Tagalog Christian Music Video | "Pinupuno ng Pagdurusa ang mga Araw na Wala ang Diyos"
Mayo 13, 2023
I
'Pag isang tao'y 'di nakakaunawa sa kapalaran
o kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos,
'pag siya'y kusang-loob na nangangapa pasulong,
pasuray-suray sa hamog,
ang paglalakbay ay napakahirap gawin,
ang paglalakbay ay magpapadurog ng puso ng isang tao.
Pinupuno ng pagdurusa'ng mga araw na wala ang Diyos.
Kung tao'y tanggap ang soberanya ng Lumikha,
nagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos,
at hangad na magkamit ng tunay na buhay ng tao,
makakalaya siya sa kasawian,
makakalaya siya sa lahat ng pagdurusa,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay.
II
'Pag isang tao'y walang Diyos at 'di Siya nakikita,
'pag 'di nakikilala'ng kataas-taasang kapangyarihan Niya,
bawat araw ay miserable,
at walang halaga o kahulugan.
Nasa'n man o anumang gawain ng isang tao,
anumang kabuhayan at paghabol sa mga layunin,
'pag wala siyang Diyos, ito'y nagdadala
ng walang katapusang dalamhati't 'di-maibsang pagdurusa.
Pinupuno ng pagdurusa'ng mga araw na wala ang Diyos.
Kung tao'y tanggap ang soberanya ng Lumikha,
nagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos,
at hangad na magkamit ng tunay na buhay ng tao,
makakalaya siya sa kasawian,
makakalaya siya sa lahat ng pagdurusa,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay.
III
'Pag nakikilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos
sa kapalaran ng tao,
ang matatalino'y aalamin at tatanggapin ito,
at magpapaalam sa masasaklap na araw
nang sinubok nilang bumuo ng magandang buhay
sa sarili nilang kayod.
'Di na sila makikipagbuno sa kapalara't
'di na magpapatuloy sa kanilang mga layunin.
Pinupuno ng pagdurusa'ng mga araw na wala ang Diyos.
Kung tao'y tanggap ang soberanya ng Lumikha,
nagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos,
at hangad na magkamit ng tunay na buhay ng tao,
makakalaya siya sa kasawian,
makakalaya siya sa lahat ng pagdurusa,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay,
mawawaksi ang kahungkagan ng buhay.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video