Christian Music | "Ang Paghihimagsik ng Tao Ang Pumupukaw sa Galit ng Diyos"

Hunyo 12, 2020

Kapag niyayanig ng Kanyang poot ang mga bundok at ilog,

hindi na tutulungan ng Diyos ang duwag na tao.

Sa galit, di Niya sila pagsisisihin,

di na Siya aasa, parurusahan Niya sila.

Kulog dadagundong, parang galit na alon,

parang gumuguhong kabundukan.

Dahil tao'y nagrerebelde, sila'y mamamatay.

Lahat ng nilikha, ay lilipulin ng kulog at kidlat.

Ang sansinukob ay biglang mahuhulog sa kaguluhan,

nilikha'y di mababawi pinagmulang hininga ng buhay.

Ang tao ay hindi makakatakas sa dagundong ng kulog;

sa kalagitnaan ng kidlat,

ang kawan ng tao ay mabubuwal sa batis, tatangayin ng malakas na agos,

bubuhos mula sa kabundukan.

At agad-agad, sa hantungan ay

may daigdig ng tao,

inaanod na mga bangkay sa dagat.

Buong sangkatauhan ay lalayo sa Diyos dahil sa Kanyang galit.

Dahil tao'y nagkasala na laban sa diwa ng Espiritu N'ya,

nagalit ang Diyos sa paghihimagsik ng tao.

Inaanod na mga bangkay sa dagat.

Buong sangkatauhan ay lalayo sa Diyos dahil sa Kanyang galit.

Dahil tao'y nagkasala na laban sa diwa ng Espiritu N'ya,

nagalit ang Diyos sa paghihimagsik ng tao.

Nguni't sa ligtas na lupain,

ibang mga tao ay nag-aawitan sa gitna ng kasiyahan at awitan,

tinatamasa ang mga pangakong tinupad ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin