Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 201

Nobyembre 19, 2020

Ang gawain ng mga huling araw ay lumalabag sa lahat ng panuntunan, at isumpa ka man o parusahan, basta’t tumutulong ka sa Aking gawain at may pakinabang sa gawain ng panlulupig ngayon, at inapo ka man ni Moab o supling ng malaking pulang dragon, basta’t nagagampanan mo ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos sa yugtong ito ng gawain at ginagawa mo ang lahat na kaya mo, makakamit ang hangad na epekto. Ikaw ang supling ng malaking pulang dragon, at ikaw ay isang inapo ni Moab; sa kabuuan, lahat ng may laman at dugo ay mga nilalang ng Diyos, at nilikha ng Lumikha. Ikaw ay isang nilalang ng Diyos, hindi ka dapat magkaroon ng anumang pagpipilian, at ito ang iyong tungkulin. Mangyari pa, ngayon ay nakatuon ang gawain ng Lumikha sa buong sansinukob. Kanino ka man nagmula, higit sa lahat ay isa ka sa mga nilalang ng Diyos, kayo—mga inapo ni Moab—ay bahagi ng mga nilalang ng Diyos, na ang tanging kaibhan ay na mas mababa ang inyong kahalagahan. Yamang, ngayon, ang gawain ng Diyos ay isinasagawa sa lahat ng nilalang at nakatuon sa buong sansinukob, malaya ang Lumikha na pumili ng sinumang mga tao, usapin, o bagay upang gawin ang Kanyang gawain. Wala Siyang pakialam kung kanino ka nagmula dati; basta’t isa ka sa Kanyang mga nilalang, at basta’t kapaki-pakinabang ka sa Kanyang gawain—ang gawain ng panlulupig at patotoo—isasagawa Niya ang Kanyang gawain sa iyo nang walang pag-aalinlangan. Sinisira nito ang tradisyonal na mga pagkaintindi ng mga tao, na ang Diyos ay hindi gagawa kailanman sa mga Gentil, lalo na roon sa mga naisumpa at aba; para sa mga taong naisumpa, lahat ng henerasyon sa hinaharap na nagmumula sa kanila ay isusumpa rin magpakailanman, at hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataong maligtas; hindi kailanman bababa ang Diyos at gagawa sa lupain ng Gentil, at hindi kailanman tatapak sa lupain ng karumihan, sapagkat Siya ay banal. Lahat ng pagkaintinding ito ay sinira na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Dapat ninyong malaman na ang Diyos ang Diyos ng lahat ng nilalang, hawak Niya ang kapamahalaan sa kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at hindi lamang Diyos ng mga tao ng Israel. Sa gayon, napakahalaga ng gawaing ito sa Tsina, at hindi ba ito lalaganap sa lahat ng bansa? Ang malaking patotoo sa hinaharap ay hindi magiging limitado sa Tsina; kung kayo lamang ang nilupig ng Diyos, maaari bang makumbinsi ang mga demonyo? Hindi nila nauunawaan ang malupig, o ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kapag namasdan ng mga taong hinirang ng Diyos sa buong sansinukob ang huling mga epekto ng gawaing ito, saka lamang malulupig ang lahat ng nilalang. Wala nang mas paurong o tiwali kaysa sa mga inapo ni Moab. Kung malulupig ang mga taong ito—sila na napakatiwali, na hindi kinilala ang Diyos o naniwala na may isang Diyos ay nalupig na, at kinikilala ang Diyos sa kanilang bibig, pinupuri Siya, at nagagawa Siyang mahalin—saka lamang ito magiging patotoo tungkol sa panlulupig. Bagama’t hindi kayo si Pedro, isinasabuhay ninyo ang imahe ni Pedro, nagagawa ninyong taglayin ang patotoo ni Pedro, at ni Job, at ito ang pinakadakilang patotoo. Sa huli sasabihin mo: “Hindi kami mga Israelita, kundi pinabayaang mga inapo ni Moab, hindi kami si Pedro, na ang kakayahan ay hindi namin kaya, ni hindi kami si Job, at ni hindi kami maikukumpara sa matibay na pagpapasiya ni Pablo na magdusa para sa Diyos at ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, at masyado kaming paurong, at sa gayon, hindi kami karapat-dapat na magtamasa ng mga pagpapala ng Diyos. Itinaas pa rin kami ng Diyos ngayon; kaya kailangan naming palugurin ang Diyos, at bagama’t hindi sapat ang aming kakayahan o mga katangian, handa kaming palugurin ang Diyos—ito ang aming matibay na pasiya. Kami ay mga inapo ni Moab, at kami ay isinumpa. Iniutos ito ng Diyos, at hindi namin kayang baguhin ito, ngunit maaaring magbago ang aming pagsasabuhay at aming kaalaman, at matibay ang aming pasiya na palugurin ang Diyos.” Kapag mayroon ka ng matibay na pagpapasiyang ito, magpapatunay ito na nagpatotoo ka na nalupig ka na.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 2

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger