
Christian Dance | "Awit ng Matamis na Pag-ibig" | Praise Song
Marso 12, 2025
I
O Diyos! Nakatago ang Iyong pagmamahal sa aking puso,
inaakay ako upang matamis na mapalapit sa Iyo.
Sa pagiging mapagsaalang-alang sa Iyong mga layunin,
mas tumatamis ang aking puso;
pinaglilingkuran Kita nang buo kong puso at pag-iisip.
Inaakay ng Iyong mga salita ang aking puso,
at mahigpit Kang sinusundan ng aking mapagmahal na mga hakbang.
Kikilos ako ayon sa Iyong mga layunin,
ang matugunan ang Iyong mga layunin ay nagpapasaya sa akin.
Ngayon nabubuhay ako sa ibang mundo, Ikaw at ako lang ang magkasama.
Mahal Mo ako, mahal Kita,
walang hadlang o distansiya sa pagitan nating dalawa,
walang hinagpis o pag-aalala, walang ala-ala ng pasakit.
II
Taos-puso Kitang minamahal, walang distansiya sa pagitan nating dalawa;
parehong panatag ang puso Mo at ang puso ko.
Nauunawaan ko ang Iyong mga layunin at ganap akong nagpapasakop sa Iyo,
ninanais kong hindi ako kailanman maghihimagsik laban sa Iyo nang kahit kaunti.
Mas mamumuhay pa ako sa Iyong harapan,
at hindi ako kailanman mawawalay sa Iyo.
Tahimik kong pinagninilayan ang Iyong mga salita,
pinahahalagahan ko kung sino Ka at kung anong mayroon Ka.
Nililinis ng Iyong mga salita ang aking katiwalian,
at napupuno ng mga ito ang aking puso.
O, Makapangyarihang Diyos, mahal Kita.
Naging buhay ko na ang Iyong mga salita.
Napakapalad ko na mailigtas Mo,
at mamahalin Kita at magpapatotoo ako sa Iyo magpakailanman.
Allelu-Allelujah! Allelu-Allelujah! Allelu-Allelujah! Purihin ang Diyos.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video