Christian Dance | "Ang Trahedya ng Tiwaling Sangkatauhan" | Praise Song
Abril 25, 2025
I
Tinahak ng tao ang lahat ng iba't ibang panahong ito
sa pagsunod sa Diyos,
ngunit hindi niya alam na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan
sa kapalaran ng lahat ng bagay at buhay na nilalang,
ni kung paano pinamamatnugutan at ginagabayan ng Diyos ang lahat ng bagay.
Naging mailap ito sa tao sa kasalukuyan at maging sa tao noon pa man.
Tungkol sa kung bakit, hindi ito dahil masyadong nakatago ang mga gawa ng Diyos,
ni dahil hindi pa naisasakatuparan ang Kanyang plano,
kundi dahil napakalayo ng puso't espiritu ng tao sa Diyos,
hanggang sa puntong patuloy pa ring nagsisilbi ang tao kay Satanas
habang sumusunod siya sa Diyos—
at hindi pa rin niya alam iyon.
II
Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos,
at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagprotekta ng Diyos.
Sa halip, handa silang tanggapin ang pangwawasak ni Satanas at ng mga diyablo
upang umangkop sa mundong ito,
at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhang ito.
Sa puntong ito, ang puso at espiritu ng tao
ay naging handog na inaalay ng tao kay Satanas
at naging pagkain ni Satanas.
Higit pa rito, ang puso at espiritu ng tao
ay naging lugar na kung saan si Satanas ay naninirahan,
naging karapat-dapat na palaruan din ni Satanas ito.
III
Hindi alam ng tao na nawawala
ang kanyang pagkaunawa sa mga prinsipyo ng pag-asal ng tao,
at sa halaga at kahulugan ng pag-iral ng tao.
Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao
ay unti-unting lumalabo sa puso ng tao,
at tumitigil siya sa paghahanap o pagbibigay-pansin sa Diyos.
Sa paglipas ng panahon,
hindi na nauunawaan ng tao ang kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa kanya,
ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos
at lahat ng nagmumula sa Diyos.
Sa gayo'y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at ordinansa ng Diyos,
at nagiging manhid ang kanyang puso at espiritu….
Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha sa simula,
at nawawala sa tao ang ugat na orihinal niyang taglay:
Ito ang trahedya ng sangkatauhang ito.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video