Tagalog Christian Music Video | "Dapat Maniwala ang mga Tao sa Diyos nang May Pusong May Takot sa Diyos"

Mayo 27, 2023

I

Kung mga tao'y walang pusong mapitagan,

at walang pusong masunurin,

susuwayin nila't aabalahin ang gawain ng Diyos.

'Di sila makagagawa para sa Diyos, para sa Diyos.

Kung tunay kang naniniwala sa Diyos,

dalhin Siya lagi sa puso mo,

pusong mapagpitagan at mapagmahal sa Diyos.

Dapat maniwala sa Diyos na may pusong takot sa Diyos.

II

Yaong naniniwala'y dapat maingat.

Ginagawa nila'y dapat makalulugod sa kalooban Niya.

'Di dapat matigas ang ulo, ginagawa'ng anumang gusto.

'Di iyan nababagay sa banal na kaangkupan, banal na kaangkupan.

Kung tunay kang naniniwala sa Diyos,

dalhin Siya lagi sa puso mo,

pusong mapagpitagan at mapagmahal sa Diyos.

Dapat maniwala sa Diyos na may pusong takot sa Diyos.

III

Kung tao'y naniniwala sa Diyos

ngunit 'di Siya sinusunod o pinagpipitagan,

sa halip ay nilalabanan,

ito'ng pinakamalaking kahihiyan sa nananalig.

Sila'y 'di dapat magwala,

'winawagayway ang bandila ng Diyos

habang nagyayabang at nanggagantso.

Ito'ng pinakasuwail na uri ng pag-uugali.

Mga pamilya'y may sariling panuntunan,

at may mga batas rin ang mga bansa,

ngunit mas lalo na sa tahanan ng Diyos.

Mga panuntuna'y mas mahigpit na may atas na sinusunod.

IV

Kahit tao'y malayang gawin ang gusto nila,

mga atas ng Diyos ay 'di mababago.

Diyos ay 'di nalalabag, pumapatay Siya ng tao.

Tao'y 'di ba talaga alam ang lahat ng ito, lahat ng ito?

Kung tunay kang naniniwala sa Diyos,

dalhin Siya lagi sa puso mo,

pusong mapagpitagan at mapagmahal sa Diyos.

Dapat maniwala sa Diyos na may pusong takot sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger