Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 154
Agosto 10, 2020
Naglalaman ang mga pangitain ng mga landas sa pagsasagawa. Ang mga praktikal na hinihingi sa tao ay nilalaman din ng mga pangitain, gayundin ang gawain ng Diyos na kailangang malaman ng tao. Sa nakalipas, sa panahon ng mga natatanging pagtitipon o maringal na mga pagtitipon na ginaganap sa iba’t-ibang lugar, isang tanging aspeto ng landas ng pagsasagawa ang pinag-usapan. Ang ganoong pagsasagawa ay yaong dapat isagawa sa Kapanahunan ng Biyaya, at bahagyang nagtataglay ng anumang kaugnayan sa kaalaman tungkol sa Diyos, dahil ang pangitain ng Kapanahunan ng Biyaya ay ang pangitain lamang ng pagkakapako sa krus ni Jesus, at walang mga pangitain na higit pa rito. Wala nang dapat malaman ang tao maliban sa gawain ng Kanyang pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus, kaya’t sa Kapanahunan ng Biyaya wala ng ibang mga pangitain na kailangang malaman ang tao. Sa ganitong paraan, ang tao ay mayroon lamang katiting na kaalaman tungkol sa Diyos, at bukod sa kaalaman tungkol sa pag-ibig at awa ni Jesus, mayroon lamang ilang payak at kahabag-habag na mga bagay para sa kanya upang isagawa, mga bagay na napakalayo mula sa ngayon. Sa nakalipas, anuman ang anyo ng kanyang pagtitipon, walang kakayahan ang tao na mangusap ng praktikal na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, lalong hindi masabi ng sinuman nang malinaw kung alin ang pinaka-angkop na landas ng pagsasagawa para pasukin ng tao. Nagdagdag lamang Siya ng ilang payak na detalye sa saligan ng pagtitimpi at pagtitiis; wala talagang pagbabago sa diwa ng kanyang pagsasagawa, dahil sa parehong kapanahunan hindi gumawa ang Diyos ng anumang mas bagong gawain, at ang tanging kinailangan Niya sa tao ay ang pagtitimpi at pagtitiis, o pagpasan ng krus. Maliban sa gayong mga pagsasagawa, walang mas mataas na mga pangitain kaysa sa pagkakapako sa krus ni Jesus. Sa nakalipas, walang binanggit na ibang mga pangitain dahil hindi gumawa ng maraming gawain ang Diyos, at dahil may hangganan lamang ang Kanyang mga hiningi sa tao. Sa paraang ito, kahit ano pa man ang ginawa ng tao, hindi niya nakayang labanan ang mga hangganang ito, mga hangganang kakaunti lamang na payak at mababaw na mga bagay na dapat isagawa ng tao. Ngayon ay aking sinasalita ang ibang mga pangitain dahil ngayon, mas maraming gawain ang nagawa, gawaing maraming ulit na nakakahigit sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Ang mga kinakailangan sa tao, ay maraming ulit na mas mataas rin kaysa sa mga nakalipas na kapanahunan. Kung walang kakayahan ang tao na lubusang malaman ang gawaing iyon, kung gayon hindi ito magtataglay ng malaking kabuluhan; maaaring sabihin na mahihirapan ang tao na lubos na malaman ang ganoong gawain kung hindi niya ilalaan ang buong buhay na pagsisikap para dito. Sa gawain ng panlulupig, kung ang pag-uusapan lamang ay ang landas ng pagsasagawa, hindi mangyayari ang paglupig sa tao. Hindi rin mangyayari ang paglupig sa tao sa pagsasalita lamang tungkol sa mga pangitain, na walang anumang mga kinakailangan sa tao. Kung ang landas ng pagsasagawa lamang ang napag-uusapan, magiging imposible ang patamaan ang pinakamahinang bahagi ng tao, o ang iwaksi ang mga pagkaintindi ng tao, at magiging imposible rin na lubusang lupigin ang tao. Ang mga pangitain ang pangunahing kagamitan sa paglupig sa tao, nguni’t kung walang landas bukod sa mga pangitain, kung gayon ay walang magiging daan upang makasunod ang tao, at lalong wala siyang anumang magiging paraan ng pagpasok. Ito na ang naging panuntunan ng gawain ng Diyos mula sa simula hanggang sa katapusan: Sa mga pangitain ay mayroong maaaring maisagawa, at mayroon din naman na mga pangitaing bukod-tangi para sa ganoong pagsasagawa. Ang antas ng mga pagbabago sa buhay ng tao at sa kanyang disposisyon ay kasama sa mga pagbabago sa mga pangitain. Kung aasa lamang ang tao sa sarili niyang mga pagsisikap, kung gayon ay hindi mangyayari para sa kanya na makatamo ng kahit na anong malaking antas ng pagbabago. Ang mga pangitain ay tumutukoy sa gawain ng Diyos Mismo at sa pamamahala ng Diyos. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa landas ng pagsasagawa ng tao, at sa daan ng pag-iral ng tao; sa buong pamamahala ng Diyos, ang kaugnayan sa pag-itan ng mga pangitain at pagsasagawa ay ang kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao. Kapag inalis ang mga pangitain, o kung ang mga ito ay sinasalita nang wala ang pagsasalita tungkol sa pagsasagawa, o kung mayroon lamang mga pangitain at wala ang pagsasagawa, kung gayon ang gayong mga bagay ay hindi maibibilang na pamamahala ng Diyos, lalong hindi masasabi na ang gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan; sa paraang ito, hindi lamang maaalis ang tungkulin ng tao, nguni’t ito ay magiging pagtanggi sa layunin ng gawain ng Diyos. Kung, mula sa simula hanggang sa katapusan, ay kinailangan lamang sa tao na magsagawa, nang walang nakapaloob na gawain ng Diyos, at, higit pa rito, kung hindi kinailangan sa tao na alamin ang gawain ng Diyos, ay lalong hindi matatawag ang gayong gawain na pamamahala ng Diyos. Kung hindi nakilala ng tao ang Diyos, at walang nalalaman sa kalooban ng Diyos, at bulag na nagsasagawa sa kanyang malabo at walang-anyong paraan, kung gayon hindi siya kailanman magiging lubos na katanggap-tanggap na nilalang. Kaya, ang dalawang bagay na ito ay parehong di-maaaring mawala. Kung ang mayroon lamang ay ang gawain ng Diyos, sa ibang salita, kung ang mayroon lamang ay ang mga pangitain at wala ang pakikipagtulungan o pagsasagawa ng tao, ang gayong mga bagay ay hindi matatawag na pamamahala ng Diyos. Kung ang mayroon lamang ay ang pagsasagawa at pagpasok ng tao, kahit na gaano pa kataas ang landas na pinasukan ng tao, ito rin ay hindi magiging katanggap-tanggap. Ang pagpasok ng tao ay kailangang unti-unting magbago kasabay ng gawain at mga pangitain; hindi ito maaaring mabago kung kailan gusto. Ang panuntunan ng pagsasagawa ng tao ay hindi malaya at hindi napipigilan, nguni’t ito ay may hangganan. Ang mga ganoong panuntunan ay nagbabago ayon sa mga pangitain ng gawain. Kaya ang pamamahala ng Diyos sa kahuli-hulihan ay humahantong sa gawain ng Diyos at pagsasagawa ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video