Tagalog Christian Music Video | "Isang Pusong Tapat sa Diyos"

Pebrero 23, 2023

I

O Diyos, wala mang halaga ang buhay ko,

sa Iyo lamang nais na ilaan ito.

Mga tao'y 'di man karapat-dapat magmahal sa Iyo,

puso't pag-ibig man nila'y walang halaga,

magandang hangarin nila'y batid Mo.

Hindi man katanggap-tanggap laman ng mga tao,

nawa ay tanggapin ang puso kong ito.

Mas hamak pa ako sa alikabok,

walang magagawa kundi ilaan ang puso kong tapat

sa Iyo, o Diyos, sa Iyo.

II

O Diyos, wala mang halaga ang buhay ko,

ilalaan ang buong puso ko sa Iyo.

Wala mang magawa na anuman para sa Iyo,

aking iuukol buong sarili upang Ika'y malugod.

Alam kong tanaw Mo itong puso ko.

Walang ibang hiling, iniisip isang hangarin,

Ika'y mahalin, nawa ito ay tanggapin.

Mas hamak pa ako sa alikabok,

walang magagawa kundi ilaan ang puso kong tapat

sa Iyo, o Diyos, sa Iyo.

III

O Diyos, wala mang halaga ang buhay ko,

sa Iyo lamang nais na ilaan ito.

Kapiling man, Ika'y 'di kilala.

Pinakamalaking utang ko na kailanma'y hindi Ka minahal.

Sa likuran Mo'y 'di angkop ang sinasabi—

mga salita, o Diyos, na 'di dapat binitawan.

Dahil dito'y dama'ng utang sa Iyo magpakailanman.

Mas hamak pa ako sa alikabok,

walang magagawa kundi ilaan ang puso kong tapat

sa Iyo, o Diyos, sa Iyo.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger