Tagalog Christian Song | "Yaong mga Nagpipitagan sa Diyos ay Pinupuri ang Diyos sa Lahat ng Bagay"

Nobyembre 15, 2023

I

Kahit 'di pa nakita o narinig ni Job ang Diyos,

Siya'y may lugar sa puso ni Job.

Saloobin niya sa Diyos ay "purihin ang pangalan ni Jehova."

Pangalan Niya'y binasbasan ni Job nang walang kondisyon,

kahit anong konteksto, at walang dahilan.

Binigay na ni Job puso niya sa Diyos,

sarili'y 'sinusuko sa Kanyang kontrol;

isipan niya, desisyo't plano ng puso'y

'inilatag sa Diyos at 'di 'sinarado.

Puso niya'y 'di sumalungat sa Diyos,

at 'di nanghingi sa Diyos na gumawa o bigyan ng anuman,

at 'di nagkimkim ng labis na hangarin

na may makakamit siya sa pagsamba sa Diyos.

Si Job ay 'di nakipagpalitan,

at 'di humiling o humingi sa Kanya.

Pinuri 'ngalan ng Diyos

dahil sa dakilang kapangyariha't awtoridad Niya

sa pamumuno sa lahat, pamumuno sa lahat;

pagpuri ni Job ay 'di nakadepende

sa pagkamit ng biyaya o pagharap sa sakuna.

II

Naniwala si Job na pinagpapala man ng Diyos ang tao

o dala'y sakuna sa kanila,

kapangyariha't awtoridad Niya'y 'di magbabago;

anuman ang pangyayari,

pangalan Niya'y dapat purihin.

Ang katunayang tao'y pinagpala'y

dahil sa soberanya Niya,

at 'pag sakuna'y sapitin, gayon din,

ito'y dahil sa soberanya Niya.

Kapangyariha't awtoridad Niya

ay namumuno ng lahat sa tao;

'pinapakita 'to sa nagbabagong kapalaran ng tao.

Anuman ang pananaw, pangalan Niya'y dapat purihin.

Ito ang dinanas ni Job

at nalaman sa mga taon ng buhay niya.

Isipa't kilos ni Job ay umabot sa tainga't mata ng Diyos,

at 'tinuring na mahalaga sa Kanya.

Itinangi ng Diyos ang kaalamang taglay ng taong ito,

at pinahalagahan siya sa pagkakaroon ng gayong puso.

Puso ni Job naghintay lagi sa utos Niya.

'Di alintana ang oras o lugar,

tinanggap niya ang lahat ng bagay na dumating.

Wala siyang hiningi sa Diyos.

Hiningi niya sa sarili na maghintay, tumanggap, harapin, at sundin

bawat kaayusan na galing sa Diyos.

Naniwala si Job na ito'y tungkulin niya, kung ano mismo ang nais ng Diyos.

Si Job ay 'di nakipagpalitan,

at 'di humiling o humingi sa Kanya.

Pinuri 'ngalan ng Diyos

dahil sa dakilang kapangyariha't awtoridad Niya

sa pamumuno sa lahat, pamumuno sa lahat;

pagpuri ni Job ay 'di nakadepende

sa pagkamit ng biyaya o pagharap sa sakuna.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin