Tagalog Testimony Video | "Mahabang mga Taon sa Bilangguan"

Disyembre 22, 2021

Dalawampu't isang taong gulang lang ang bida nang siya at ang isa pang kapatid ay ilegal na ikinulong ng mga pulis ng Partido Komunista ng Tsina habang nagbabahagi ng ebanghelyo. Nasentensyahan siya ng apat na taon sa bilangguan. Sinubukan siyang pilitin ng mga guwardiya sa bilangguan na magsulat ng tatlong salaysay na nagtataksil sa Diyos, at nagsaayos ng mga preso para bente-kwatro oras siyang bantayan nang maiigi kada araw. Sinubukan nilang i-brainwash siya, inabuso at pinahirapan nila siya, at binigyan ng dagdag na gawain. Dalawang beses siyang ipiniit sa isang "cubicle," isang napakaliit na isolation unit, iginapos siya sa isang matigas na bangko sa loob ng mahabang oras, at madalas siyang hindi pinapakain. Pinagdusahan niya ang lahat ng paraan ng pang-iinsulto at pagpapahirap sa bilangguan, pero ang mga salita ng Diyos ang gumabay sa kanya sa matitinding buwan at taong ito. Sa huli, siya'y tumayong saksi para sa Diyos.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin