Tagalog Christian Music Video | "Habang Lalo Mong Pinalulugod ang Diyos, Lalo Kang Pagpapalain"
Nobyembre 3, 2023
'Pag mas pinalulugod mo'ng Diyos,
mas pagpapalain ka.
Mas magiging sabik kang mahalin Siya;
magkakaro'n ka ng pananalig at paninindigan.
Makikita mong walang mas mahalaga
kaysa sa buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos.
Oh, walang mas makabuluhan
kaysa sa buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos.
I
Kung mahal mo'ng Diyos, 'di ka malulungkot.
Maaari kang magkaproblema't manghina,
ngunit kung umaasa ka sa Kanya,
sa loob ng espiritu mo'y aaliwin ka't
makakamit mo'ng katiyakan,
may bagay na maaasahan.
Tapos, madaraig mo ang maraming bagay,
'di ka magrereklamo sa mga pagdurusa mo.
Nais mong magdasal, sumayaw at umawit,
makipagniig, manabik sa Diyos.
Madarama mo na ang mga isinasaayos ng Diyos
sa buhay ay angkop sa'yo.
'Pag mas pinalulugod mo'ng Diyos,
mas pagpapalain ka.
Mas magiging sabik kang mahalin Siya;
magkakaro'n ka ng pananalig at paninindigan.
Makikita mong walang mas mahalaga
kaysa sa buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos.
Oh, walang mas makabuluhan
kaysa sa buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos.
II
'Pag wala kang pag-ibig sa Diyos,
lahat ng bagay ay tila ba abala sa'yo't
walang makalulugod sa puso mo,
magiging 'di ka malaya sa espiritu.
Lagi kang magrereklamo sa Kanya,
mararamdamang 'di makatarungan
ang 'yong pasakit.
Kung 'di mo hinahangad
para sa kapakanan ng iyong sariling kasiyahan,
kundi nagsisikap na mapalugod ang Diyos
at 'di maaakusahan ni Satanas,
magiging matindi ang lakas mo,
titindi ang lakas mong mahalin ang Diyos.
Magagawa mo'ng lahat ng sinasabi ng Diyos.
Ginagawa mo'y magpapalugod sa Kanya.
Magagawa mo ang lahat ng ito.
Magagawa mo'ng lahat ng sinasabi ng Diyos.
Ginagawa mo'y magpapalugod sa Kanya.
Ito'ng ibig sabihin ng magtaglay ng realidad.
'Pag mas pinalulugod mo'ng Diyos,
mas pagpapalain ka.
Mas magiging sabik kang mahalin Siya;
magkakaro'n ka ng pananalig at paninindigan.
Makikita mong walang mas mahalaga
kaysa sa buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos.
Oh, walang mas makabuluhan
kaysa sa buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video