Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 192

Hulyo 12, 2020

Bihira sa mga tao ang nakakaunawa sa nagpupumilit na puso ng Diyos dahil masyadong mababa ang kakayahan ng mga tao at ang kanilang pandamang espirituwal ay talagang mapurol, at dahil lahat sila ay hindi nakakapansin ni umiintindi kung ano ang ginagawa ng Diyos. Kaya patuloy na nag-aalala ang Diyos sa tao, na parang ang malupit na kalikasan ng tao ay maaaring kumawala anumang sandali. Ito ay higit pang nagpapakita na ang pagdating ng Diyos sa lupa ay may kasamang malalaking mga tukso. Nguni’t para sa kapakanan ng pagkumpleto sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos, puno ng kaluwalhatian, ay nagsabi sa tao ng Kanyang bawa’t layunin, walang itinatago. Matatag Siyang nagpasya na kumpletuhin ang grupong ito ng mga tao. Samakatuwid, dumating man ang paghihirap o tukso, tumitingin Siya nang paláyô at hindi pinapansin ang lahat ng ito. Tahimik lamang Niyang ginagawa ang Kanyang sariling gawain, matatag na naniniwala na isang araw kapag nakamit na ng Diyos ang kaluwalhatian, makikilala ng tao ang Diyos, at naniniwalang kapag nakumpleto na ng Diyos ang tao, lubos niyang mauunawaan ang puso ng Diyos. Sa ngayon maaaring may mga tao na tinutukso ang Diyos o hindi nauunawaan ang Diyos o sinisisi ang Diyos; walang isinasapuso ang Diyos sa mga iyon. Kapag bumaba ang Diyos sa kaluwalhatian, mauunawaan ng lahat ng mga tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay para sa kagalingan ng sangkatauhan, at mauunawaan ng lahat ng mga tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay upang mas mahusay na mabuhay ang sangkatauhan. Ang pagdating ng Diyos ay may kasamang mga tukso, at dumarating din ang Diyos na may kamahalan at poot. Sa panahong iniwan na ng Diyos ang tao, nagkamit na Siya ng kaluwalhatian, at aalis Siya na punung-puno ng kaluwalhatian at may kagalakan ng pagbabalik. Ang Diyos na gumagawa sa lupa ay hindi isinasapuso ang mga bagay-bagay gaano man Siya tanggihan ng mga tao. Ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain. Ang paglikha ng Diyos sa mundo ay nagmula libu-libong taon na ang nakararaan, naparito Siya sa lupa upang gawin ang hindi masukat na dami ng mga gawain, at ganap Niyang naranasan ang pagtanggi at paninirang-puri ng pantaong mundo. Walang sinuman ang sumasalubong sa pagdating ng Diyos; tinitingnan lamang Siya ng lahat nang may malamig na mata. Sa paglipas ng katumbas nitong ilang libong taóng mga paghihirap, matagal nang panahon na winasak ng pag-uugali ng tao ang puso ng Diyos. Hindi na Niya pinapansin ang paghihimagsik ng mga tao, bagkus ay gumagawa ng isang hiwalay na plano upang mapanibagong-anyo at linisin ang tao. Ang pang-uuyam, ang paninirang-puri, ang pag-uusig, ang kapighatian, ang paghihirap ng pagpapapako sa krus, ang pagbubukod ng tao, at iba pa na naranasan ng Diyos sa laman—nakalasap nang husto ang Diyos ng mga ito. Lubusang nagdusa sa mga paghihirap ng mundo ng tao ang Diyos sa laman. Matagal na panahon na ang nakalipas na ang gayong tanawin ay hindi matiis ng Espiritu ng Diyos Ama at sumandig na lamang at ipinikit ang Kanyang mga mata, naghihintay sa pagbabalik ng Kanyang minamahal na Anak. Ang tanging ninanais Niya ay makinig at sumunod ang lahat ng tao, na makaramdam ng malaking kahihiyan sa harap ng Kanyang katawang-tao, at hindi maghimagsik laban sa Kanya. Ang tanging ninanais Niya ay na ang mga tao ay maniwala na ang Diyos ay umiiral. Matagal na Siyang tumigil sa paghingi ng mas malaking mga kinakailangan sa tao sapagka’t masyadong mataas na halaga ang naibayad ng Diyos, datapwa’t hindi iyon gaanong pinahahalagahan ng tao, hindi man lamang isinasapuso ang gawain ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 4

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger