Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 610

Napakarami Kong inaasahan. Umaasa Akong makakikilos kayo sa isang wasto at maayos na paraan, matapat na tutuparin ang inyong tungkulin, magtataglay ng katotohanan at pagkatao, magiging mga tao na matatalikdan ang lahat ng taglay nila at maging ang kanilang mga buhay para sa Diyos, at iba pa. Nagmumula ang lahat ng pag-asang ito sa inyong mga kakulangan at sa inyong katiwalian at pagsuway. Kung wala ni isa man sa mga pakikipag-usap Ko sa inyo ang naging sapat upang matawag ang inyong pansin, malamang na ang tangi Kong magagawa ngayon ay ang huwag nang magsalita pa. Gayunman, nauunawaan ninyo kung ano ang mga ibubunga niyan. Hindi Ako madalas magpahinga, kaya’t kung hindi Ako magsasalita, gagawa Ako ng isang bagay na matutunghayan ng mga tao. Magagawa Kong paagnasin ang dila ng isang tao, o magsanhing mamatay ang isang tao nang putol-putol ang katawan, o bigyan ang mga tao ng mga abnormalidad sa paggalaw ng litid at pagmukhain silang nakapangingilabot sa napakaraming paraan. Pero, magagawa Kong ipatiis sa mga tao ang mga pagpapahirap na Aking isinalang para lang sa kanila. Magagalak Ako sa ganitong paraan, labis na magiging masaya at lubos na malulugod. Lagi nang sinasabi na “Ang kabutihan ay sinusuklian ng kabutihan, at ang kasamaan ng kasamaan,” kaya’t bakit hindi ngayon? Kung nais mo Akong salungatin at gumawa ng ilang paghatol tungkol sa Akin, paaagnasin Ko ang iyong bibig, at iyan ay ikagagalak Ko nang walang patid. Ito ay dahil, sa huli, ang ginawa mo ay hindi ang katotohanan, at lalong walang kinalaman sa buhay, samantalang ang lahat ng Aking ginagawa ay katotohanan, ang lahat ng pagkilos Ko ay nauugnay sa mga prinsipyo ng Aking gawain at sa mga atas administratibo na Aking itinakda. Samakatuwid, hinihimok Ko ang bawat isa sa inyo na mag-ipon ng ilang kabutihan, tumigil sa paggawa ng napakaraming kasamaan, at pakinggang mabuti ang Aking mga hinihingi sa inyong mga libreng oras. Makadarama Ako sa gayon ng galak. Kung mag-aambag (o maghahandog) kayo sa katotohanan ng kahit ikasanlibo ng pagsisikap na inyong ibinubuhos sa laman, sinasabi Ko, kung gayon, na hindi ka madalas makagagawa ng mga paglabag at magkakaroon ng naaagnas na bibig. Hindi ba ito malinaw?

Habang mas marami ang nagagawa mong paglabag, mas kumakaunti ang iyong mga pagkakataong magtamo ng isang mabuting hantungan. Taliwas dito, habang mas kumakaunti ang nagagawa mong mga paglabag, mas lumalaki ang iyong pagkakataon na mapuri ng Diyos. Kung madaragdagan ang iyong mga paglabag hanggang sa puntong imposible na para sa Akin na mapatawad ka, lubusan mo nang sinayang ang iyong mga pagkakataong mapatawad. Kung magkagayon, ang iyong hantungan ay hindi magiging sa itaas kundi sa ibaba. Kung hindi mo Ako pinaniniwalaan, maging tahas ka kung gayon at gumawa ng mali, at tingnan mo kung ano ang iyong mapapala. Kung ikaw ay isang tao na ang pagsasagawa ng katotohanan ay napakasigasig, tiyak na magkakaroon ka ng pagkakataon na mapatawad sa iyong mga paglabag, at dadalang nang dadalang ang iyong mga pagsuway. Kung ikaw ay isang tao na mabigat sa loob ang pagsasagawa ng katotohanan, ang iyong mga paglabag sa harap ng Diyos ay tiyak na madaragdagan at dadalas nang dadalas ang iyong pagsuway, hanggang marating mo ang hangganan, na siyang magiging oras ng iyong lubos na pagkawasak. Dito na mawawasak ang iyong kaaya-ayang pangarap na tumanggap ng mga pagpapala. Huwag mong ituring ang iyong mga paglabag bilang mga pagkakamali lamang ng isang taong walang hustong pag-iisip o ng isang taong hangal; huwag mong gamiting dahilan na hindi ka nakapagsagawa ng katotohanan dahil ginawa itong imposible ng iyong mahinang kakayahan. Higit pa rito, huwag mong ituring ang mga nagawa mong paglabag na mga pagkilos lamang ng isang tao na kulang sa kaalaman. Kung mahusay ka sa pagpapatawad sa sarili mo at pagiging mapagbigay sa iyong sarili, sinasabi Ko, kung gayon, na ikaw ay isang duwag na hindi kailanman magkakamit ng katotohanan, at hindi ka rin titigilang multuhin ng iyong mga paglabag; hahadlangan ka nila na matugunan kailanman ang mga hinihingi ng katotohanan, at magiging sanhi upang manatili kang isang tapat na kasamahan ni Satanas magpakailanman. Ito pa rin ang payo Ko sa iyo: Huwag kang magbigay-pansin lamang sa iyong hantungan habang nabibigong pansinin ang iyong mga nakatagong paglabag; seryosohin mo ang mga paglabag, at huwag kaligtaan ang alinman sa mga ito dahil sa pagmamalasakit sa iyong hantungan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger