Tagalog Testimony Video | "Siyam na Araw at Gabi sa Interrogation Room"
Nobyembre 27, 2021
Inaresto ng mga pulis ng Partido Komunista ng Tsina ang bida habang siya ay nagbabahagi ng ebanghelyo. Sinubukan na puwersahin siyang ipagkanulo ang Diyos, inenterogate siya ng mga pulis sa loob ng siyam na araw at gabi, nagsasalitan sa walang tigil na pagpapahirap sa kanya. Hindi nila siya pinayagang matulog; ipinosas nila ang kanyang mga kamay at paa sa isang upuang bakal, at pinatayo siya nang naka-squat nang may mabigat na upuan sa kanyang likod. Pinaso rin nila siya gamit ang ilang kaldero ng mainit na tubig sa pamamagitan ng paulit-ulit na paglalagay ng paper cup na puno ng kakukulo pa lang na tubig sa kanyang ulo, at pinasiritan ng katas ng balat ng kahel ang kanyang mga mata. Nagsalitan sila sa pagpapahirap sa kanya araw at gabi, iniwan siyang nanghina at nawalan ng ulirat. Ngunit binigyan siya ng pananalig at lakas ng mga salita ng Diyos, ginabayan siya na mapagtagumpayan ang kalupitan ng mga demonyong iyon at tumayong saksi para sa Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video