"Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X" | Sipi 191

"Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X" | Sipi 191

239 |Disyembre 31, 2020

Nakikita ba ninyo na ang Diyos ay mayroong masyadong mapaghanap at mahigpit na pagsisiyasat at pamamahala para sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong hindi mananampalataya? Una, ang Diyos ay nagtatag ng iba’t ibang panlangit na kautusan, batas, at sistema sa espirituwal na kaharian, at pagkatapos ng pagpapahayag nitong mga panlangit na kautusan, batas, at sistema, ang mga ito ay mahigpit na ipinatutupad, gaya ng itinakda ng Diyos, sa pamamagitan ng mga nilalang sa iba’t ibang opisyal na posisyon sa espirituwal na mundo, at walang sinuman ang nangangahas na labagin ito. At kaya, sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan sa mundo ng tao, maging ang isang tao man ay muling nagkatawang-tao bilang isang tao o isang hayop, may mga batas para sa dalawa. Sapagkat ang mga kautusang ito ay nagmula sa Diyos, walang sinuman ang nangangahas na labagin ang mga ito, ni walang sinuman ang makalalabag sa mga ito. Ito ay dahil lamang sa gayong kapangyarihan ng Diyos, at dahil mayroong gayong mga kautusan, na ang materyal na mundong iyon na nakikita ng mga tao ay karaniwan at may kaayusan; ito ay dahil lamang sa gayong kapangyarihan ng Diyos na ang sangkatauhan ay sabay na umiiral nang payapa sa iba pang mundo na lubos na hindi nakikita ng sangkatauhan, at nagagawang mabuhay nang may pagkakaisa—ang lahat ng ito ay hindi maihihiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Pagkatapos mamatay ng makalamang buhay ng kaluluwa, ang kaluluwa ay mayroon pa ring buhay, at kaya ano ang mangyayari kung wala ang pamamahala ng Diyos? Ang kaluluwa ay maglilibot sa lahat ng lugar, manghihimasok kahit saan, at makapipinsala pa sa mga buhay na bagay sa mundo ng sangkatauhan. Ang gayong pinsala ay hindi lamang tungo sa sangkatauhan, ngunit maaari rin namang tungo sa mga halaman at sa mga hayop—ngunit ang unang mapipinsala ay ang mga tao. Kung ito ay mangyayari—kung ang gayong kaluluwa ay walang kapamahalaan, at talagang napinsala ng mga tao, at talagang gumawa ng napakasamang mga bagay—kung gayon magkakaroon din ng maayos na pag-aasikaso sa kaluluwang ito sa espirituwal na mundo: Kung ang mga bagay ay malubha, ang kaluluwa ay kaagad na titigil sa pag-iral, ito ay mawawasak; hangga’t maaari, ilalagay ito sa isang lugar at pagkatapos ay muling magkakatawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang pamamahala ng espirituwal na mundo sa iba’t ibang kaluluwa ay itinakda, at isinasakatuparan alinsunod sa mga hakbang at mga patakaran. Ito ay dahil lamang sa gayong pamamahala na ang materyal na mundo ng tao ay hindi nahulog sa mga kaguluhan, na ang sangkatauhan ng materyal na mundo ay nagtataglay ng normal na kaisipan, normal na pagkamakatuwiran, at isang isinasaayos na makalamang buhay. Pagkatapos lamang na magkaroon ang sangkatauhan ng gayong normal na buhay saka pa lamang makapagpapatuloy yaong mga nabubuhay sa laman sa pagpapaunlad at sa pagpaparami sa loob ng maraming salinlahi.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ipakita ang iba pa
Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

I-share

Kanselahin