado na ang buhay ng taong iyon. Hindi ito ang panahon na siya ay walang sakit at ang kamatayan ay malayo pa at hindi nararamdaman, sa halip, nararamdaman ng taong iyon na malapit na ang araw ng kanyang kamatayan, at nahaharap na siya sa kamatayan. Ang pagharap sa kamatayan ay ang pagdating ng pinakamahirap at pinakakritikal na oras sa buhay ng isang tao. Kaya ano ang gagawin mo? Ang mga taong nababagabag, nababalisa, at nag-aalala ay palaging mababalisa, mababagabag, at mag-aalala tungkol sa kanilang kamatayan, hanggang sa wakas ay dumating na ang pinakamahirap na sandali sa kanilang buhay at ang bagay na kanilang ikinababalisa, ikinababagabag, at ipinag-aalala ay nangyari na sa wakas. Habang mas natatakot sila sa kamatayan, mas napapalapit sila sa kamatayan at mas ayaw nilang harapin ito kaagad, gayunpaman, binibigla sila ng kamatayan. Ano ang kanilang dapat gagawin? Susubukan ba nilang takasan ang kamatayan, tanggihan ang kamatayan, labanan ang kamatayan, magreklamo tungkol dito, o susubukan ba nilang makipagtawaran sa Diyos? Alin sa mga paraang ito ang gagana? Walang gagana sa mga ito, at ang kanilang pagkabagabag at pagkabalisa ay walang silbi. Ano ang pinakamalungkot na bagay kapag narating na nila ang oras ng kanilang kamatayan? Dati ay nasisiyahan sila sa pagkain ng adobong baboy, ngunit sa mga nagdaang taon ay hindi na nila ito masyadong nakakain, at labis na silang nagdusa at nasa dulo na sila ng kanilang buhay. Naiisip nila ang adobong baboy at nais na makakain nitong muli, ngunit hindi na kaya ng kanilang kalusugan, at hindi na nila ito pwedeng kainin, masyado itong mamantika. Dati ay mahilig silang magpaganda at magbihis. Ngayon ay malapit na silang mamatay, at ang nagagawa na lang nila ay ang tingnan ang kanilang aparador na puno ng magagandang damit, hindi nila maisuot ang alinman sa mga ito. Sobrang nakakalungkot ang kamatayan! Ang kamatayan ang pinakamasakit sa lahat, at kapag naiisip nila ito, parang pinipihit ang isang kutsilyong nakatarak sa kanilang puso at ang lahat ng buto sa kanilang buong katawan ay nanlalambot. Kapag naiisip nila ang kamatayan, nagdadalamhati sila at gusto nilang umiyak, gusto nilang humagulgol, at naiiyak nga sila, humahagulgol nga sila, at nasasaktan sila na malapit na nilang harapin ang kamatayan. Iniisip nila, “Bakit ba ayaw kong mamatay? Bakit ba labis akong natatakot sa kamatayan? Noon, noong hindi pa malubha ang karamdaman ko, hindi ko naiisip na nakakatakot ang kamatayan. Sino ba ang hindi mahaharap sa kamatayan? Sino bang hindi mamamatay? Sige, hayaan ninyo akong mamatay! Kung iisipin ito ngayon, hindi pala iyon ganoon kadaling sabihin, at kapag dumating na nga ang kamatayan, hindi ito ganoon kadaling lutasin. Bakit ba ako labis na nalulungkot?” Nalulungkot ba kayo kapag naiisip ninyo ang kamatayan? Tuwing naiisip niyo ang kamatayan, nalulungkot kayo at nasasaktan, at ang bagay na ito na nagdudulot sa inyo ng labis na pagkabalisa at pag-aalala ay dumating na sa wakas. Kaya habang mas nag-iisip kayo nang ganito, mas lalo kayong natatakot, pakiramdam ninyo ay mas lalo kayong walang magawa, at mas lalo kayong nagdurusa. Ang inyong puso ay walang kapanatagan, at ayaw ninyong mamatay. Sino ang makakalutas sa isyu na ito ng kamatayan? Wala, at tiyak na hindi ninyo ito malulutas. Ayaw ninyong mamatay, kaya ano ang magagawa ninyo? Kailangan pa rin ninyong mamatay, at walang makakatakas sa kamatayan. Sinusukol ng kamatayan ang mga tao; sa kanilang puso, ayaw nilang mamatay, ngunit ang tanging naiisip nila ay ang kamatayan, at hindi ba’t ito ay isang halimbawa ng pagkamatay na bago pa man sila tunay na mamatay? Talaga bang mamamatay sila? Sino ang nangangahas na sabihin nang tiyak kung kailan sila mamamatay o anong taon sila mamamatay? Sino ang makakaalam sa mga bagay na ito? May ilan na nagsasabi, “Nagpahula ako ng aking kapalaran at alam ko ang taon, buwan, at araw ng aking kamatayan, at kung paano ako mamamatay.” Nangangahas ka bang sabihin ito nang nakatitiyak? (Hindi.) Hindi mo ito matitiyak. Hindi mo alam kung kailan ka mamamatay—hindi ito ang pangunahing bagay. Ang kritikal na bagay ay kung ano ang magiging saloobin mo kapag ang iyong sakit ay talagang inilalapit ka na sa kamatayan. Ito ay isang katanungang dapat mong pagnilay-nilayan at pag-isipan. Haharapin mo ba ang kamatayan nang may saloobin ng pagpapasakop, o haharapin mo ba ang kamatayan nang may saloobin ng pagtutol, pagtanggi, o pag-ayaw? Anong saloobin ang dapat mayroon ka? (Isang saloobin ng pagpapasakop.) Ang pagpapasakop na ito ay hindi makakamtan at maisasagawa sa pamamagitan lamang ng pagsasabi nito. Paano mo makakamit ang pagpapasakop na ito? Anong pag-unawa ang kailangang mayroon ka bago ka maging handang magpasakop? Hindi ito simple, hindi ba? (Hindi nga.) Kaya sabihin ninyo kung ano ang nasa inyong puso. (Kung ako ay magkakasakit nang malubha, iisipin ko na mamatay man ako, lahat ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at lahat ito ay isinaayos Niya. Ang tao ay lubos na nagawang tiwali kaya kung mamamatay ako, ito ay dahil sa pagiging matuwid ng Diyos. Hindi naman sa dapat talaga akong mabuhay; hindi kwalipikado ang tao na humingi ng gayon sa Diyos. Bukod dito, iniisip ko na ngayong nananalig na ako sa Diyos, kahit anong mangyari, nakita ko na ang tamang landas sa buhay at naunawaan ko na ang napakaraming katotohanan, kaya kahit pa mamatay ako nang maaga, sulit na sulit pa rin ang lahat ng ito.) Ito ba ang tamang paraan ng pag-iisip? Ito ba ay nagtataglay ng isang partikular na teoryang sumusuporta rito? (Oo.) Sino pa ang magsasalita? (Diyos ko, kung isang araw ay magkasakit nga ako at maaaring mamatay ako, imposible naman nang maiwasan pa ang kamatayan. Ito ang pauna nang pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at kahit gaano pa ako maaligaga o mag-alala, wala nang silbi ito. Dapat kong gugulin ang kakaunti kong natitirang oras sa pagtuon kung paano ko magagampanan nang maayos ang aking tungkulin. Kahit pa mamatay nga ako, wala akong pagsisisihan. Ang makapagpasakop sa Diyos at sa mga pagsasaayos ng Diyos hanggang sa huli ay labis na mas mainam kaysa sa mabuhay sa takot at pangamba.) Ano ang tingin mo sa ganitong pagkaunawa? Hindi ba’t mas mainam ito nang kaunti? (Oo.) Tama, ganito mo dapat tingnan ang usapin ng kamatayan. Ang lahat ay haharap sa kamatayan sa buhay na ito, ibig sabihin, ang kamatayan ang kakaharapin ng lahat sa dulo ng kanilang paglalakbay. Ngunit, maraming iba’t ibang aspekto ang kamatayan. Isa rito ay, sa oras na pauna nang itinakda ng Diyos, nakumpleto mo na ang iyong misyon at tinutuldukan na ng Diyos ang iyong pisikal na buhay, at nagwawakas na ang iyong pisikal na buhay, bagamat hindi ito nangangahulugang tapos na ang iyong buhay. Kapag ang isang tao ay wala nang laman, tapos na ang kanyang buhay—totoo ba ito? (Hindi.) Ang anyo ng pag-iral ng iyong buhay pagkatapos ng kamatayan ay nakasalalay sa kung paano mo tinrato ang gawain at mga salita ng Diyos habang ikaw ay nabubuhay pa—ito ay napakahalaga. Ang anyo ng iyong pag-iral pagkatapos ng kamatayan, o kung ikaw ba ay iiral o hindi, ay nakasalalay sa iyong saloobin sa Diyos at sa katotohanan habang ikaw ay nabubuhay pa. Kung habang ikaw ay nabubuhay pa, kapag nahaharap ka sa kamatayan at sa lahat ng uri ng karamdaman, ang iyong saloobin sa katotohanan ay isang saloobin ng pagrerebelde, pagtutol, at pagtutol sa katotohanan, at pagdating ng oras ng katapusan ng iyong pisikal na buhay, sa paanong paraan ka iiral pagkatapos ng kamatayan? Tiyak na iiral ka sa ibang anyo, at tiyak na hindi magpapatuloy ang iyong buhay. Sa kabaligtaran, kung habang ikaw ay nabubuhay pa, kapag may kamalayan ka sa laman, ang iyong saloobin sa katotohanan at sa Diyos ay isang saloobin ng pagpapasakop at katapatan at mayroon kang tunay na pananampalataya, kahit na matapos ang iyong pisikal na buhay, ang iyong buhay ay patuloy na iiral sa ibang anyo sa ibang mundo. Ito ay isang paliwanag ng kamatayan. Mayroon pang isang bagay na dapat tandaan, at iyon ay na ang usapin ng kamatayan ay may kalikasang katulad ng sa iba pang mga bagay. Hindi ang mga tao ang magdedesisyon para sa sarili nila, at lalong hindi ito mababago ng kalooban ng tao. Ang kamatayan ay katulad ng anumang mahalagang pangyayari sa buhay: Ito ay lubos na nasa ilalim ng paunang pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Kung may magmamakaawa na siya ay mamatay na, maaaring hindi siya mamatay; kung magmamakaawa siyang mabuhay pa, maaaring hindi siya mabuhay. Lahat ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatakda ng Diyos, at ito ay binabago at pinagpapasyahan ng awtoridad ng Diyos, ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kaya nga, kung sakaling ikaw ay magkasakit nang malubha, ng nakamamatay na sakit, hindi tiyak na ikaw ay mamamatay—sino ang nagdedesisyon kung mamamatay ka ba o hindi? (Ang Diyos.) Ang Diyos ang nagdedesisyon. At dahil ang Diyos ang nagdedesisyon at hindi kayang pagdesisyunan ng tao ang gayong bagay, ano ang ikinababalisa at ikinababagabag ng mga tao? Parang kung sino lang ang mga magulang mo, at kung kailan at saan ka ipinanganak—hindi mo rin mapipili ang mga bagay na ito. Ang pinakamatalinong gawin sa mga bagay na ito ay ang hayaan itong tumakbo nang natural, ang magpasakop, at huwag pumili, huwag gumugol ng anumang kaisipan o lakas sa bagay na ito, at huwag mabagabag, mabalisa, o mag-alala tungkol dito. Dahil hindi kayang pumili ng mga tao para sa kanilang sarili, ang paggugol ng maraming lakas at kaisipan sa bagay na ito ay kahangalan at kawalan ng karunungan. Ang dapat gawin ng mga tao kapag nahaharap sa napakahalagang usapin ng kamatayan ay ang hindi mabagabag, o maligalig, o mangamba dahil dito, kundi ano? Ang mga tao ay dapat maghintay, tama ba? (Oo.) Tama? Ang paghihintay ba ay nangangahulugan ng paghihintay sa kamatayan? Paghihintay na mamatay habang nahaharap sa kamatayan? Tama ba iyon? (Hindi, dapat positibo itong harapin ng mga tao at sila ay magpasakop.) Tama, hindi ito nangangahulugan ng paghihintay sa kamatayan. Huwag kang matakot sa kamatayan, at huwag mong gamitin ang iyong buong lakas sa pag-iisip ng kamatayan. Huwag mong isipin buong araw, “Mamamatay ba ako? Kailan ako mamamatay? Ano ang gagawin ko pagkatapos kong mamatay?” Huwag mo na itong isipin pa. May ilang nagsasabi, “Bakit hindi ko ito pag-iisipan? Bakit hindi ko ito pag-iisipan kapag malapit na akong mamatay?” Dahil hindi alam kung mamamatay ka ba o hindi, at hindi alam kung pahihintulutan ka ba ng Diyos na mamatay—ang mga bagay na ito ay hindi batid. Partikular na hindi alam kung kailan ka mamamatay, saan ka mamamatay, anong oras ka mamamatay, o kung ano ang mararamdaman ng iyong katawan kapag ikaw ay namatay. Sa pagpiga sa iyong utak sa pag-iisip at pagninilay-nilay tungkol sa mga bagay na hindi mo alam at pagkabalisa at pag-aalala tungkol sa mga ito, hindi ba’t nagiging hangal ka? Dahil nagiging hangal ka, hindi mo dapat pigain ang iyong utak tungkol sa mga bagay na ito.

Anuman ang usaping kinakaharap ng mga tao, dapat lagi nila itong harapin nang may aktibo at positibong saloobin, at lalo nang mas totoo ito pagdating sa usapin ng kamatayan. Ang pagkakaroon ng aktibo at positibong saloobin ay hindi nangangahulugan ng pagsang-ayon sa kamatayan, paghihintay sa kamatayan, o positibo at aktibong paghahangad sa kamatayan. Kung hindi ito nangangahulugan ng paghahangad sa kamatayan, pagsang-ayon sa kamatayan, o paghihintay sa kamatayan, ano ang ibig sabihin nito? (Pagpapasakop.) Ang pagpapasakop ay isang uri ng saloobin sa usapin ng kamatayan, at ang pagbitiw sa kamatayan at ang hindi pag-iisip dito ang pinakamainam na paraan ng pagharap dito. May ilang nagsasabi, “Bakit hindi ito iisipin? Kung hindi ko ito pag-iisipan, mapagtatagumpayan ko ba ito? Kung hindi ko ito pag-iisipan, mabibitiwan ko ba ito?” Oo, magagawa mo iyon. At bakit ganoon? Sabihin mo sa Akin, noong ipanganak ka ng iyong mga magulang, ikaw ba ang may ideya na ikaw ay maisilang? Ang iyong hitsura, ang iyong edad, ang industriyang pinagtatrabahuhan mo, ang katunayan na nandito ka ngayon at nakaupo, at ang iyong nararamdaman ngayon—ikaw ba ang nakaisip na maging ganito ang lahat? Hindi ikaw ang nakaisip na maging ganito ang lahat, ito ay nangyari sa paglipas ng mga araw at buwan at sa pamamagitan ng iyong normal na pang-araw-araw na pamumuhay, kada isang araw, hanggang sa narating mo ang kinaroroonan mo ngayon, at ito ay napakanatural. Ganoon din ang kamatayan. Nang hindi mo namamalayan, nagkakaedad ka hanggang sa nasa hustong gulang ka na, hanggang sa may edad ka na, hanggang sa matanda ka na, hanggang sa marating mo na ang mga huling taon ng iyong buhay, at pagkatapos ay darating na ang kamatayan—huwag mo na itong isipin. Hindi mo maiiwasan ang mga bagay na hindi mo iniisip sa pamamagitan ng hindi pag-iisip tungkol sa mga ito, at hindi rin darating nang maaga ang mga ito kung iisipin mo ang mga ito; ang mga ito ay hindi mababago ng kalooban ng tao, tama ba? Huwag nang isipin ang mga ito. Ano ang ibig Kong sabihin sa, “Huwag nang isipin ang mga ito”? Dahil kung ang bagay na ito ay talagang mangyayari sa nalalapit na hinaharap, mararamdaman mong nagigipit ka kung palagi mo itong iniisip. Dahil sa kagipitang ito, matatakot ka sa buhay at pamumuhay, mawawalan ka ng aktibo at positibong saloobin, at sa halip ay mas lalo kang malulugmok sa depresyon. Dahil ang isang taong nahaharap sa kamatayan ay walang interes o positibong saloobin sa kahit anong bagay, nararamdaman lamang niya ang depresyon. Mamamatay siya, tapos na ang lahat, wala nang kabuluhan ang paghahangad ng anuman o paggawa ng anuman, wala na siyang inaasam o motibasyon, at ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa paghahanda sa kamatayan at pagtungo sa kamatayan, kaya ano ang kabuluhan ng anumang ginagawa niya? Kaya naman, ang lahat ng kanyang ginagawa ay mayroong mga elemento at kalikasan ng pagkanegatibo at ng kamatayan. Kaya, magagawa mo bang hindi isipin ang kamatayan? Madali bang magawa ito? Kung ang usaping ito ay resulta lamang ng iyong sariling pag-iisip at imahinasyon, inaalarma mo lamang ang sarili mo, tinatakot mo ang iyong sarili, at sadyang hindi ito mangyayari sa nalalapit na hinaharap, kaya bakit mo pa ito iniisip? Dahil dito ay mas lalong hindi na kinakailangan pang isipin ang kamatayan. Ang dapat na mangyari ay palaging mangyayari; ang hindi dapat mangyari ay hindi mangyayari paano mo man ito isipin. Walang silbi ang katakutan ito, gayundin ang alalahanin ito. Hindi maiiwasan ang kamatayan sa pamamagitan ng pag-aalala dito, at hindi ka nito lalagpasan dahil lang sa natatakot ka rito. Kaya naman, ang isang aspekto ay na dapat mong bitiwan ang usapin ng kamatayan mula sa iyong puso at huwag mo na itong ituring na mahalaga; dapat mo itong ipagkatiwala sa Diyos, na para bang walang kinalaman sa iyo ang kamatayan. Ito ay isang bagay na isinasaayos ng Diyos, kaya hayaan mo ang Diyos na isaayos ito—hindi ba’t nagiging simple ito kung gayon? Ang isa pang aspekto ay na dapat mayroon kang aktibo at positibong saloobin tungkol sa kamatayan. Sabihin mo sa Akin, sino sa bilyon-bilyong tao sa mundo ang labis na pinagpala na makarinig ng napakaraming salita ng Diyos, na makaunawa ng napakaraming katotohanan ng buhay, at makaunawa ng napakaraming misteryo? Sino sa kanila ang personal na nakakatanggap ng patnubay ng Diyos, ng panustos ng Diyos, ng Kanyang pag-aalaga at proteksyon? Sino ang lubos na pinagpala? Iilan-ilan lamang. Kaya naman, kayong kakaunti na nakakapamuhay sa sambahayan ng Diyos ngayon, nakakatanggap ng Kanyang kaligtasan, at nakakatanggap ng Kanyang panustos, dahil sa mga ito ay nagiging sulit ang lahat kahit pa mamatay kayo ngayon din. Kayo ay labis na pinagpala, hindi ba? (Oo.) Kung titingnan ito mula sa perspektibang ito, hindi dapat matakot nang sobra ang mga tao sa usapin ng kamatayan, at hindi rin sila dapat malimitahan nito. Kahit na hindi mo pa natatamasa ang anuman sa kaluwalhatian at kayamanan ng mundo, natanggap mo naman ang habag ng Lumikha at narinig ang napakaraming salita ng Diyos—hindi ba’t kasiya-siya ito? (Oo.) Ilang taon ka mang mabuhay sa buhay na ito, lahat ito ay sulit at wala kang pagsisisihan, dahil palagi mong ginagampanan ang iyong tungkulin sa gawain ng Diyos, naunawaan mo ang katotohanan, naunawaan mo ang mga misteryo ng buhay, at naunawaan mo ang landas at mga layunin na dapat mong hangarin sa buhay—napakarami mo nang natamo! Namuhay ka nang makabuluhan! Kahit pa hindi mo ito maipaliwanag nang napakalinaw, nakapagsasagawa ka ng ilang katotohanan at nagtataglay ka ng kaunting realidad, at iyon ay nagpapatunay na mayroon ka nang natamong ilang panustos sa buhay at naunawaang ilang katotohanan mula sa gawain ng Diyos. Napakarami mo nang natamo—napakasagana nito—at iyon ay isang napakalaking pagpapala! Sa buong kasaysayan ng tao, walang sinuman sa lahat ng kapanahunan ang nakatamasa ng pagpapalang ito, ngunit natatamasa ninyo ito. Handa na ba kayong mamatay ngayon? Kung may gayong kahandaan, ang inyong saloobin sa kamatayan ay magiging tunay na mapagpasakop, tama ba? (Oo.) Ang isang aspekto ay na dapat mayroong tunay na pagkaunawa ang mga tao, dapat silang makipagtulungan nang positibo at aktibo, at tunay na magpasakop, at dapat silang magkaroon ng tamang saloobin sa kamatayan. Sa ganitong paraan, hindi ba’t mababawasan nang malaki ang nararamdamang pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala ng mga tao tungkol sa kamatayan? (Oo.) Mababawasan nang malaki ang mga ito. May ilang taong nagsasabi, “Kakatapos ko lang pakinggan ang pagbabahaging ito, ngunit parang hindi masyadong nabawasan ang aking pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Siguro ay hindi ito agad-agad. Partikular na naiisip palagi ng matatanda at ng mga taong may karamdaman ang tungkol sa kamatayan.” Alam ng mga tao ang sarili nilang mga suliranin. Kapag ang ilang tao ay matagal nang may sakit, ibinubuod nila ito at iniisip nilang, “Maraming taon na akong nananalig sa Diyos at ang mga taong may sakit na katulad ng sa akin ay matagal nang namatay. Kung sila ay muling isinilang, maaaring nasa edad bente o trenta na sila ngayon. Maraming taon na akong nabubuhay dahil sa biyaya ng Diyos, lahat ng ito ay ibinigay sa akin nang libre. Kung hindi ako nanalig sa Diyos, matagal na sana akong patay. Nang pumunta ako sa ospital para magpatingin, nagulat ang mga doktor. Napakalaki ng aking kalamangan at pagpapala! Kung namatay ako 20 taon na ang nakakaraan, hindi ko maririnig ang mga katotohanan at sermong ito at hindi ko mauunawaan ang mga ito; kung namatay ako nang ganoon, wala akong matatamo. Kahit pa nabuhay ako nang matagal, lahat ito ay magiging walang kabuluhan at isang buhay na nasayang. Ngayon, nabuhay ako nang mas maraming taon at labis akong pinagpala. Hindi ko naisip ang kamatayan sa lahat ng mga taon na ito, at hindi ko ito kinatatakutan.” Kung ang mga tao ay laging takot sa kamatayan, palagi nilang iisipin ang lahat ng tanong tungkol sa kamatayan. Kung ang mga tao ay hindi natatakot mamatay at hindi nangangamba sa kamatayan, ipinapakita nito na sila ay sobra-sobra nang nagdusa at hindi na takot sa kamatayan. May ilang taong nagsasabi, “Kung ang isang tao ay hindi natatakot sa kamatayan, ibig sabihin ba nito ay hinahanap niya ang kamatayan?” Hindi, hindi tama iyan. Ang paghahanap sa kamatayan ay isang uri ng negatibong saloobin, isang uri ng saloobing mahilig umiwas, samantalang ang sinabi Ko kanina tungkol sa hindi pag-iisip sa kamatayan ay isang obhetibo at positibong saloobin; ito ay pagwawalang-bahala sa kamatayan, hindi pagturing na napakahalaga nito, hindi pag-iisip na ito ay isang malungkot at nakakabalisang pangyayari; hindi na pag-aalala rito, hindi na pagkabahala rito, pagiging hindi na nagagapos ng kamatayan, at lubos nang pag-abandona rito—ang mga taong kayang gawin ito ay may kaunting personal na kaalaman at karanasan tungkol sa kamatayan. Kung ang isang tao ay palaging nagagapos at nalilimitahan ng karamdaman at kamatayan, palaging nalulugmok sa mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala, hindi normal na nagagampanan ang kanyang tungkulin o normal na nakakapamuhay, dapat higit pa siyang makinig sa patotoong batay sa karanasan tungkol sa kamatayan, dapat niyang tingnan kung paano ito dinaranas ng mga taong nagagawang hindi mabahala sa kamatayan at kung paano nila inuunawa ang kamatayan sa kanilang karanasan, at sa gayon ay makapagtatamo siya ng isang mahalagang bagay.

Ang kamatayan ay isang problemang hindi madaling lutasin, at ito ang pinakamalaking suliranin ng tao. Kapag may nagsabi sa iyo, “Ang iyong mga tiwaling disposisyon ay napakalalim at ang iyong pagkatao ay hindi rin maganda. Kung hindi mo taimtim na hahangarin ang katotohanan at gagawa ka ng maraming masasamang bagay sa hinaharap, mapupunta ka sa impiyerno at maparurusahan!” maaaring sumama ang loob mo nang ilang panahon pagkatapos niyon. Maaaring pag-isipan mo ito, at gumaan ang iyong pakiramdam pagkatapos mong makatulog nang mahimbing, at pagkatapos ay hindi na masyadong masama ang loob mo. Gayunpaman, kung ikaw ay magkakaroon ng nakamamatay na sakit, at hindi ka na magtatagal, iyon ay isang bagay na hindi malulutas ng mahimbing na tulog, at hindi ito mabibitiwan nang basta-basta. Kailangan mong kayanin ang usaping ito sa loob ng ilang panahon. Ang mga tunay na naghahangad sa katotohanan ay maaaring kalimutan ang usaping ito, hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at gamitin ang katotohanan upang malutas ito—walang problema na hindi nila malulutas. Ngunit kung gagamitin ng mga tao ang mga pamamaraan ng tao, sa huli ay palagi silang makakaramdam ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala tungkol sa kamatayan. Kapag ang mga bagay ay hindi kayang lutasin, gumagamit sila ng mga sukdulang pamamaraan upang subukang lutasin ang mga ito. Ang ilang tao ay hinaharap ito nang may depresyon at pagkanegatibo, sinasabing, “Mamamatay na lang ako kung gayon. Sino ba ang natatakot sa kamatayan? Pagkatapos mamatay, muli na lang akong isisilang at mabubuhay!” Mapapatunayan mo ba ito? Naghahanap ka lang ng mga salitang makapagpapanatag sa iyo, at hindi niyan malulutas ang problema. Ang lahat ng bagay at ang bawat bagay, nakikita man o hindi nakikita, materyal man o hindi materyal, ay kontrolado at pinamumunuan ng mga kamay ng Lumikha. Walang makakakontrol sa kanyang sariling kapalaran at ang tanging saloobing dapat taglayin ng tao, sa sakit man o sa kamatayan, ay ang pag-unawa, pagtanggap, at pagpapasakop; hindi dapat umasa ang mga tao sa kanilang mga imahinasyon o kuru-kuro, hindi sila dapat humanap ng paraan upang maalpasan ang mga bagay na ito, at mas lalong hindi nila dapat tanggihan o labanan ang mga ito. Kung pikit-mata mong susubukang lutasin ang mga isyu ng sakit at kamatayan gamit ang iyong sariling mga pamamaraan, habang humahaba ang iyong buhay ay mas magdurusa ka, mas lalo kang malulugmok sa depresyon, at mas lalo mong mararamdamang nakakulong ka. Sa huli, kakailanganin mo pa ring tahakin ang landas ng kamatayan, at ang iyong wakas ay talagang magiging katulad ng iyong kamatayan—ikaw ay tunay na mamamatay. Kung magagawa mong aktibong hanapin ang katotohanan at, ito man ay may kinalaman sa pag-unawa sa sakit na isinaayos ng Diyos para sa iyo o sa pagharap sa kamatayan, kung magagawa mong positibo at aktibong hanapin ang katotohanan, hanapin ang mga pamamatnugot, ang kataas-taasang kapangyarihan at ang mga pagsasaayos ng Lumikha hinggil sa ganitong uri ng malaking pangyayari, at makamit ang tunay na pagpapasakop, naaayon ito sa mga layunin ng Diyos. Kung aasa ka sa lakas at mga pamamaraan ng tao upang harapin ang lahat ng bagay na ito, at sisikapin mong malutas ang mga ito o matakasan ang mga ito, kahit hindi ka mamatay at pansamantala mong maiwasan ang suliranin ng kamatayan, dahil wala kang tunay na pag-unawa, pagtanggap, at pagpapasakop sa Diyos at sa katotohanan, kaya hindi ka makapagbigay ng patotoo sa usaping ito, ang pangwakas na resulta ay na kapag ikaw ay muling naharap sa parehong isyu, magiging malaking pagsubok pa rin ito para sa iyo. Posible pa ring ipagkanulo mo ang Diyos at ikaw ay bumagsak, at walang duda na ito ay magiging isang mapanganib na bagay para sa iyo. Kaya naman, kung talagang nahaharap ka ngayon sa sakit o kamatayan, hayaan mong sabihin Ko sa iyo na mas mainam na samantalahin mo ang praktikal na sitwasyon na ito ngayon upang hanapin ang katotohanan at lutasin ang pinakaugat ng usaping ito, sa halip na hintayin mong tunay na dumating ang kamatayan pero pagkatapos ay mabibigla ka lang din naman, hindi mo malalaman ang dapat gawin, malilito ka, at mararamdaman mong wala kang magagawa, kaya makagagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo habang buhay. Kung may gagawin kang pagsisisihan o panghihinayangan mo, maaaring ikaw ay mapuksa dahil dito. Kaya nga, anuman ang isyu, dapat lagi mong simulan ang iyong pagpasok nang may pag-unawang dapat mayroon ka tungkol sa usapin at nang may mga katotohanang dapat mong maunawaan. Kung palagi kang nababagabag, nababalisa, at nag-aalala tungkol sa mga bagay tulad ng karamdaman at ikaw ay namumuhay nang nababalot ng mga ganitong uri ng negatibong emosyon, kailangan mo nang magsimula ngayon na hanapin ang katotohanan at lutasin ang mga problemang ito sa lalong madaling panahon.

Ang mga negatibong emosyon tulad ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala ay may kalikasan na katulad ng sa iba’t iba pang uri ng mga negatibong emosyon. Ang lahat ng ito ay mga uri ng negatibong emosyon na lumilitaw sa mga tao dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan at namumuhay silang nagagapos ng kanilang maraming sataniko at tiwaling disposisyon, o sila ay namumuhay nang naliligalig at naaapektuhan ng iba’t ibang uri ng satanikong kaisipan. Ang mga negatibong emosyong ito ay nagsasanhi na palaging mamuhay ang mga tao nang may iba’t ibang maling kaisipan at pananaw at palaging makontrol ng iba’t ibang maling kaisipan at pananaw, na nakakaapekto at nakakahadlang sa kanilang paghahangad sa katotohanan. Siyempre, ang mga ganitong negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala ay nakakagambala sa buhay ng mga tao, nagdidikta ng kanilang buhay, nakakaapekto sa kanilang paghahangad sa katotohanan, at pinipigilan silang mahangad ang katotohanan. Kaya nga, bagamat ang mga negatibong emosyong ito ay mga simpleng emosyon lang kung tutuusin, hindi dapat balewalain ang kanilang papel; ang epekto ng mga ito sa mga tao at ang mga idinudulot ng mga ito sa paghahangad ng mga tao at sa landas na tinatahak nila ay mapanganib. Ano’t anuman, kapag ang isang tao ay madalas na ginugulo ng iba’t ibang uri ng negatibong emosyon, dapat agad niyang tuklasin at suriin kung bakit madalas lumitaw ang mga negatibong emosyong ito, at kung bakit siya madalas na ginagambala ng mga negatibong