Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 161
Hulyo 2, 2020
Sa Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ay nagsalita nang marami at gumawa ng maraming gawain. Paano Siya naiba kay Isaias? Paano Siya naiba kay Daniel? Siya ba ay isang propeta? Bakit kaya sinabi na Siya ay Cristo? Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan nila? Silang lahat ay mga lalaki na nagwika ng mga salita, at ang kanilang mga salita ay lumitaw na halos magkakatulad para sa tao. Silang lahat ay nangusap at gumawa ng gawain. Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsipanghula, at katulad nito, kaya rin ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa kalikasan ng gawain. Upang maarok ang bagay na ito, hindi mo maaaring isaalang-alang ang kalikasan ng laman at hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng salita ninuman. Lagi mong dapat unang isaalang-alang ang kanyang gawain at ang mga bunga na nagagawa nito sa tao. Ang mga hula na sinalita ni Isaias sa panahong iyon ay hindi nagtustos ng buhay ng tao, at ang mga mensahe na natanggap niyaong gaya ni Daniel ay mga hula lamang at hindi ang paraan ng pamumuhay. Kung hindi dahil sa tuwirang pagbubunyag ni Jehova, walang makagagawa ng gawaing yaon, dahil ito ay hindi posible para sa mga mortal. Si Jesus, din, ay maraming sinalita, nguni’t ang gayong mga salita ay ang paraan ng pamumuhay kung saan mula rito ang tao ay makahahanap ng isang landas upang magsagawa. Ibig sabihin, una, makapagtutustos Siya ng buhay ng tao, sapagka’t si Jesus ay buhay; ikalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; ikatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod roon sa kay Jehova upang ipagpatuloy ang kapanahunan; ikaapat, natatarok Niya ang mga pangangailangan ng tao sa loob at nauunawaan kung ano ang pagkukulang ng tao; ikalima, kaya Niyang maipasok ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi gayundin mula sa lahat ng iba pang mga propeta. Gamitin si Isaias bilang isang paghahambing para sa gawain ng mga propeta. Una, hindi siya nakapagtutustos ng buhay ng tao; ikalawa, hindi niya kayang magpasok ng isang bagong kapanahunan. Siya ay gumagawa sa ilalim ng pangunguna ni Jehova at hindi upang ipasok ang isang bagong kapanahunan. Ikatlo, ang mga sinalita niya mismo ay lampas sa kanyang pang-unawa. Siya ay tumatanggap ng mga pagbubunyag nang tuwiran mula sa Espiritu ng Diyos, at hindi maiintindihan ng iba, kahit na mapakinggan ang mga ito. Ang ilang mga bagay na ito ay sapat na upang patunayan na ang kanyang mga salita ay hindi hihigit sa mga hula lamang, hindi hihigit sa isang aspeto ng gawain na ginawa sa ngalan ni Jehova. Gayunman, hindi niya magawang lubusang katawanin si Jehova. Siya ay lingkod ni Jehova, isang kasangkapan sa gawain ni Jehova. Siya ay gumagawa lamang ng gawain sa loob ng Kapanahunan ng Kautusan at sa loob ng saklaw ng gawain ni Jehova; hindi siya gumawa nang lampas sa Kapanahunan ng Kautusan. Salungat dito, ang gawain ni Jesus ay naiba. Nilampasan Niya ang saklaw ng gawain ni Jehova; gumawa Siya bilang ang nagkatawang-taong Diyos at sumailalim sa pagkapako sa krus upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan. Ibig sabihin niyan, Siya ay nagsakatuparan ng bagong gawain sa labas ng gawain na ginawa ni Jehova. Ito ang pagpapasok ng isang bagong kapanahunan. Isa pang kundisyon ay yaong Siya ay nakapagsalita niyaong hindi kayang matamo ng tao. Ang Kanyang gawain ay gawain sa loob ng pamamahala ng Diyos at nakapaloob ang buong sangkatauhan. Hindi Siya kumilos sa iilang tao lamang, ni ang Kanyang gawain ay upang pangunahan ang limitadong bilang ng mga tao. Hinggil sa kung paano nagkatawang-tao ang Diyos upang maging isang tao, paano nagbigay ang Espiritu ng mga pagbubunyag sa panahong iyon, at paano bumababa ang Espiritu sa isang tao upang gumawa, ang mga ito ay mga bagay na hindi kayang makita o mahipo ng tao. Tunay na imposible para sa mga katotohanang ito na magsilbi bilang patunay na Siya ay ang nagkatawang-taong Diyos. Sa gayon, ang pag-iiba ay magagawa lamang sa mga salita at gawain ng Diyos, na kayang makita ng tao. Ito lamang ang totoo. Ito ay sapagka’t ang mga bagay ng Espiritu ay hindi mo nakikita at malinaw na nalalaman lamang ng Diyos Mismo, at kahit ang katawang-tao ng Diyos ay hindi nalalamang lahat; mapatutunayan mo lamang kung Siya ay Diyos mula sa gawain na Kanyang nagawa. Mula sa Kanyang gawain, makikita na, una, kaya Niyang magbukas ng isang bagong kapanahunan; ikalawa, kaya Niyang magtustos ng buhay ng tao at ipakita sa tao ang landas na dapat sundan. Ito ay sapat na upang mapagtibay na Siya ay Diyos Mismo. Sa paanuman, ang gawaing Kanyang ginagawa ay kayang lubos na katawanin ang Espiritu ng Diyos, at mula sa gayong gawain ay makikita na ang Espiritu ng Diyos ay nasa loob Niya. Dahil ang gawain na ginawa ng nagkatawang-taong Diyos sa pangunahin ay para ipasok ang isang bagong kapanahunan, pangunahan ang bagong gawain, at magbukas ng mga bagong kalagayan, ang ilang mga kundisyong ito ay sapat na upang magpatunay na Siya ay Diyos Mismo. Ito sa gayon ay nagpapakita ng kaibahan Niya mula kina Isaias, Daniel at iba pang mga dakilang propeta. Sina Isaias, Daniel at ang iba ay mula lahat sa uri ng mayroong-mataas-na-pinag-aralan at edukadong mga tao; sila ay katangi-tanging mga tao sa ilalim ng pangunguna ni Jehova. Ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay maalam din at walang kakulangan sa katalinuhan, nguni’t ang Kanyang pagkatao ay lubhang napaka-karaniwan. Siya ay isang ordinaryong tao, at ang paningin ay walang maaarok na anumang natatanging pagkatao tungkol sa Kanya o madaramang anuman sa Kanyang pagkatao hindi-gaya roon sa iba. Hindi Siya higit-sa-karaniwan o natatangi, at hindi Siya nagtaglay ng anumang mataas na edukasyon, kaalaman, o teyorya. Ang buhay na Kanyang sinalita at ang landas na Kanyang tinahak ay hindi nakamit sa pamamagitan ng teyorya, sa pamamagitan ng kaalaman, sa pamamagitan ng mga karanasan sa buhay o sa pamamagitan ng paghubog ng pamilya. Sa halip, ang mga yaon ay ang tuwirang gawain ng Espiritu at ng laman na nagkatawang-tao. Ito ay dahil ang tao ay may mga malalaking paniwala tungkol sa Diyos, at sa partikular ay dahil ang mga paniwalang ito ay binuo ng napakaraming mga sangkap ng kalabuan at ng higit-sa-karaniwan na, sa mga mata ng tao, isang karaniwang Diyos na may pantaong kahinaan, na hindi kayang magsagawa ng mga tanda at himala, ay tiyak na hindi Diyos. Hindi ba’t ang mga ito ang mga maling paniwala ng tao? Kung ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi isang normal na tao, kung gayon paano masasabing Siya ay naging laman? Ang pagiging laman ay pagiging isang ordinaryong, normal na tao; kung Siya ay naging isang nakahihigit na nilalang, kung gayon hindi Siya magiging nasa laman. Upang patunayan na Siya ay sa laman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kinailangang magtaglay ng karaniwang laman. Ito ay upang maganap lamang ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Subali’t, hindi ito ang katayuan para sa mga propeta at mga anak ng tao. Sila ay mga taong binigyan ng kaloob at ginamit ng Banal na Espiritu; sa mga mata ng tao, ang kanilang pagkatao ay natatangi ang pagiging dakila, at sila ay nagsagawa ng mga gawain na higit sa normal na pagkatao. Sa kadahilanang ito, itinuring sila ng tao bilang Diyos. Ngayon dapat kayong lahat ay makita ito nang malinaw, sapagka’t ito ang usapin na pinaka-kinalilituhan ng lahat ng mga tao sa mga nagdaang kapanahunan. Bilang karagdagan, ang pagkakatawang-tao ay ang pinakamahiwaga sa lahat ng mga bagay, at ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang pinakamahirap para sa tao na tanggapin. Ang Aking sinasabi ay nakapagpapadali sa pagtupad ng inyong mga ginagampanan at inyong pagkaunawa sa hiwaga ng pagkakatawang-tao. Ang lahat ng ito ay mayroong kaugnayan sa pamamahala ng Diyos, sa pangitain. Ang inyong pagkaunawa rito ay magiging higit na kapakipakinabang sa pagkakamit ng kaalaman sa pangitain, iyan ay, ang gawaing pamamahala. Sa paraang ito, kayo rin ay magkakamit ng lalong higit na pagkaunawa sa tungkulin na nararapat isagawa ng iba’t ibang uri ng mga tao. Bagaman ang mga salitang ito ay hindi tuwirang nagpapakita sa inyo ng landas, ang mga ito ay malaking tulong pa rin sa inyong pagpasok, sapagka’t ang inyong mga buhay sa kasalukuyan ay kulang na kulang sa pangitain, at ito’y magiging isang mahalagang balakid na pipigil sa inyong pagpasok. Kung hindi ninyo nakayang unawain ang mga usaping ito, kung gayon ay walang pag-uudyok na magtutulak sa inyong pagpasok. At paanong ang gayong paghahabol ay magbibigay sa inyo ng kakayahang tuparin nang pinakamabuti ang inyong tungkulin?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video