Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 105

Oktubre 2, 2021

Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban. Samakatuwid, ganap na hindi gagawa kailanman ang Diyos na nagkatawang-tao ng kahit anumang gawaing gumagambala sa sarili Niyang pamamahala. Ito ang dapat maunawaan ng lahat ng mga tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao, at para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Katulad nito, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas din ang tao, at alang-alang ito sa kalooban ng Diyos. Yamang nagkatawang-tao ang Diyos, napagtatanto Niya ang diwa Niya sa loob ng Kanyang katawang-tao, na sapat ang katawang-tao Niya upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinalitan ng gawain ni Cristo habang nasa panahon ng pagkakatawang-tao, at ang nasa kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Hindi ito maaaring maihalo sa gawain mula sa anumang ibang kapanahunan. At yamang nagiging katawang-tao ang Diyos, gumagawa Siya sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang dumarating Siya sa katawang-tao, tinatapos Niya sa gayon sa katawang-tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Espiritu ng Diyos man ito o si Cristo man ito, kapwa Sila ang Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

Ang Diwa ni Cristo ay Sumusunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

Ang diwa ni Cristo'y ang Espiritu, ang diwa na ito ay pagka-Diyos.

I

Ang diwa ni Cristo'y ang sa Diyos Mismo, na 'di gagambala sa sarili Niyang gawain. Wala Siyang gagawing anumang sisira sa alinman sa sarili Niyang gawain. 'Di Siya magsasalita kahit kailan ng labag sa Kanyang kalooban. Kaya nagkatawang-taong Diyos ay 'di gagawa ng ikahihinto ng Kanyang pamamahala. 'Di naghihimagsik ang Diyos; mabuti lamang ang diwa ng Diyos. Inihahayag Niya ang kagandahan, kabutihan, pag-ibig. Maging sa katawang-tao, Siya'y sumusunod sa Ama. Kahit maging kapalit ay buhay Niya, Siya ay palaging buong pusong nakahanda.

II

'Di nagmamatuwid sa sarili ang Diyos; wala Siyang panlilinlang o kayabangan. Gaano man kahirap ang gawain, kahina ang laman, 'di Niya gagambalain ang gawain ng Diyos. 'Di Niya tatalikdan ang kalooban ng Ama sa pamamagitan ng pagsuway. Mas gusto Niyang magdusa ng sakit ng laman kaysa sumuway sa kalooban ng Diyos Ama. Tao ay maaaring pumili, ngunit 'di kailanman 'yon gagawin ni Cristo. Kahit na Siya'y may pagkakakilanlan ng Diyos, hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Ama, ginagawa ang ipinagkatiwala ng Diyos sa Kanya sa laman. Ito'y isang bagay na 'di maabot ng tao.

III

Lahat ng tao bukod kay Cristo ay maaaring gumawa ng bagay na salungat sa Diyos. Walang direktang makapapasan ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; walang maaaring umako sa pamamahala ng Diyos bilang sariling tungkulin na gagampanan. Pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama, ito ang diwa ni Cristo. Subalit, ang pagiging masuwayin sa Diyos ay isang katangian ni Satanas. Kaya, ang dalawang bagay na ito'y magkasalungat. Sinumang may katangian ni Satanas ay 'di matatawag na Cristo. 'Di kailanman magagawa ng tao ang gawain ng Diyos, dahil ang tao ay walang diwa ng Diyos. Tao'y gumagawa para sa sariling interes at kinabukasan habang si Cristo'y ginagawa ang kalooban ng Kanyang Ama.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin