Christian Dance | "Ang Buhay ng Lahat ng Nilalang ay Nagmumula sa Diyos" | Praise Song | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 17, 2026

I

Ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay walang katapusan, hindi nakagapos sa pagkapisikal, sa panahon, o sa espasyo. Ganoon ang misteryo ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, at patunay na ang buhay ay nagmula sa Kanya. Bagama't marami ang hindi naniniwala na ang buhay ng tao ay nagmula sa Diyos, hindi maiiwasang tinatamasa ng tao ang lahat ng nagmumula sa Diyos, pinaniniwalaan man niya o itinatatwa ang pag-iral ng Diyos. Kung sakaling dumating ang araw na biglang magbago ang isipan ng Diyos at naisin Niyang bawiin ang lahat ng umiiral sa mundo at ang buhay na ibinigay Niya, mawawala na ang lahat.

II

Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para tustusan ang lahat ng bagay, kapwa buhay at walang buhay, na dinadala ang lahat sa magandang kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay isang katunayan na walang makakaisip o makakaarok, at ang mga di-maarok na katunayang ito ang mismong pagpapamalas at testamento ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayon, may sasabihin Ako sa iyo na isang lihim: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay di-maarok ng sinumang nilikha. Gayon ito ngayon, tulad noon, at magkakagayon ito sa darating na panahon.

III

Ang pangalawang lihim na ihahayag Ko ay ito: Ang pinagmulan ng buhay ng lahat ng nilalang ay ang Diyos; gaano man ang kanilang pagkakaiba sa anyo o kayarian ng buhay, at anumang uri ka ng buhay na nilalang, walang nilalang ang maaaring sumalungat sa landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang kaso, ang nais Ko lang ay maunawaan ito ng tao: Kung walang pangangalaga, proteksiyon, at panustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, gaano man siya kasigasig na sumusubok o kahirap na nakikibaka. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ang tao ng kahalagahan ng pamumuhay at ng kabuluhan ng buhay.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin