Tagalog Testimony Video | "Labis Akong Pininsala ng Aking Tiwaling Disposisyon"
Agosto 26, 2021
Sa isang pag-eensayo para sa isang palabas ng sayaw sa simbahan, nakapapagod talaga para sa bida ang sayawin ito nang mabuti dahil isa itong bagong istilo ng pagsasayaw. Kapag napapansin niya na ang ibang brother at sister ay nagiging pagaling nang pagaling, labis siyang ninenerbiyos at nagsisimulang lalo pang pagsikapan ang pagsasanay. Gayunman, dumaan ang ilang panahon at wala pa rin siyang halatang pag-unlad. Nakakahiya ito para sa kanya, kaya naging negatibo siya at nalungkot at ni walang motibasyon para magsanay. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagmumuni-muni sa sarili at paghahanap sa mga salita ng Diyos, nalaman niya na ang hindi pagharap nang maigi sa kanyang mga pagkukulang ay isang paghahayag ng kayabangan—isang tiwaling satanikong disposisyon. At napagtanto niya na mali ang kanyang paghahangad na umangat mula sa karamihan at naunawaan din niya kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao. Kaya't binitiwan niya ang kanyang pagmamalaki at ibinuhos ang lahat ng kanyang makakaya sa pagsasanay, at sa paggawa nito, lubhang malaya at hindi nababahala ang pakiramdam niya.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video