Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 102

Hulyo 27, 2020

Natatangi ang Pagkakakilanlan ng Lumikha, at Hindi Mo Dapat Sundin ang Ideya ng Politeismo

Bagama’t ang mga kasanayan at kakayahan ni Satanas ay mas matindi kaysa roon sa tao, bagama’t makakagawa ito ng maraming bagay na hindi kayang maabot ng tao, kung iyo mang kinaiinggitan o hinahangad ang ginagawa ni Satanas, kung iyo mang kinamumuhian o kinasusuklaman ang mga bagay na ito, kung may kakayahan ka man o wala na makita ang mga iyon, at gaano man kalaki ang kayang maisakatuparan ni Satanas, o kung gaano man karaming tao ang malilinlang nito na sambahin ito at ilagay ito sa dambana, at kung paano mo man ito bigyang-kahulugan, hindi mo maaaring sabihin na ito ay mayroong awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Dapat mong malaman na ang Diyos ay Diyos, may nag-iisang Diyos lamang, at higit pa rito, kailangan mong malaman na Diyos lamang ang may awtoridad, na ang Diyos lamang ang may kapangyarihan na kontrolin at pamunuan ang lahat ng bagay. Dahil lamang sa may kakayahan si Satanas na manlinlang ng mga tao at may kakayahang gayahin ang Diyos, gayahin ang mga tanda at mga himala na ginawa ng Diyos, at nakagawa na ng mga parehong bagay gaya ng sa Diyos, nagkakamali ka sa paniniwala na hindi natatangi ang Diyos, na maraming Diyos, na ang iba’t ibang Diyos na ito ay mayroon lamang mas matindi o mas maliit na kakayahan, at mayroong mga pagkakaiba sa lawak ng kapangyarihan na kanilang hawak. Pinagsusunud-sunod mo ang kanilang kadakilaan ayon sa kanilang pagdating at ayon sa kanilang edad, at nagkakamali ka sa paniniwala na may iba pang mga diyos bukod sa Diyos, at iniisip na ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi natatangi. Kung mayroon kang gayong mga ideya, kung hindi mo kinikilala ang pagiging natatangi ng Diyos, kung hindi ka naniniwala na tanging ang Diyos ang nagtataglay ng awtoridad, at kung sumusunod ka lamang sa politeismo, kung gayon sinasabi Ko na ikaw ang dumi ng mga nilalang, ikaw ang tunay na pagsasakatawan ni Satanas, at lubos na ikaw ay masamang tao! Naiintindihan ba ninyo kung ano ang sinusubukan Kong ituro sa inyo sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga salitang ito? Kahit ano pa ang panahon, lugar, o iyong pinagmulan, hindi ka dapat malito sa pagitan ng Diyos at ng anumang iba pang tao, bagay, o layon. Kung sa pakiramdam mo man ay hindi kayang makilala at hindi malapitan ang awtoridad ng Diyos at ang diwa ng Diyos Mismo, kahit gaano pa umaayon sa iyong kuru-kuro at imahinasyon ang mga gawa at salita ni Satanas, kahit gaano pa nagbibigay-kasiyahan ang mga iyon sa iyo, huwag maging hangal, huwag malito sa mga konseptong ito, huwag itanggi ang pag-iral ng Diyos, huwag itanggi ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, huwag itulak ang Diyos sa labas ng pinto at ipasok si Satanas para palitan ang Diyos sa loob ng iyong puso at gawing Diyos mo. Wala Akong alinlangan na kaya ninyong isipin ang mga kalalabasan ng paggawa nito!

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger