Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (7) Ikalawang Seksiyon
Ikawalong Aytem: Agarang Iulat at Hanapin Kung Paano Lutasin ang mga Kalituhan at Paghihirap na Nararanasan sa Gawain (Unang Bahagi)
Dapat Agarang Tukuyin at Lutasin ng mga Lider at Manggagawa ang mga Paghihirap
Ngayon, magbabahaginan tayo tungkol sa ikawalong responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “Agarang iulat at hanapin kung paano lutasin ang mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain.” Ilalantad natin ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider tungkol sa responsabilidad na ito. Agarang pag-uulat at paghahanap kung paano lutasin ang mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain—hindi ba’t bahagi ito ng gawain at mga tungkulin ng mga lider at manggagawa? (Oo.) Hindi maiiwasang maharap ang mga lider at manggagawa sa ilang masalimuot na isyu sa gawain nila, o makaranas ng mga paghihirap na lampas sa saklaw ng gawain ng iglesia, o makaranas ng mga espesyal na kaso na walang kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo, at hindi nila nababatid kung paano haharapin ang mga sitwasyong ito. O, dahil sa mahina ang kakayahan nila at sa gayon ay hindi nila maarok nang tumpak ang mga prinsipyo, hindi maiiwasang makaranas sila ng ilang kalituhan at paghihirap na mahirap lutasin. Maaaring nauugnay ang mga kalituhan at paghihirap na ito sa mga isyu ng paggamit ng mga tauhan, mga isyung may kinalaman sa gawain, mga problemang nagmumula sa panlabas na kapaligiran, mga isyung may kinalaman sa buhay pagpasok ng mga tao, mga paggambala at panggugulong dulot ng masasamang tao, pati na rin ang mga isyu ng pagpapaalis o pagpapatalsik sa mga tao, at iba pa. Para sa lahat ng isyung ito, may mga partikular na hinihingi at regulasyon ang sambahayan ng Diyos, o may ilang pasalitang tagubilin. Higit pa sa mga partikular na regulasyong ito, may mga hindi maiiwasang espesyal na kaso na hindi nabanggit. Tungkol sa mga espesyal na kasong ito, kayang asikasuhin ng ilang lider ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos, gaya ng pagprotekta sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, pagtiyak sa seguridad ng mga kapatid, at pagpapanatili sa maayos na operasyon ng gawain ng iglesia—at, higit pa rito, napakahusay nila itong ginagawa—samantalang nabibigo ang ilang lider na gawin ito. Ano ang dapat gawin sa mga problemang hindi kayang asikasuhin? Gumagawa nang naguguluhan ang ilang lider at manggagawa, hindi nila matukoy ang mga problema, at kahit na matukoy nila, hindi nila kayang lutasin ang mga ito. Nagraraos lang sila ng gawain nang hindi naghahanap ng mga solusyon mula sa ang Itaas, sinasabi lang nila sa mga kapatid, “Bahala kayong lutasin ito; umasa kayo sa Diyos at bumaling sa Diyos para sa mga solusyon,” at pagkatapos ay itinuturing nilang maayos na ang lahat. Gaano man karami ang mga isyung nagpapatong-patong, hindi nila kayang lutasin ang mga ito sa sarili nila, pero hindi nila ito iniuulat paitaas o hinahanap kung paano lutasin ang mga ito, marahil ay natatakot sila na makilatis sila ng ang Itaas at mapahiya sila. Mayroon ding ilang lider at manggagawa na hindi kailanman nag-uulat ng mga problema sa ang Itaas, at hindi Ko alam kung bakit. Ang pag-uulat paitaas ay hindi naman nangangahulugang direkta sa ang Itaas; tiyak na puwede munang mag-ulat sa mga lider ng isang distrito o rehiyon. At kung hindi nila ito malulutas, puwede mong hilingin sa mga lider at manggagawa na iulat ito nang direkta sa ang Itaas. Kung hihilingin mo sa isang lider o manggagawa na iulat ang isang usapin sa ang Itaas, nililinaw ang sitwasyon, maaari ba niyang itago ito at balewalain ang usapin? Bihira ang gayong mga tao. Kahit na mayroon ngang gayong mga lider, puwede mo pa ring linawin ang usapin sa ibang mga lider at manggagawa para ilantad ang taong nagtatago sa isyu at hindi nag-uulat nito. Kung hindi pa rin iniuulat ng ibang lider at manggagawang ito ang usapin, may isa pang huling paraan: Maaari kang sumulat nang direkta sa website ng sambahayan ng Diyos para maipasa ito sa ang Itaas, nang sa gayon ay matitiyak na naiulat ang isyu sa ang Itaas. Ito ay dahil maraming beses nang nag-asikaso ang ang Itaas ng gayong mga liham noon, at pagkatapos ay direkta nilang ipinagkatiwala sa mga lider at manggagawa na pangasiwaan ang usapin. Sa katunayan, maraming paraan para maiulat ang isang isyu paitaas; madali itong isagawa, nakasalalay lang ito sa kung talagang gusto ng tao na lutasin ang problema. Kahit na hindi mo pinagkakatiwalaan ang isang partikular na lider o manggagawa, dapat ka pa ring maniwala na matuwid ang Diyos at na namamahala ang ang Itaas ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung wala kang tunay na pananalig sa Diyos, at hindi ka naniniwala na naghahari ang katotohanan sa sambahayan ng Diyos, hindi mo maisasakatuparan ang anumang bagay. Maraming tao ang hindi nauunawaan ang katotohanan; hindi sila naniniwalang naghahari ang katotohanan sa sambahayan ng Diyos, at wala silang may-takot-sa-Diyos na puso. Lagi nilang iniisip na pinagtatakpan ng lahat ng opisyal sa mundo ang isa’t isa, at akala nila na ganoon din sa sambahayan ng Diyos. Hindi sila naniniwala na ang Diyos ang katotohanan at ang katuwiran. Kaya, ang ganitong tao ay maaaring tawagin na hindi mananampalataya. Gayumpaman, may isang minorya ng mga tao na nakapag-uulat ng mga aktuwal na problema. Ang mga ganitong tao ay maaaring tawagin na mga taong nagpoprotekta sa mga interes ng sambahayan ng Diyos; sila ay mga responsableng tao. Hindi lamang nabibigo ang ilang lider at manggagawa na lutasin ang malalalang problema kapag nakikita nila ang mga ito; hindi rin nila iniuulat ang mga ito paitaas. Nararamdaman lamang nila ang kalubhaan ng isyu kapag iniimbestigahan na ito ng ang Itaas. Inaantala nito ang mga bagay-bagay. Samakatwid, hindi mahalaga kung ikaw ba ay isang ordinaryong kapatid, o isang lider o isang manggagawa, sa tuwing may kinakaharap kang isang isyu na hindi mo malutas at tumutukoy sa mas malalaking prinsipyo ng gawain, dapat mo itong iulat paitaas at dapat kang maghanap ng solusyon sa tamang oras. Kung nahaharap ka sa mga kalituhan o paghihirap subalit hindi nilulutas ang mga ito, hindi makakausad ang ilang gawain; kakailanganin itong isantabi at itigil. Maaapektuhan nito ang pag-usad ng gawain ng iglesia. Samakatwid, kapag lumitaw ang gayong mga problema na direktang makakaapekto sa pag-usad ng gawain, dapat tuklasin ang mga ito at lutasin sa tamang oras. Kung hindi madaling lutasin ang isang problema, dapat kang humanap ng mga tao na nakakaunawa sa katotohanan at mga taong may kadalubhasaan sa larangan, makipagtalakayan ka sa kanila at imbestigahan at lutasin ang problema nang magkakasama. Ang ganitong uri ng mga problema ay hindi maaaring patagalin! Bawat araw na pinapatagal mo sa paglutas ng mga ito ay isang araw na pagkaantala sa pag-usad ng gawain. Hindi ito paghahadlang sa mga gawain ng iisang tao; naaapektuhan nito ang gawain ng iglesia, gayundin kung paano ginagawa ng mga taong hinirang ng Diyos ang kanilang mga tungkulin. Kaya, kapag nahaharap ka sa ganitong uri ng kalituhan o paghihirap, dapat agaran itong malutas, hindi ito puwedeng ipagpaliban. Kung talagang hindi mo ito malutas, agad mo itong iulat sa ang Itaas. Direkta silang lalapit para lutasin ito, o sasabihin sa iyo ang landas. Kung hindi kayang pangasiwaan ng isang lider o manggagawa ang ganitong uri ng mga problema, at pinababayaan ang problema sa halip na iulat ito sa ang Itaas at hingin ang solusyon mula rito, kung gayon, ang mga ganoong lider ay bulag; sila ay talagang mangmang, at walang silbi. Dapat silang tanggalin at alisin mula sa kanilang posisyon. Kung hindi sila maaalis sa kanilang posisyon, hindi makasusulong ang gawain ng iglesia; mawawasak ito sa kanilang mga kamay. Kaya, dapat agad itong mapangasiwaan.
Ang gawain ng paggawa ng pelikula ay isa ring mahalagang aytem ng gawain para sa sambahayan ng Diyos. Madalas na nakakaranas ng problema ang mga pangkat ng mga gumagawa ng pelikula kung saan may mga hindi pagkakasundo ang lahat tungkol sa iskrip. Halimbawa, naniniwala ang direktor na naiiba o lumilihis ang iskrip mula sa tunay na buhay at magiging hindi makatotohanan kapag isinapelikula, kaya, gusto niyang baguhin ito. Gayumpaman, mariing hindi sumasang-ayon ang iskriprayter, na naniniwalang makatwiran ang pagkakasulat ng iskrip, at iginigiit na dapat kunan ng direktor ang pelikula ayon sa iskrip. May sarili ring mga pagtutol ang mga aktor, hindi sila sumasang-ayon kapwa sa iskriprayter at sa direktor. Sinasabi ng isang aktor, “Kung ipipilit ng direktor na ganoon ang paraan ng pagkuha sa pelikula, hindi ako aarte!” Sinasabi naman ng iskriprayter, “Kung babaguhin ng direktor ang iskrip, kayong lahat ang mananagot kapag nagkaroon ng anumang mga problema!” Sinasabi ng direktor, “Kung susundin ko ang iskrip sa pagkuha ng pelikula at magkakaroon ng mga pagkakamali, ako ang papanagutin ng sambahayan ng Diyos. Kung gusto mong kunan ko ang pelikula, dapat itong gawin batay sa sarili kong pag-iisip; kung hindi, hindi ko ito gagawin.” Ngayon, talagang hindi nagkakasundo ang tatlong panig, tama? Malinaw na hindi makapagpapatuloy ang gawain. Hindi ba ito isang kalituhang lumitaw? Kaya, sino ba talaga ang tama? May sariling mga teorya ang lahat sa kanila, sarili nilang mga argumento, at walang handang makipagkompromiso. Kung ganitong hindi nagkakasundo ang tatlong panig, ano ang napipinsala? (Ang gawain ng sambahayan ng Diyos.) Nahahadlangan at napipinsala ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Nakaramdam ba kayo ng pagkabalisa at pag-aalala nang maharap kayo sa gayong mga sitwasyon? Kung hindi, pinapatunayan nito na hindi ninyo talaga ito isinapuso. Kapag lumilitaw ang gayong mga kalituhan at hindi pagkakasundo, nagiging sobrang balisa ang ilang tao na hindi sila makakain o makatulog, iniisip na, “Ano ba ang dapat gawin? Walang patutunguhan ang pakikipagtalo at hindi pagbibigay-daan tulad nito. Hindi ba’t naaapektuhan nito ang pag-usad ng paggawa ng pelikula? Naantala na ito nang ilang araw at hindi na ito puwedeng ipagpaliban pa. Paano natin malulutas ang problemang ito para matiyak na magiging maayos ang pagkuha ng pelikula at hindi maaantala ang gawain? Kanino tayo dapat lumapit para malutas ang isyung ito?” Kung mayroon kang puso, dapat kang maghanap ng mga solusyon mula sa mga lider, at kung hindi ito malutas ng mga lider, dapat mo itong iulat kaagad sa ang Itaas. Kung tunay mong isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, dapat mong gawin ang lahat ng makakaya mo para malutas ang problema sa lalong madaling panahon; ito ang pinakamahalagang bagay. At kung hindi ka nag-aalala? Maaari mong pagbulayan ito, iniisip na, “Sila ang mali. Paninindigan ko ang pananaw ko—duda akong may magagawa silang anuman sa akin. Kakain at saka iidlip muna ako sandali, wala namang gagawin sa hapon.” Bumibigat ang mga binti mo, nahihilo ka, nawawalan ng sigla ang puso mo, at nagiging matamlay ka. May nakatambak na mga problema, pero hindi mo inaasikaso ang mga ito at matamlay ka, kaya walang paraan para malutas ang problema. Bakit wala? Dahil wala kang pangganyak at pagnanais na lutasin ito, kaya hindi ka makaisip ng solusyon. Iniisip mo sa sarili mo: “Hindi naman madalas na lumilitaw ang mga paghihirap at napapahinto ang gawain. Gagamitin ko ang pagkakataong ito para magpahinga nang ilang araw at magpahingalay nang kaunti. Bakit kailangang labis na magpakapagod palagi? Kung magpapahinga ako ngayon, walang masasabi tungkol dito ang sinuman. Tutal, hindi naman ako nagpapakatamad o nagpapaka-iresponsable sa gawain ko. Gusto kong maging responsable, pero may nakahadlang sa amin na paghihirap—sino ang lulutas nito? Paano makukunan ang pelikula kung hindi malulutas ang paghihirap na ito? Kung may mga paghihirap na pumipigil sa amin na kunan ang pelikula, hindi ba’t dapat magpahinga na lang muna kami?” Sa gayong malaking isyu sa harap mo, ano ang magiging mga kahihinatnan kung hindi ito agarang malulutas? Kung patuloy na lilitaw ang mga problema at walang malulutas, patuloy pa bang makakausad ang gawain? Magdudulot ito ng mga malubhang pagkaantala. Ang pag-usad ng gawain ay puwede lang sumulong, hindi umatras, kaya sa pagkaalam na naghahatid ng mga paghihirap ang problemang ito, hindi ka na dapat magpaliban pa lalo; kailangan mo itong lutasin kaagad. Sa sandaling malutas ang problemang ito, magmadali kang lutasin ang susunod na lilitaw, na sinisikap na huwag mag-aksaya ng oras para makausad nang maayos ang gawain at matapos ito sa itinakdang oras. Ano ang tingin mo rito? (Mabuti ito.) Humaharap ang mga taong may puso sa mga kalituhan at paghihirap nang may ganitong saloobin. Hindi sila nag-aaksaya ng oras, hindi gumagawa ng mga dahilan para sa sarili nila, at hindi nag-iimbot ng mga kaginhawahan ng laman. Sa kabilang banda, sasamantalahin ng mga taong walang puso ang mga butas; gagawa sila ng mga dahilan at maghahanap ng mga pagkakataon para makapagpahinga, ginagawa ang lahat ng bagay nang mabagal at nang walang nararamdamang pag-aapura o pagkabalisa, walang anumang pagpapasya na magtiis ng paghihirap o magbayad ng halaga. At pagkatapos ay ano ang mangyayari sa dulo? Kapag nahaharap sa kalituhan o suliranin, hindi sila nagkakasundo sa loob ng maraming araw. Hindi rin iniuulat ng mga direktor, aktor, ni ng iskriprayter ang isyu. Samantala, ang mga lider ay bulag at hindi nila makilala na isa itong problema; kahit pa nakikilala nila ito bilang isang problema pero hindi nila ito kayang lutasin sa sarili nila, hindi nila ito iniuulat paitaas. Sa sandaling maiulat ito sa bawat antas hanggang sa ang Itaas, sampung araw o kalahating buwan na ang lumipas. Ano ang ginawa sa loob ng sampung araw o kalahating buwang ito? Mayroon bang mga gumagampan ng kanilang tungkulin? Wala, nagpapalipas lang sila ng oras sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya! Hindi ba’t palamunin lang sila? Ang lahat ng superbisor na iyon na hindi makahanap ng mga agarang solusyon sa mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain nila ay palamunin lang, nagpapalipas ng mga araw nang walang layunin. Ang gayong mga tao ay kilala bilang “mga tamad.” Bakit “mga tamad”? Dahil hindi hinaharap ng mga taong ito ang mga tungkulin nila nang may saloobin ng pagiging seryoso, responsable, mahigpit, o positibo, kundi sa halip, sila ay pabasta-basta, negatibo, at tamad, umaasa lang na magkaroon ng paghihirap o hindi pagkakasundo para magkaroon sila ng dahilan na huminto at tumigil sa paggawa.
Hindi lang dapat agarang lutasin ng mga lider at manggagawa ang mga kalituhan at paghihirap na nakakaharap sa gawain, kundi dapat din nilang agarang suriin at tukuyin ang mga isyung ito. Bakit dapat itong gawin? Iisa lang ang layon nito: ang pangalagaan ang gawain ng Diyos at ang gawain ng sambahayan ng Diyos, tinitiyak na umuusad nang maayos ang bawat aytem ng gawain at matagumpay itong natatapos sa loob ng normal na nakatakdang iskedyul. Upang matiyak na umuusad nang maayos ang gawain, anong mga isyu ang kailangang lutasin? Una, mahalagang tuluyan na paalisin ang anumang balakid o hadlang na gumugulo sa gawain ng iglesia, na higpitan ang mga hindi mananampalataya at masasamang tao para pigilan silang magdulot ng problema. Dagdag pa rito, dapat gabayan ang mga superbisor ng bawat aytem ng gawain at ang mga kapatid para maunawaan nila ang katotohanan at makahanap sila ng landas ng pagsasagawa, para matuto silang makipagtulungan nang maayos at mangasiwa sa isa’t isa. Sa ganitong paraan lang masisiguro ang pagkakatapos sa gawain. Anuman ang mga paghihirap o kalituhang nararanasan, kung hindi kayang lutasin ng mga lider at superbisor ang mga ito, dapat agad nilang iulat ang mga isyu sa ang Itaas at agad silang maghanap ng mga solusyon. Anuman ang gawain nila, dapat unahin ng mga lider at superbisor ang paglutas ng mga problema, pagtugon kapwa sa mga teknikal na problema at mga isyu ng prinsipyo na may kaugnayan sa gawain, pati na rin ang iba’t ibang paghihirap na nararanasan ng mga tao sa buhay pagpasok nila. Kung hindi mo kayang lutasin ang mga kalituhan at paghihirap, hindi mo magagawa nang maayos ang gawain mo. Samakatwid, kapag nahaharap ka sa mga kakaibang paghihirap o kalituhang hindi mo kayang lutasin, dapat mong agarang iulat ang mga ito sa ang Itaas. Huwag kang mag-aksaya ng oras, dahil ang pagkaantala ng tatlo hanggang limang araw ay makakapagdulot ng mga kawalan sa gawain, at kung maaantala ito nang kalahati o isang buwan, magiging masyado nang malaki ang mga kawalan. Dagdag pa rito, anuman ang isyu, dapat itong harapin batay sa mga katotohanang prinsipyo. Anuman ang mangyari, huwag gamitin kailanman ang mga pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo para lutasin ang mga problema. Huwag gawing maliit ang mga seryosong isyu, at pagkatapos ay balewalain na lang ang maliliit na isyu, o basta lang na pagalitan ang parehong panig na sangkot sa mga isyu at saka pakalmahin sila gamit ang isang kaaya-ayang bagay, palaging pinipiling makipagkasundo at manghikayat sa kanila, natatakot sa paglaki ng mga isyu. Dahil dito, hindi nalulutas ang pinakaugat na mga problema, kaya may mga isyung nagtatagal. Hindi ba’t pinagagaan lang nila ang mga isyu nang hindi talaga nilulutas ang mga ito? Kung sa tingin mo ay nagamit mo na ang lahat ng solusyon ng tao para sa isang problema at tunay ngang hindi ito malulutas, at talagang hindi mo mahanap ang mga prinsipyo para sa mga teknikal na isyu sa loob ng gawain, dapat na mabilis mong iulat ang mga isyung ito sa ang Itaas at maghanap ka ng mga solusyon nang hindi naghihintay o nagpapaliban. Ang anumang problema na hindi malutas ay dapat na agarang iulat sa ang Itaas para makahanap ng solusyon. Ano ang tingin mo sa prinsipyong ito? (Mabuti ito.)
Madalas bang hindi nagkakasundo sa mga isyu sa pagkuha ng pelikula ang mga pangkat ng mga gumagawa ng pelikula at pangkat ng mga iskriprayter? May sariling pangangatwiran ang bawat isa, at hindi nila magawang magkaisa ng pasya, palaging nagpapalitan ng salita. Kaya bang lutasin ng mga lider ang mga isyung ito kapag lumitaw ang mga ito? (Minsan kaya nila.) Nakaranas na ba kayo ng isang sitwasyon kung saan nilutas ng isang lider ang ilang problema sa pamamagitan ng pagbabahaginan, at ganap itong makatwiran at matatag sa teorya kung papakinggan, pero hindi pa rin kayo sigurado kung alinsunod ito sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos o sa mga katotohanang prinsipyo? (Oo.) Paano ninyo hinarap ang gayong mga sitwasyon? (Humihingi kami ng tulong minsan sa ang Itaas.) Iyan ang tamang pagharap. Nakaranas na ba kayo ng sitwasyon kung saan nagpasya kayong hindi magtanong tungkol sa isang isyu dahil nakita ninyong masyadong abala ang Itaas na Brother, at inakala ninyo na ayos lang ito basta’t tama naman sa teorya ang usapin, at kaya nagpasya kayong ituloy muna ang pagkuha sa pelikula na hindi alintana kung sumusunod ito sa katotohanan o hindi? (Nagkaroon kami ng mga seryosong isyu sa ganitong bagay noon. Dahil dito, kinailangan naming gawing muli ang mga bagay-bagay at nagdulot ito ng mga paggambala at panggugulo sa gawain.) Malubha ang sitwasyong iyon! Marami sa mga problemang nararanasan ng mga pangkat ng mga gumagawa ng pelikula ang talagang responsabilidad ng pangkat ng mga iskriprayter sa huli. Halimbawa, kung naging paligoy-ligoy lang ang kuwento ng pelikula sa loob ng dalawa’t kalahating oras, ang mga iskriprayter ang pangunahing responsable rito. Ngunit paano naman ang responsabilidad ng mga direktor? Kung paligoy-ligoy ang iskrip, dapat bang makita ito ng mga direktor? Sa teorya, dapat makita nila ito. Subalit, maaari pa ring gumugol ang mga direktor ng ilang buwan at gumamit ng maraming lakas-tao, mga materyal na mapagkukunan, at pananalapi para tapusin ang paggawa ng pelikula sa ilalim ng gayong mga sitwasyon. Anong uri ng problema ito? Bilang mga direktor, ano ang responsabilidad ninyo? Pagkatanggap ng isang script, dapat ninyong isipin, “Mahaba at napakarami ng nilalaman ng iskrip na ito, pero wala itong buod, isang tema; walang kaluluwa ang buong istruktura nito. Hindi puwedeng kunan ang pelikula ng iskrip na ito; dapat itong isauli sa mga iskriprayter para rebisahin nila.” Kaya ba ninyong gawin ito? Nakapagsauli na ba kayo ng isang iskrip? (Hindi pa.) Ito ba ay dahil hindi ninyo makita ang mga isyu, o dahil natatakot kayong isauli ito? O natatakot ba kayo na may manghusga sa inyo, sasabihing, “Ibinigay nila sa iyo itong natapos na iskrip at tinanggihan mo ito sa isang salita lang, ibinabalik mo ito—masyado kang mayabang, hindi ba?” Ano ba talaga ang kinatatakutan ninyo? Nakikita ninyo ang problema, kaya bakit hindi ninyo ibalik ang iskrip sa mga iskriprayter? (Hindi kami responsable sa gawain namin ng paggawa ng pelikula.) Para sa mga pangkat ng mga gumagawa ng pelikula, bukod sa mga lider ng iglesia, dapat kumilos ang mga direktor bilang mga superbisor, bilang ang mga nagdedesisyon at may huling salita. Dahil ikaw ang direktor, dapat mong akuin ang buong responsabilidad para sa usaping ito, isinasagawa ang wastong pagsusuri tungkol sa iskrip mula sa sandaling matanggap mo ito. Sabihin nating nakatanggap ka ng iskrip at sinuri mo ito mula umpisa hanggang dulo, at nakita mong talagang maganda ang nilalaman nito. Mayroon itong buod at tema, umiikot ang kuwento sa pangunahing linya ng kuwento, at lumalabas na walang malalaking isyu ang buong iskrip—mukha itong maganda, karapat-dapat kunan ng pelikula, at kaya naman, puwedeng tanggapin ang iskrip. Gayumpaman, kung mahaba ang iskrip, nagsasalaysay ng kuwento ng isang tao mula simula hanggang dulo nang walang pokus o kapansin-pansing tema, iniiwang hindi malinaw kung ano ang nilalayong ipahayag ng iskrip, kung ano ang nilalayon nitong makamit sa mga manonood, o kung ano ang pangunahing ideya at espirituwal na kahulugan nito—isa lang itong paligoy-ligoy at magulong iskrip—matatanggap ba ang ganitong iskrip? Ano ang dapat gawin ng mga direktor sa gayong sitwasyon? Dapat nilang isauli ang iskrip at magsuhestiyon sila para sa pagrerebisa ng mga iskriprayter. Maaaring magreklamo ang mga tao mula sa pangkat ng mga iskriprayter, sinasabing, “Hindi patas ito! Sino sila para suriin ang iskrip na isinulat namin? Bakit sila ang nagpapasya? Dapat tratuhin ng sambahayan ng Diyos ang mga tao nang patas at makatwiran!” Ano ang dapat gawin kung gayon? Kung matutukoy ng mga direktor ang mga isyu sa iskrip, hindi sila dapat magmadaling magdesisyon kundi dapat makipagbahaginan muna sila sa mga lider ng iglesia at mga miyembro ng pangkat ng mga gumagawa ng pelikula tungkol sa usapin. Kung nagkakaisa ang lahat sa palagay nila na hindi pasok sa pamantayan ang isang iskrip batay sa mga nakaraang taon nila ng karanasan sa paggawa ng pelikula at sa pagkaunawa sa mga iskrip, at naniniwala sila na kung isasapelikula ito ay hindi lang nito maaantala ang gawain ng paggawa ng pelikula kundi maaaksaya rin ang lahat ng tao, materyal, at pinansyal na mapagkukunan, at walang sinuman ang kayang pumasan ng gayong responsabilidad, dapat isauli ang iskrip na ito. Hindi talaga dapat isapelikula ang isang paligoy-ligoy na iskrip; ito ay isang prinsipyo. Kung pare-pareho ang nararamdaman ng lahat tungkol sa iskrip, kailangang tanggapin ito ng mga iskriprayter nang walang kondisyon at irebisa ang iskrip ayon sa mga suhestiyon mula sa pangkat ng mga gumagawa ng pelikula. Kung mayroon pa ring mga hindi pagkakasundo, puwedeng sama-samang makipagdebate ang mga miyembro at lider ng magkabilang panig para makita kung kaninong mga argumento ang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung mauuwi sa tabla ang magkabilang panig at walang mararating na kongklusyon, dapat gamitin ang huling paraan, at ito ang ikawalong responsabilidad ng mga lider at manggagawa na pinagbahaginan ngayon: “Agarang iulat at hanapin kung paano lutasin ang mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain.” Ang mga isyung hindi umuusad at hindi kayang lutasin ay tinatawag na mga kalituhan at paghihirap. Iniisip ng bawat panig na tama ang pangangatwiran nila, at walang nakakagawa ng desisyon. Nagpapagulo sa isyu ang ganitong palitan ng opinyon, nagpapalabo sa pang-unawa ng lahat tungkol sa buong detalye ng isyu at sa direksyong dapat tahakin. Sa puntong ito, dapat akuin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad nilang agarang mag-ulat at maghanap ng mga solusyon sa mga isyu at kalituhang ito na lumilitaw sa gawain, nagsisikap na agarang malutas ang mga ito para hindi mahadlangan ang pag-usad ng gawain, at higit pa rito, para hindi na lalo pang dumami ang mga ito. Ang agarang pag-uulat at paghahanap kung paano lutasin ang mga isyung ito—hindi ba ito paggawa ng gawain? Hindi ba ito pagpapakita ng isang seryoso at responsableng saloobin sa gawain? Hindi ba ito pagsasapuso sa paggampan ng tungkulin? Hindi ba ito pagiging tapat? (Oo.) Pagkakaroon ito ng katapatan sa tungkulin.
Dapat na agarang mapansin at malutas ng mga lider at manggagawang nangangasiwa ng gawain ang anumang problemang lumilitaw sa gawain, sapagkat tanging sa paggawa nito ay matitiyak ang maayos na pag-usad ng gawain. Ang lahat ng lider at manggagawa na hindi kayang lumutas ng mga problema ay walang katotohanang realidad at mga huwad na lider at manggagawa. Ang sinumang nakakatuklas ng mga isyu pero nabibigong lutasin ang mga ito, sa halip ay iniiwasan o pinagtatakpan niya ang mga ito, ay isang walang kuwentang tao na sumisira lang sa gawain. Kailangang malutas ang mga isyung pinagtatalunan sa pamamagitan ng pagbabahaginan at debate. Kung hindi nagbubunga ng mga wastong resulta ang mga ito pero sa halip ay lalo pang pinapalabo ang sitwasyon, dapat ay personal na mangasiwa ang pangunahing lider sa pagharap sa usapin, agarang nagmumungkahi ng mga solusyon at pamamaraan habang agaran din na nagmamasid, umuunawa, at naghuhusga para makita kung ano ang magiging kalalabasan ng sitwasyon. Kapag nagpapatuloy pa rin ang hindi pagkakasundo tungkol sa isang problema at walang desisyong naaabot, dapat maiulat kaagad ang isyu sa ang Itaas para makahanap ng solusyon, sa halip na pagaanin lang ang isyu, naghihintay, o nagpapaliban, at lalong sa halip na balewalain lang ang isyu. Ganito ba ginagawa ng mga kasalukuyan ninyong lider at manggagawa ang gawain? Dapat agaran nilang sinusubaybayan at isinusulong ang pag-usad ng gawain, at kasabay nito ay tinutukoy nila ang iba’t ibang alitang lumilitaw sa gawain habang hindi kinakaligtaan ang iba’t ibang maliit na isyu. Kapag natukoy ang malalaking problema, dapat naroon ang mga pangunahing lider at manggagawa para sumali sa paglutas sa mga ito, tumpak na inuunawa ang buong detalye ng isyu, ang dahilan kung bakit lumitaw ang problema, at ang mga perspektiba ng mga kasangkot, upang tumpak na maarok kung ano talaga ang nangyayari. Kasabay nito, dapat silang sumali sa pagbabahaginan, pakikipagdebate, at maging sa pakikipagtalo tungkol sa mga isyung ito. Kinakailangan ito; napakahalaga ng pakikilahok, dahil nakakatulong ito sa iyo na gumawa ng mga paghuhusga at lumutas sa mga problema na lumilitaw sa gawain. Kung makikinig ka lang nang walang pakikilahok, palaging nakatayo sa gilid nang nakahalukipkip at umaasta na parang isang taong nakikiupo sa isang klase, iniisip na walang kinalaman sa iyo ang anumang problemang lumilitaw sa gawain at wala kang anumang partikular na pananaw o saloobin tungkol sa usapin, malinaw na isa kang huwad na lider. Kapag nakikilahok ka, detalyado mong malalaman kung ano talaga ang mga problemang lumitaw sa gawain, kung ano ang sanhi ng mga ito, kung sino ang responsable, kung saan nakapaloob ang pangunahing isyu, at kung dahil ba ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao o sa kakulangan nila ng teknikal at propesyonal na kaalaman—lahat ng ito ay dapat na linawin para mapangasiwaan at masolusyunan nang patas ang mga problema. Kapag nakikilahok ka sa gawaing ito at natuklasan mo na ang mga problema ay hindi likha ng tao o sadyang ginawa ng sinuman, pero nahihirapan kang tukuyin ang diwa ng isyu at hindi mo alam kung paano lutasin ito, sapagkat matagal nang nagtatalo tungkol dito ang magkabilang panig, o kapag inilaan na ng lahat ang puso at pagsisikap nila sa isang problema pero hindi pa rin nila ito malutas, at hindi sila makahanap ng mga prinsipyo o makahanap ng isang direksyon, na nagdudulot ng paghinto sa gawain, at natatakot din sila na magdudulot ng mas maraming pagkakamali, pagkagambala, at negatibong kahihinatnan kung magpapatuloy sila, kung gayon, ano ang dapat mong gawin? Ang nararapat na pinakahigit na gawin ng mga lider at manggagawa ay hindi ang magtalakay ng mga hakbangin o solusyon kasama ang lahat, kundi sa halip, dapat nilang iulat ang isyu sa ang Itaas sa lalong madaling panahon. Dapat ibuod at itala ng mga lider at manggagawa ang mga problema sa gawain at agarang iulat ang mga ito sa ang Itaas nang hindi nagpapaliban, naghihintay, o nagkikimkim ng pag-iisip na umaasa sa suwerte, iniisip na baka ang isang gabi ng tulog ay maghahatid ng inspirasyon o biglaang kalinawan—isang bihirang kaganapan na malamang ay hindi mangyayari. Kaya, ang pinakamainam na solusyon ay ang agarang iulat sa ang Itaas ang isyu at humanap ng solusyon sa lalong madaling panahon, tinitiyak na ang isyu ay nalulutas kaagad at sa lalong madaling panahon; ito ay tunay na paggampan ng gawain.
Mga Kalituhan at Paghihirap na Madalas na Nararanasan ng mga Lider at Manggagawa sa Kanilang Gawain
I. Mga Kalituhan
Batay sa nilalaman na katatalakay pa lang natin, ibuod natin kung ano mismo ang ibig sabihin ng “mga kalituhan” at “mga paghihirap.” Hindi magkapareho ang dalawang ito. Una, ipapaliwanag Ko ang terminong “kalituhan.” Ang kalituhan ay kapag hindi mo makilatis ang isang usapin; hindi mo alam kung paano humusga o kumilatis nang naaayon sa mga prinsipyo o nang tumpak. Kahit na medyo nakikilatis mo ito, hindi ka sigurado kung tama ba ang iyong pananaw, hindi mo alam kung paano pangasiwaan o lutasin ang usapin, at mahirap para sa iyo na makabuo ng kongklusyon tungkol dito. Sa madaling salita, hindi ka nakakasiguro tungkol dito at hindi ka makapagdesisyon. Kung hindi mo nauunawaan kahit kaunti ang katotohanan at walang ibang nakakalutas ng problema, ito ay nagiging isang problemang hindi kayang lutasin. Hindi ba’t ito ay pagharap sa isang mahirap na hamon? Kapag nahaharap sa mga gayong problema, dapat na iulat ito sa ang Itaas ng mga lider at manggagawa at dapat silang maghanap mula sa ang Itaas upang mas mabilis na malutas ang mga isyu. Madalas ba kayong maharap sa mga kalituhan? (Oo.) Problema na mismo ang regular na pagkakaharap sa mga kalituhan. Sabihin nating nahaharap ka sa isang isyu at hindi mo alam ang tamang paraan para harapin ito. May isang tao na nagmumungkahi ng solusyon na sa tingin mo ay makatwiran, samantalang may isa pang tao na nagmumungkahi ng ibang solusyon na sa tingin mo ay makatwiran din, at kung hindi mo malinaw na makita kung alin ang mas angkop na solusyon, dahil iba-iba ang opinyon ng lahat at walang nakakaarok sa ugat o diwa ng problema, siguradong magkakaroon ng pagkakamali sa pagresolba ng isyu. Kaya, upang maresolba ang isang problema, napakahalaga at napakaimportante na matukoy ang ugat at diwa nito. Kung hindi mapagkilatis ang mga lider at manggagawa, kung hindi nila naaarok ang diwa ng problema, at hindi sila makabuo ng tamang kongklusyon, dapat agaran nilang iulat ang isyu sa ang Itaas at humingi ng solusyon; ito ay kinakailangan at hindi labis na reaksyon. Ang mga hindi nalutas na problema ay maaaring magdulot ng malulubhang kahihinatnan at makaaapekto sa gawain ng iglesia—dapat na lubos itong maunawaan. Kung puno ka ng pangamba, laging natatakot na baka makilatis ng ang Itaas ang tunay mong kakayahan, o na baka iayos nila ang iyong tungkulin o tanggalin ka kapag nakilatis nila na hindi mo kayang gumawa ng tunay na gawain, at kaya hindi ka naglalakas-loob na iulat ang isyu, madali itong makaaantala sa mga usapin. Kung nakakaranas ka ng mga kalituhan na hindi mo kayang lutasin nang mag-isa, pero hindi mo ito inuulat sa ang Itaas, kapag nagdulot ito ng malulubhang kahihinatnan at pananagutin ka ng ang Itaas, mahaharap ka sa malaking gulo. Hindi ba’t sarili mo lang ang dapat mong sisihin dito? Kapag naharap sa mga gayong kalituhan, kung ang mga lider at manggagawa ay hindi responsable at nagsasabi lang ng ilang doktrina at gumagamit ng ilang regulasyon para pabasta-bastang ayusin ang isyu, mananatiling hindi nalulutas ang isyu at walang pag-usad ang mga bagay-bagay, hindi nakakausad ang gawain. Ito mismo ang nangyayari kapag hindi nalulutas ang mga kalituhan; madali itong nagdudulot ng mga pagkaantala.
Kapag lumilitaw ang mga kalituhan, may ilang lider at manggagawa na nakakaramdam na may nangyaring problema, samantalang ang ibang lider at manggagawa naman ay hindi magawang tukuyin ang isyu—may lubhang mahinang kakayahan, manhid, at mapurol ang isip ng mga nasa pangalawang grupo; wala silang kakayahang makaramdam sa anumang problema. Kahit gaano kalaki ang kalituhang lumilitaw, ang ipinapakita nila ay pagiging manhid at mapurol ang isip; binabalewala nila ang isyu at sinusubukang iwasan ang problema—ito ay hindi pakikibahagi ng mga huwad na lider sa tunay na gawain. Iyong mga lider at manggagawa na may sapat na kakayahan at kapabilidad sa gawain ay nakakapagtanto kapag lumilitaw ang mga gayong sitwasyon: “Isa itong problema. Kailangan kong itala ito. Hindi pa kailanman binanggit ng ang Itaas ang ganitong uri ng isyu dati, at ito ang unang pagkakataon na maharap kami sa ganito, kaya ano nga ba mismo ang mga prinsipyo sa pangangasiwa sa ganitong uri ng sitwasyon? Paano dapat lutasin ang ganitong partikular na isyu? Para bang mayroon akong kutob pero hindi ito malinaw, at mayroon akong kaunting saloobin ukol sa gayong mga usapin, pero hindi sapat ang bastang may saloobin lang; mahalagang hanapin ang katotohanan para malutas ang problema. Kailangan nating ilabas ang usaping ito para mapagbahaginan at mapagtalakayan ng lahat.” Pagkatapos ng ilang panahon ng pagbabahaginan at talakayan, kung hindi pa rin nila alam kung paano magpatuloy, nang walang tumpak na plano ng pagsasagawa para lutasin ang isyu, at nagpapatuloy pa rin ang kalituhan, kung gayon, kailangan nilang maghanap ng solusyon mula sa ang Itaas. Sa puntong ito, responsabilidad ng mga lider at manggagawa na itala ang mga parteng nakakalito tungkol sa problema, upang pagdating ng panahon, malinaw nilang maipapaliwanag kung ano mismo ang problema sa kalituhan at kung ano mismo ang hinahanap. Ito ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa.
II. Mga Paghihirap
A. Ano ang mga Paghihirap
Sunod, tingnan natin ang terminong “mga paghihirap.” Mula sa literal na perspektiba, mas matindi ang mga paghihirap kaysa sa mga kalituhan. Kaya, ano ba mismo ang tinutukoy ng mga paghihirap? May makakapagpaliwanag ba? (Diyos, ang pagkaunawa namin ay na ang mga paghihirap ay ang mga aktuwal na problemang nararanasan, na kung saan sinubukan nang lutasin ng isa pero hindi pa rin ito malutas; ang mga ito ang itinuturing na mga paghihirap.) (Dagdag pa rito, minsan ay maaaring makaranas ang ilan ng mga napakahirap na problema na hindi pa nararanasan noon, kung saan ang lahat ay walang karanasan, lubusang nalilito, at walang mga opinyon o ideya—ang mga ito ay isang uri ng mga napakamapanghamong problema.) Ang mga napakamapanghamong problema ay tinatawag na mga paghihirap, tama ba? Ang pinakasimple, pinakadirektang paliwanag sa mga paghihirap ay na ang mga ito ay mga problemang aktuwal na umiiral. Halimbawa, ang kakayahan ng isang tao, mga propesyonal na kasanayan, pisikal na karamdaman, pati na ang mga isyung pangkapaligiran at pampanahon, at iba pa, ang mga aktuwal na umiiral na problemang ito ay tinatawag na mga paghihirap. Gayumpaman, ang ikawalong responsabilidad ng mga lider at manggagawa na pinagbabahaginan natin ngayon ay na dapat nilang agarang iulat at hanapin kung paano lutasin ang mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain. Ang mga paghihirap na tinutukoy rito ay hindi iyong mga malawakang tinutukoy na mga problemang aktuwal na umiiral, kundi mga partikular na masalimuot na isyung nararanasan sa gawain na hindi kayang pangasiwaan. Anong klaseng mga problema ang mga ito? Ang mga ito ay mga panlabas na usapin na hindi partikular na nauugnay sa mga katotohanang prinsipyo. Bagama’t hindi kaugnay sa mga katotohanang prinsipyo ang mga isyung ito, mas mahirap ang mga ito kaysa sa mga karaniwang problema. Paanong mas mahirap ang mga ito? Halimbawa, may kinalaman ang mga ito sa mga legal at pampamahalaang regulasyon, o nauukol sa seguridad ng ilang tao sa loob ng iglesia, at iba pa. Ang mga ito ay pawang mga paghihirap na nararanasan ng mga lider at manggagawa sa gawain nila. Halimbawa, sa pananampalataya sa Diyos sa ibang bansa, kahit saang bansa man manirahan ang isang tao, ang lahat ng gawain ng iglesia at mga sitwasyon ng pamumuhay ng mga kapatid ay kailangang sumunod sa mga regulasyon ng lokal na pamahalaan at nangangailangan ng pagkaunawa sa mga lokal na batas at patakaran. May kinalaman ang mga usaping ito sa pakikipag-ugnayan sa mundo sa labas at pakikitungo sa mga panlabas na usapin; medyo mas komplikado ang mga ito kumpara sa mga isyu ng mga tauhan sa loob ng iglesia. Saan matatagpuan ang pagiging komplikado nito? Hindi ito kasingsimple ng pagsasabi lang sa mga tao sa iglesia na