emosyong ito. Gayundin, sa isang partikular na espesyal na kapaligiran, ang mga negatibong emosyong ito ay palaging manggagambala sa taong iyon at labis na gugulo sa kanyang paghahangad sa katotohanan—ito ay mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Kapag naunawaan na nila ang mga bagay na ito, ang susunod nilang dapat gawin ay pag-isipan kung paano hanapin at maunawaan ang katotohanan sa usaping ito, sikaping huwag nang magambala at maapektuhan ng mga maling kaisipan at pananaw na iyon, at palitan ang mga iyon ng mga katotohanang prinsipyong itinuturo sa kanila ng Diyos. Kapag naunawaan na nila ang mga katotohanang prinsipyo, ang susunod nilang hakbang ay ang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyong itinuro sa kanila ng Diyos. Habang ginagawa nila ito, ang lahat ng kanilang negatibong emosyon ay unti-unting lilitaw upang guluhin sila, pero paunti-unti ay isa-isang malulutas at makakapaghimagsik laban sa mga ito, hanggang sa hindi nila mamamalayang naiwawaksi na nila ang lahat ng negatibong emosyong ito. Kaya, saan nakasalalay ang pagkalutas ng iba’t ibang negatibong emosyon? Nakasalalay ito sa pagsusuri at pag-unawa ng mga tao sa mga ito. Nakasalalay ito sa pagtanggap ng mga tao sa katotohanan, at higit pa rito, nakasalalay ito sa paghahangad at pagsasagawa ng mga tao sa katotohanan. Hindi ba’t gayon nga? (Oo.) Habang unti-unting hinahangad at isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, unti-unting nalulutas at nabibitiwan ang lahat ng kanilang iba’t ibang negatibong emosyon. Kaya, kung titingnan ito ngayon, alin sa tingin ninyo ang mas madaling bitiwan at lutasin, ang iba’t ibang negatibong emosyong ito o ang mga tiwaling disposisyon? (Mas madaling lutasin ang mga negatibong emosyon.) Sa palagay ninyo ay mas madaling lutasin ang mga negatibong emosyon? Magkakaiba ito sa bawat tao. Maaaring mas mahirap o mas madali ito kaysa sa iba, depende ito sa tao. Ano’t anuman, simula sa pagbabahaginan tungkol sa pagbitiw sa mga negatibong emosyon, nagdagdag tayo ng ilang nilalaman sa paghahangad ng mga tao ng pagbabago sa disposisyon, at iyon ay ang pagbitiw sa iba’t ibang negatibong emosyon. Ang pagbitiw sa mga negatibong emosyon ay pangunahing ginagawa upang malutas ang ilang maling kaisipan at pananaw, samantalang ang paglutas ng mga tiwaling disposisyon ng isang tao ay nangangailangan ng pag-unawa sa diwa ng mga tiwaling disposisyon. Sabihin mo sa Akin, alin ang mas madali, ang paglutas sa mga negatibong emosyon o ang paglutas sa mga tiwaling disposisyon? Sa totoo lang, kapwa hindi madaling lutasin ang mga problemang ito. Kung talagang determinado ka at kaya mong hanapin ang katotohanan, alinmang problema ang subukan mong lutasin ay ni hindi magiging problema. Ngunit kung hindi mo hinahangad ang katotohanan at hindi mo nararamdaman kung gaano kalubha ang dalawang problemang ito, hindi magiging madali alinmang problema ang subukan mong lutasin. Pagdating sa mga negatibo at masasamang bagay na ito, kailangan mong tanggapin ang katotohanan, isagawa ang katotohanan, at magpasakop sa katotohanan upang malutas ang mga ito, at mapalitan ang mga ito ng mga positibong bagay. Ito palagi ang proseso, at palagi nitong hinihingi na maghimagsik ang mga tao laban sa mga negatibong bagay, at tanggapin ang mga positibo at aktibong bagay, at ang mga bagay na naaayon sa katotohanan. Ang isang aspekto ay ang ayusin ang iyong mga kaisipan at pananaw, at ang isa pa ay ang ayusin ang iyong mga disposisyon; ang isa ay ang lutasin ang iyong mga kaisipan at pananaw, at ang isa pa ay ang lutasin ang iyong mga tiwaling disposisyon. Siyempre, minsan ay lumilitaw ang dalawang bagay na ito nang sabay at sinasangkot ang isa’t isa. Ano’t anuman, ang pagbitiw sa mga negatibong emosyon ay isang bagay na dapat isagawa ng mga tao kapag hinahangad nila ang katotohanan. Tama, tapusin na natin dito ang pagbabahaginan ngayong araw.

Oktubre 29, 2022

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.