Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 183

Agosto 5, 2020

Si Jesus ay nasa lupa sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, Siya ay naparito upang isagawa ang pagpapako sa krus, at sa pamamagitan ng pagpapako sa krus nakamit ng Diyos ang isang bahagi ng kaluwalhatian. Nang ang Diyos ay nagkatawang-tao Siya ay maaaring maging mapagpakumbaba at nakatago, at maaaring magtiis sa malubhang kahirapan. Kahit Siya ay ang Diyos Mismo, tiniis Niya pa rin ang bawat kahihiyan, at ang bawat panglalait, at tiniis Niya ang malubhang kadalamhatian sa pagkapako sa krus upang makumpleto ang gawain ng pagtutubos. Matapos na ang yugtong ito ng gawa ay mawakasan, bagaman nakita ng mga tao na nakamit ng Diyos ang dakilang kaluwalhatian, hindi ito ang siyang kabuuan ng Kanyang kaluwalhatian; ito ay isang bahagi lamang ng Kanyang kaluwalhatian, na Kanyang nakamit mula kay Jesus. Bagaman nagawang tiisin ni Jesus ang bawat hirap, na maging mapagpakumbaba at nakatago, na maipako sa krus para sa Diyos, natamo lamang ng Diyos ang isang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, at ang Kanyang kaluwalhatian ay nakamit sa Israel. Ang Diyos ay may isa pang bahagi ng kaluwalhatian: pagparito sa lupa upang aktwal na magtrabaho at gawaing perpekto ang grupo ng mga tao. Sa yugto ng gawa ni Jesus, lumikha Siya ng ilang mga hindi maunawaang bagay, ngunit ang yugto ng trabahong iyon ay hindi lamang upang maisagawa ang mga tanda at mga kababalaghan. Iyon ay upang ipakita na si Jesus ay maaaring magdusa, at ipako sa krus para sa Diyos, na si Jesus ay handang magdusa nang napakasakit dahil mahal Niya ang Diyos, at bagaman inabandona Siya ng Diyos, Siya ay handa pa ring isakripisyo ang Kanyang buhay para sa kalooban ng Diyos. Matapos maisakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawa sa Israel at si Jesus ay ipinako sa krus, ang Diyos ay naluwalhati, at ang Diyos ay nagpatotoo sa harap ni Satanas. Ni hindi ninyo alam o nakita kung paanong nag-anyong tao ang Diyos sa Tsina, kaya’t paano ninyo makikita na ang Diyos ay naluwalhati? Kapag ang Diyos ay nagsagawa ng maraming gawain ng paglulupig sa inyo, at kayo ay matuwid na nanindigan, sa gayon ang gawang ito ng Diyos ay matagumpay, at ito ay bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos. Ito lamang ang nakikita ninyo, at kailangan muna kayong gawing perpekto ng Diyos, kailangan ganap ninyong ibigay ang inyong puso sa Diyos. Kailangan muna ninyong makita ang kabuuan ng kaluwalhatiang ito; inyo lamang nakikita na nilupig na ng Diyos ang inyong puso, na hindi ninyo Siya kailan man maaaring talikdan, at susundin ang Diyos hanggang sa katapusan at hindi magbabago ang inyong puso. Kaya’t yan ang kaluwalhatian ng Diyos. Saan mo nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos? Sa mga epekto ng Kanyang mga gawa sa mga tao. Nakikita ng mga tao na ang Diyos ay kaibig-ibig, ang Diyos na nasa kanilang mga puso, at ayaw nilang iwan Siya, at ito ang kaluwalhatian ng Diyos. Kapag umangat ang lakas ng mga kapatid sa simbahan, at magawa nilang mahalin ang Diyos mula sa kanilang puso, makita ang kataas-taasang kapangyarihan ng gawa ng Diyos, ang hindi mapantayang lakas ng Kanyang mga salita, kapag nakita nila na ang Kanyang mga salita ay may dalang awtoridad at maaari Niyang ipatupad ang Kanyang gawa sa abandonadong bayan sa pangunahing bahagi ng Tsina, kapag, kahit na mahina ang mga tao, ang kanilang mga puso ay yuyukod sa harapan ng Diyos at ang mga ito ay handang tanggapin ang mga salita ng Diyos, at kung kailan, bagama’t sila ay mahina at hindi karapat-dapat, nakikita nila na ang mga salita ng Diyos ay kaibig-ibig, at karapat-dapat ng kanilang pagmamahal, sa gayon ito ay ang kaluwalhatian ng Diyos. Kapag ang araw ay dumating kung saan ang mga tao ay ginawang perpekto ng Diyos, at nagawang sumuko sa harap Niya, at ganap na sumunod sa Diyos, at iniwanan ang kanilang mga pag-aasam at kapalaran sa mga kamay ng Diyos, sa gayon ang ikalawang bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos ay ganap na natamo. Na ang ibig sabihin, kapag ang gawa ng praktikal na Diyos ay ganap na nakumpleto, ang Kanyang gawa sa lungsod ng Tsina ay darating sa pagtatapos; sa ibang salita, kapag ang mga naitakda at pinili ng Diyos ay ganap nang perpekto, ang Diyos ay paluluwalhatian. Sinabi ng Diyos na dinala Niya ang ikalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian sa Silangan, gayon pa man ito ay hindi nakikita ng mata. Dinala ng Diyos ang Kanyang gawain sa Silangan: Siya ay dumating na sa Silangan, at ito ay kaluwalhatian ng Diyos. Ngayon, kahit na ang Kanyang gawain ay malapit nang makumpleto, dahil nagpasya ang Diyos na ito ay mangyari, ito ay tumpak na maisasakatuparan. Nagpasya ang Diyos na kukumpletuhin Niya ang gawa na ito sa Tsina, at Siya ay nagpasiya na kayo ay gawing perpekto. Kaya’t wala Siyang binibigay sa iyong daan palabas—Kanya nang nalupig ang iyong puso, at kailangan mong pumunta maging nais mo man o hindi, at kapag kayo ay nakamit ng Diyos, ang Diyos ay maluluwalhati. Ngayon, ang Diyos ay kailangan pang ganap na maluwalhati, dahil ikaw ay gagawin pang perpekto, at bagaman ang inyong mga puso ay bumalik sa Diyos, mayroon pa ring mga kahinaan sa iyong laman, hindi mo kayang bigyang kasiyahan ang Diyos, hindi mo kayang mabigyang-pansin ang kalooban ng Diyos, at marami pang mga negatibong bagay na dapat alisin mula sa inyo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian”

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger