Pagsunod sa mga Yapak ng Cordero

Setyembre 12, 2020

Ni Li Zhong, Tsina

Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang ‘sumunod sa Cordero saan man Siya pumaroon.’ Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng tunay na daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga doktrina ay yaong mga naalis na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na ‘si Jehova ang Diyos’ at ‘si Jesus ang Cristo,’ na mga katotohanan na nailalapat lamang sa mga naaayong kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ang mga sumusunod lamang sa mga yapak ng Cordero hanggang sa katapus-tapusan ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala(“Ang mga Mananampalataya ay Dapat Sumunod Nang Mabuti sa mga Yapak ng Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Nakikita natin sa salita ng Diyos kung ga’no kahalagang sundin ang mga yapak Niya’t sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. ‘Di ko naunawaan dati ang aspetong ‘to ng katotohanan, kumapit lang ako sa sarili kong pagkaunawa, iniisip na hangga’t totoo ako sa pangalan ng Panginoong Jesus, madadala ‘ko sa langit pagdating Niya. Kaya hindi ko hinanap o siniyasat ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos. Muntik ko nang mapalagpas ang pagkakataon kong salubungin ang Panginoon.

Isang araw no’ng buwan ng Agosto, taong 2012, nakahiga ako sa kama, nagpapahinga matapos maghapunan, habang yung asawa ko nakaupo at nakikinig ng music. May naririnig akong konting music mula sa earphones niya, at nakakahalina ‘yon. Dahil do’n, tinanong ko siya, “Ano ba ‘yang pinapakinggan mo?” Nakangiti niyang sinabing, “Mga himno mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.” Pagkasabi niya no’n, bigla akong napaupo sabi ko, “Naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos? ‘Di ba pagtataksil ‘yan sa Panginoong Jesus?” Pagkasabi ko no’n sa kanya, matigas niya ‘kong sinagot agad, “Huwag kang magsalita ng hindi mo alam! Nagbalik na ang Panginoong Jesus. Tinapos Niya’ng Kapanahunan ng Biyaya’t sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian, Ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya hindi pagtataksil sa Panginoon ang pananalig ko. Pagsabay ‘yon sa yapak ng Cordero. Gaya ng sinasabi sa Biblia, ‘At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon(Pahayag 14:4). Isipin mo na lang, nang nagpakita’t gumawa ang Panginoong Jesus, maraming tao’ng umalis sa templo’t tumanggap sa gawain Niya. Masasabi mo bang pinagkanulo nila ang Diyos na Jehova? Hindi lang nila hindi pinagkanulo’ng Diyos na Jehova, sinabayan din nila’ng mga yapak ng Diyos at biniyayaan sila ng kaligtasan. Sa katunayan nga, ang mga punong saserdote, eskriba’t mga Fariseo na kumapit sa mga batas ng Kasulatan, lumalaban sa Panginoong Jesus, iniisip pa rin na tapat sila sa Diyos na Jehova, ang sinumpa at pinarusahan ng Diyos pagdating sa huli. Talaga bang hindi mo alam ang tungkol do’n?” No’ng mga sandaling ‘yon, wala akong ideya kung pa’no pabubulaanan ang sinabi niya, kaya galit ko na lang na sinabing, “Nabiyayaan na tayo ng Panginoon. Kaya anuman ang mangyari, dapat tayong manatiling totoo sa pangalan at landas Niya. ‘Di tayo dapat mawalan ng utang na loob!” Pagkasabi ko no’n, galit at nakasimangot akong lumabas. Para pigilin siya, sinabi ko sa anak kong babae ang nangyari, at talagang sa’kin siya kumampi. Nang pumunta ang asawa ko sa pagtitipon no’ng araw na ‘yon, nanggulo’ng anak ko’t ‘di sila nakapagtipon. Nang malaman ko ang tungkol do’n pagkagaling ko sa trabaho, sabi ko sa kanya, “Anak, magaling ang ginawa mo. Sige lang, ituloy mo lang ‘yon. Habang nasa trabaho ako, bahala ka nang magbantay sa mama mo. Kailangang makahanap tayo ng paraan para bumalik siya sa pagsunod sa Panginoong Jesus.” Pero ilang araw lang, tapos na’ng bakasyon ng anak ko, bumalik na siya sa school. Sa takot kong baka pumunta uli ang asawa ko sa mga pagtitipon, binigyan ko ng konting pera’ng sampung taon kong anak na lalake at inutusan ko siya na pagkagaling sa school, tiyakin niyang ‘di pupunta sa pulong ang mama niya. Pagkagaling ko sa trabaho, sinasabi niya sa’kin kung sa’n galing ang mama niya. No’ng malaman kong sa trabaho lang siya pumupunta, nagsimula na ‘kong mag-relax nang konti. Pero yung bagay na talagang gumulat sa’kin, hindi na siya naglalaro ng mahjong tuwing gabi. Sa halip, naglinis na lang siya ng bahay, at tinapos niya rin ang trabaho sa bukid. Naguluhan ako. Kinasanayan niya nang mag-mahjong lagi at mapabayaan ang sambahayan, hindi ko nga siya makumbinsing itigil ‘yon. Nagdasal pa nga siya at nangumpisal sa Panginoon, pero ‘di pa rin siya nagbago. Kaya bakit nagbago siya bigla? Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari.

Minsan, isang gabi, bigla akong nagising, at may nakita akong kaunting liwanag na sumisinag sa kurtina. Nalito ako kung saan ba posibleng galing yung liwanag. Nung tiningnan ko, galing pala ‘yon sa ilalim ng kumot ng asawa ko. Kakaiba ‘yon ah, naisip ko, “Ano kaya’ng ginagawa niya?” Dahan-dahan akong bumangon sa kama, patingkayad akong naglakad sa kabilang gilid ng kama, at sinilip ko yung ilalim ng kumot. Nagbabasa pala siya ng libro gamit ang liwanag ng flashlight. Naisip ko, “Nananalig pa rin siya sa Makapangyarihang Diyos? ‘Di ko inakalang binabasa niya pa rin ang librong ‘yon. Ano kaya ang nasa libro na ‘yon para gustuhin niyang basahin ‘yon sa ilalim ng kumot? At saka kahit na gaano ako katutol, ba’t determinado pa rin siyang ipagpatuloy ang pananalig?” Hindi ko ‘yon maintindihan. Naisip ko uli kung pa’nong wala ‘kong magawa sa pagma-mahjong niya, napapabayaan niya ang bahay namin dahil do’n. “Bakit bigla siyang nagbago?” Naisip ko, “Yung librong ‘yon kaya ang bumago sa kanya?” Tapos naisip ko, “Alam ko na. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga yung nakasulat sa librong ‘yon.” Isang araw, no’ng lumabas ang asawa ko matapos mag-almusal, pumasok na naman sa isip ko’ng librong ‘yon. Tiningnan ko lahat ng cabinet at drawer, lahat do’n hinalughog ko na, pero sa huli, wala ‘kong nakuha. Bigla kong natanto na may posibilidad na tinago niya ‘yon sa pagitan ng mga damit niya. At tama nga, do’n ko nga nahanap ‘yon. Nang nailabas ko na, nakita ko ang isang makapal na hardcover na libro: Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Binuklat ko ‘yon at naakit ako sa pamagat ng isang kabanata. “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” Agad kong binasa ‘yon mula umpisa hanggang wakas, at may isang sipi ro’n na talagang pumukaw sa’kin. “Hinihikayat Ko ang mga tao ng lahat ng bansa, lahat ng bayan, at maging lahat ng industriya na makinig sa tinig ng Diyos, masdan ang gawain ng Diyos at bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, upang magawa ang Diyos na pinakabanal, pinaka-kagalang-galang, pinakamataas, at tanging pag-uukulan ng pagsamba ng sangkatauhan, at magbigay-daan sa buong sangkatauhan upang mamuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, tulad ng mga inapo ni Abraham na namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova, at tulad nina Adan at Eba, na orihinal na ginawa ng Diyos, na namuhay sa Hardin ng Eden. Ang gawain ng Diyos ay sumusulong tulad ng rumaragasang alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at makatanggap ng Kanyang pangako. Ang mga tao namang hindi ay sasailalim sa napakalaking kapahamakan at karapat-dapat sa kaparusahan(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naisip ko na “Napakamakapangyarihan ng mga salitang ito. Walang taong makakapagwika ng ganito! Mga salita ba ‘to ng Banal na Espiritu? Ang Makapangyarihang Diyos daw ang nagbalik na Panginoong Jesus sabi ng asawa ko, at ang pananalig sa Kanya ay pagsabay sa mga yapak ng Cordero. Kung totoo’ng sinabi niya, yung paghadlang ko sa kanya ay paglaban na rin sa Diyos. ‘Di ba para na rin ako no’ng mga Fariseo dalawanlibong taon na’ng nakakaraan? Kumapit ang mga Fariseo sa batas at ayaw tanggapin ang gawain ng Panginoong Jesus. Nilabanan at sinumpa nila Siya, at sa huli, dahil sa pagpapapako nila sa Kanya, sinumpa silang lahat ng Diyos.” Napaisip ako, “Kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ‘di ba gumagawa ako ng matinding kasalanan ng pagtutol sa gawain Niya? Mahirap isipin ang magiging resulta no’n!” Naalala kong sabi sa libro, “Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at makatanggap ng Kanyang pangako.” Naisip ko, “Hindi pwedeng patuloy kong kondenahin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Dapat kong basahing mabuti ang librong ‘to at talagang suriin ito.”

Simula nung araw na ‘yon, sa tuwing wala yung asawa ko, binabasa ko’ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao. Minsan, sabi niya, kailangan niyang mag-overtime sa trabaho, kaya naman tinapos ko’ng trabaho ko nang mas maaga at nagmadaling umuwi sakay ng bike para mas marami akong oras sa pagbabasa. Nakita kong nasusulat ‘to ro’n: “Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kwento sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos). “Naisulong na ng gawain ngayon ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; ibig sabihin, nakasulong na ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon na ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit Ko ba sinasabi nang paulit-ulit na ang yugtong ito ng gawain ay batay sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kautusan? Dahil ang gawain ng panahong ito ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya, at isang pag-unlad doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay, na bawat kawing sa kadena ay nakarugtong na mabuti sa kasunod. Bakit Ko ba sinasabi rin na ang yugtong ito ng gawain ay batay sa ginawa ni Jesus? Ipagpalagay nang ang yugtong ito ay hindi batay sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganing maganap ang isa pang pagpapapako sa krus sa yugtong ito, at ang gawain ng pagtubos ng naunang yugto ay kakailanganing uliting muli. Magiging walang saysay ito. Kaya nga hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong na ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas na nang mas mataas kaysa rati. Masasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nakabatay sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at nakasalig sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ng Diyos ay itinatatag nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong simula. Ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain lamang ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). Pagkabasa nito, naisip ko kung tama nga kaya ang asawa ko: Ang gawain ba ng Makapangyarihang Diyos ay ginagawa sa pundasyon ng pagtubos ng Panginoong Jesus? Sinulong ba no’n ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya? Pinuno ako ng pang-uusisa at pananabik ng librong ‘yon. Sinamantala ko’ng bawat pagkakataon para patago ‘yong basahin.

Isang araw, may nabasa ako ro’ng isang sipi. “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). Para sa’kin, talagang praktikal ‘to. Sa mga taon ng pananalig ko, lagi akong nangungumpisal at nagkakasala uli. ‘Di ko mapigil magsinungaling at manlinlang. Talagang ‘di ko natakasan ang kasalanan. ‘Di ako sigurado kung makakapasok ako sa kaharian ng langit sa gano’ng paraan. Naisip ko, “Pa’no kung totoo’ng sinasabi rito? Pa’no kung may nalagpasan akong hakbang sa pananalig, na hindi sapat ang pagtanggap lang sa Panginoong Jesus?” ‘Pag lalo kong iniisip, lalo kong nararamdamang nasa libro’ng katotohanan, at ‘di ‘yon masasabi ng tao. Inisip ko kung Diyos ba talaga ‘yon, kung tinig Niya ba ‘yon. Mas lalo akong naudyukan sa pag-iisip no’n. Tinuloy ko’ng pagbabasa, ganadung-ganado ‘ko.

Napansin ng asawa kong ‘di na ‘ko gaanong tutol sa pananalig niya sa Makapangyarihang Diyos. Itinigil niya na ang patagong pagbabasa, at minsan, nagbabasa siya nang malakas para marinig ko. Isang araw pagkauwi ko galing sa trabaho, nagbabasa siya ng salita ng Diyos, at pagkakita niya sa’kin, masaya niyang sinabing, “Basahin mo ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao’ng salita ng Diyos sa mga huling araw. Hinahayag no’n ang hiwagang ‘di natin maunawaan noon sa pananalig natin. Basahan kaya kita ng ilang sipi?” Naisip ko, “Matagal ko na ring binabasa’ng salita ng Makapangyarihang Diyos, baka nga magkasingdami na tayo ng nabasa.” No’ng hindi ko siya tinutulan, sinimulan niya na ang pagbabasa. “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ay gawain ng isang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, lagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, dapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Matapos magbasa ang asawa ko, pinapaliwanag ko sa kanya. Binahagi niya ‘to sa’kin: “Sabi mo pagtataksil sa Panginoong Jesus ang pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos. Sa katunayan, si Jehova, Panginoong Jesus, at Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. Iba-ibang gawain ang ginagawa ng Diyos sa iba-ibang panahon. Sa Panahon ng Kautusan, nilabas ng Diyos na Jehova ang batas para pamunuan ang tao sa buhay nila sa lupa. Para alam ng tao kung ano’ng kasalanan at kung pa’no sasambahin ang Diyos. Pero sa dulo ng Panahon ng Kautusan, wala nang makasunod sa batas. Lalo na silang nagkakasala at nanganganib na silang mamatay sa ilalim ng batas. Sa Panahon ng Biyaya, personal na naging tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Ginawa Niya’ng pagtubos. ‘Pinahayag Niya ang disposisyon Niya ng awa’t pag-ibig. Sa huli, pinako Siya sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. ‘Pag nagkasala, lumapit lang tayo sa Panginoon, mangumpisal at magsisi, at patatawarin tayo. Pero tinubos lang tayo ng Panginoong Jesus sa mga kasalanan natin. ‘Di pa lutas ang makasalanan nating kalikasan. Hindi pa rin natin mapigil na laging magsinungaling at gumawa ng kasalanan. Mayabang tayo, makasarili, tuso, at mahilig magpasikat. Kahit yung mga mananampalatayang ginugugol ang sarili, nagsasakripisyo para sa mga pagpapala ng kaharian ng langit. Isa ‘yong transaksyon. Sa harap ng malalaking paghihirap at pagsubok, o isang tunay na kalamidad, sinisisi lang natin ang Panginoon o ‘tinatanggi natin Siya’t pinagkakanulo. ‘Pag ‘di kaayon ng gawain Niya’ng pagkaunawa natin, ‘di makatwiran natin Siyang hinahatulan, kinokondena’t nilalabanan. Ang Diyos ay banal, kaya pa’nong tayong mga laging nagkakasala at lumalaban sa Diyos, makakapasok sa kaharian ng langit? Kaya nangako ang Panginoong Jesus na babalik Siya para humatol sa mga huling araw. Dumating na’ng Makapangyarihang Diyos, nagpapahayag ng katotohana’t humahatol mula sa bahay ng Diyos sa pundasyon ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Dumating Siya para linisin ang tiwali nating disposisyon, para lutasin ang makasalanang kalikasan natin. Sa gano’n tayo makakalaya sa kasalanan at maliligtas. Tinutupad nito’ng mga propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Kahit na gumagawa ang Diyos ng iba-ibang gawain sa iba-ibang panahon sa iba’t ibang pangalan, gawain ‘yon na ginawa ng iisang Diyos. Ang tatlong yugto ng gawain, Panahon ng Kautusan, Panahon ng Biyaya, at Panahon ng Kaharian ay mas mataas at mas malalim kaysa sa nauna. Ang bawat yugto ng gawain ay dumaragdag sa nauna rito, bawat isa’y konektado sa susunod. Tanging ang tatlong yugtong ito’ng makakapagligtas sa sangkatauhan. Kaya ang pagtanggap ko sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ‘di pagtataksil sa Panginoong Jesus, pagsunod ‘yon sa mga hakbang ng gawain ng Diyos at pagsalubong sa Panginoon.”

Matapos ang pagbabahagi niya, nanood kami ng video ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”). Matapos ko ‘yong panoorin, nagliwanag ang puso ko. Nakita kong si Jehova, Panginoong Jesus, at Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos, na gumawa ng iba-ibang gawain sa iba-ibang panahon. Ang gawain ng Diyos na Jehova sa Panahon ng Kautusan ay maglabas ng batas, ang gawain ng Panginoong Jesus sa Panahon ng Biyaya’y tubusin ang sangkatauhan, gawain ngayon ng Makapangyarihang Diyos ang ipahayag ang katotohana’t hatulan ang tao. Ang tatlong yugtong ito ang gawain ng Diyos para iligtas ang tao sa iba-ibang panahon, ayon sa kailangan ng tao. Ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoong Jesus, natiyak ko ‘yon, at ang pagsunod sa Makapangyarihang Diyos ay pagsabay sa yapak ng Cordero. Ang sabi ko sa asawa ko, “’Di pagtataksil sa Panginoong Jesus ang pananalig mo sa Makapangyarihang Diyos, pagsabay ‘yon sa bagong gawain ng Diyos! Binabasa ko ang salita ng Makapangyarihang Diyos.”

Medyo nagulat siya, at sinabi niyang, “Talaga? Simula pa kailan? Wala akong kaalam-alam do’n ah!” Hindi ako sumagot nang direkta, iniyuko ko lang ang ulo ko’t tahimik na sinabing, “Nung nagsimula kang manalig sa Makapangyarihang Diyos, hindi lang kita basta hinadlangan, inutusan ko rin ang mga anak natin na bantayan ka. Ngayon talagang pinagsisisihan ko ‘yon! Ang paggawa no’n ay paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Pero naawa’ng Diyos sa’kin, ipinabasa Niya sa’kin ang salita Niya. Ngayon sigurado na ‘ko na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na hinihintay nating bumalik. Siya’ng nag-iisang tunay na Diyos!” “Gusto ko nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos.” Nag-uumapaw ang emosyon ko nung gabing ‘yon. Nanalangin ako sa Diyos, tinawag ko ang ngalan ng Makapangyarihang Diyos, “Salamat, Diyos ko, sa pagpili Mo sa’kin at sa pagpayag Mong sumunod ako sa yapak Mo’t makadalo sa piging ng Cordero!”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ibang Klase ng Pagmamahal

Ni Chengxin, Brazil Isang di-sinasadyang pagkakataon noong 2011 ang nagtulot sa akin na makapunta sa Brazil mula sa China. Noong...

Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...