magpasakop sa Diyos, maging masunurin, isagawa ang katotohanan, tapat na gampanan ang tungkulin, at unawain ang katotohanan at pangasiwaan ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo—ang pagsasabi lang ng mga bagay na ito ay hindi makakalutas sa mga problema. Sa halip, nangangailangan ito ng pag-unawa sa bawat aspekto ng mga batas, patakaran, at regulasyon ng bansa, at sa mga lokal na kaugalian at tradisyon, bukod sa iba pa. Maraming salik ang kaugnay sa mga panlabas na usaping ito, at karaniwang lumilitaw ang mga hindi inaasahang isyu o ang mga isyung mahirap tugunan gamit ang mga prinsipyo ng iglesia, at nabubuo ang mga paghihirap dahil sa paglitaw ng mga isyung ito. Halimbawa, sa loob ng iglesia, kung pabayang ginagampanan ng ilang tao ang mga tungkulin nila, maaaring lutasin ang mga isyung ito sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan, pagpupungos, o pagbibigay ng tulong at suporta. Pero sa panlabas, magagamit mo ba ang mga prinsipyo at pamamaraang ito para pangasiwaan ang mga usapin? Malulutas ba ng diskarteng ito ang gayong mga problema? (Hindi.) Ano ang dapat gawin kung gayon? Dapat na gumamit ng ilang matalinong pamamaraan para pangasiwaan at tugunan ang gayong mga isyu. Sa proseso ng pagharap sa mga panlabas na usaping ito, naglatag din ang sambahayan ng Diyos ng ilang prinsipyo, subalit, paano man ipinaliliwanag ang mga ito, madalas pa ring lumilitaw ang iba’t ibang uri ng mga paghihirap. Dahil ang mundong ito, ang lipunang ito, at ang sangkatauhang ito ay masyadong madilim at komplikado, at dahil sa panggugulo ng masasamang puwersa ng malaking pulang dragon, kapag hinaharap ang mga panlabas na usaping ito, magkakaroon ng ilang hindi inaasahan at karagdagang paghihirap. Kapag lumilitaw ang mga paghihirap na ito, kung bibigyan lang kayo ng isang simpleng prinsipyo, na nagsasabi, “Magpasakop lang sa mga pagsasaayos ng Diyos; pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat, huwag na lang pansinin ang problema,” malulutas ba nito ang isyu? (Hindi.) Kung hindi malulutas ang problema, ang mangyayari ay magugulo, maaabala, at masisira ang kapaligiran kung saan ginagampanan ng mga kapatid ang mga tungkulin nila, pati na rin ang kapaligirang tinitirhan nila. Hindi ba’t humahantong ito sa pag-usbong ng mga paghihirap? Ano ang dapat gawin kung gayon? Matutugunan ba ito sa pagiging mainitin ang ulo? Maliwanag na hindi. Sinasabi ng ilan, “Kung gayon, puwede ba natin itong lutasin sa legal na pamamaraan?” Maraming bagay ang hindi malulutas ng batas. Halimbawa, sa mga lugar kung saan nanghihimasok at nangingialam ang malaking pulang dragon, malulutas ba ng batas ang mga isyu? Walang anumang epekto ang batas doon. Sa maraming lugar, madalas na nahihigitan ng kapangyarihan ng tao ang batas, kaya huwag umasa na malulutas ang mga problema sa pagtitiwala sa batas. Hindi rin angkop ang paggamit ng pamamaraan ng tao o pagkamainitin ng ulo para lutasin ang mga ito. Ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa sa gayong mga sitwasyon? Kaya bang lutasin ng mga marunong lang maglitanya ng mga salita at doktrina ang mga problemang ito kapag lumitaw na? Hindi ba’t mga masalimuot na isyu ang mga ito? Sa tingin mo ba ay gagana ang pagkuha ng abogado at pagpunta sa korte para lutasin ang mga ito? Nauunawaan ba ng mga taong iyon ang katotohanan? Wala nang lugar sa mundo para sa pangangatwiran; maging ang mga hukom sa isang bansang mahigpit sa batas ay hindi palaging kumikilos ayon sa batas, pero sa halip, inaakma nila ang kanilang hatol batay sa kung sino ang sangkot, kaya’t nawawalan ng katarungan. Sa mundong ito, kahit saan man, umaasa ang mga tao sa puwersa, sa kapangyarihan, para palakasin ang pananalita nila. Kaya, sa ano tayo dapat umasa, bilang mga nananampalataya sa Diyos? Dapat nating tratuhin ang mga tao at pangasiwaan ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos, ayon sa katotohanan. Pero makakapagpatuloy ba nang maayos ang lahat para sa atin sa mundong ito kung aasa tayo sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan? Hindi, hindi ito makakapagpatuloy; kailangan nito ng karunungan. Samakatwid, kapag nahaharap ang mga lider at manggagawa sa gayong mga isyu, kung pakiramdam nila ay napakahalaga ng usaping ito at natatakot silang baka hindi nila ito mapangasiwaan nang tama, at sa gayon ay maghahatid ito ng problema sa sambahayan ng Diyos, na magdudulot ng mga hindi kanais-nais na epekto o kahihinatnan, ang gayong mga isyu ay mga paghihirap para sa kanila. Kapag nakakaranas ng mga paghihirap na hindi nila kayang lutasin, dapat nilang agarang iulat ang mga ito sa ang Itaas at maghanap sila ng mga angkop na pamamaraan para lutasin ang mga isyu; ito ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.