Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 100

Hulyo 19, 2020

Tanging ang Diyos, na May Pagkakakilanlan ng Lumikha, ang Nagtataglay ng Natatanging Awtoridad

Ang awtoridad mismo ay maipapaliwanag bilang kapangyarihan ng Diyos. Una, masasabi nang may katiyakan na positibong pareho ang awtoridad at kapangyarihan. Walang koneksyon ang mga ito sa anumang bagay na negatibo, at hindi nauugnay ang mga ito sa anumang nilikha o di-nilikha. Kayang lumikha ng kapangyarihan ng Diyos ng mga bagay sa anumang anyo na may buhay at kasiglahan, at pinagpapasyahan ito ng buhay ng Diyos. Ang Diyos ay buhay, kaya Siya ang pinagmumulan ng lahat ng nabubuhay. Dagdag pa rito, mapapasunod ng awtoridad ng Diyos ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa bawat salita ng Diyos, ang ibig sabihin nito, ay mabuo nang naaayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at mamuhay at magparami sa pamamagitan ng utos ng Diyos, matapos nito ay napaghaharian at nauutusan ng Diyos ang lahat ng bagay na nabubuhay, at hindi kailanman magkakaroon ng paglihis, magpasawalang-hanggan. Walang tao o bagay ang mayroon ng ganitong mga bagay; tanging ang Lumikha lamang ang nagtataglay at mayroon ng gayong kapangyarihan, at kaya ito ay tinatawag na awtoridad. Ito ang pagiging natatangi ng Lumikha. Dahil dito, kung ito man ay ang salitang “awtoridad” mismo o ang diwa ng awtoridad na ito, ang bawat isa ay maiuugnay lamang sa Lumikha, dahil ito ay sagisag ng natatanging pagkakakilanlan at diwa ng Lumikha, at kumakatawan ito sa pagkakakilanlan at katayuan ng Lumikha; bukod sa Lumikha, walang tao o bagay ang maiuugnay sa salitang “awtoridad.” Ito ay isang pagpapakahulugan sa natatanging awtoridad ng Lumikha.

Kahit na tinitingnan ni Satanas si Job nang may inggit sa mga mata, hindi ito nangahas na hipuin ni isang buhok sa katawan ni Job nang walang pahintulot ng Diyos. Kahit pa likas na masama at malupit si Satanas, matapos ibaba ng Diyos ang Kanyang utos dito, wala nang nagawa si Satanas kundi sumunod sa kautusan ng Diyos. Samakatuwid, kahit na si Satanas ay kasingbangis ng isang lobo sa gitna ng mga tupa nang pumaroon kay Job, hindi nito tinangkang kalimutan ang mga hangganan na itinakda ng Diyos para dito, hindi ito nangahas na labagin ang mga atas ng Diyos, at sa lahat ng ginawa nito, hindi nangahas na lumihis si Satanas mula sa mga prinsipyo at hangganan ng mga salita ng Diyos—hindi ba ito isang katunayan? Mula rito ay makikita na hindi nangangahas si Satanas na salungatin ang anumang mga salita ng Diyos na si Jehova. Para kay Satanas, ang bawat salita mula sa bibig ng Diyos ay isang utos at isang batas ng kalangitan, isang pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos—dahil sa likod ng bawat salita ng Diyos ay ipinahihiwatig ang kaparusahan ng Diyos para sa mga lumalabag sa mga utos ng Diyos, at sa mga sumusuway at sumasalungat sa mga batas ng kalangitan. Malinaw na alam ni Satanas na kapag nilabag nito ang mga utos ng Diyos, kung gayon ay kailangan nitong tanggapin ang mga bunga ng paglabag sa awtoridad ng Diyos at pagsalungat sa mga kautusan ng kalangitan. Ano ba ang mga kahihinatnang ito? Hindi na kailangang sabihin, ang mga iyon ay ang kaparusahan ng Diyos dito. Ang mga pagkilos ni Satanas tungo kay Job ay isang maliit na paglalarawan lamang ng pagtitiwali nito sa tao, at nang isinakatuparan ni Satanas ang mga pagkilos na ito, ang mga itinakdang hangganan ng Diyos at ang Kanyang ibinabang mga utos kay Satanas ay isang munting bersyon lamang ng mga prinsipyo sa likod ng lahat ng ginagawa nito. Dagdag pa rito, ang tungkulin at papel ni Satanas sa bagay na ito ay isang munting bersyon lamang ng tungkulin at papel nito sa gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lubos na pagsunod ni Satanas sa Diyos sa panunukso nito kay Job ay isang maliit na paglalarawan lamang kung paanong hindi nangahas si Satanas na kumontra nang kahit kaunti sa Diyos sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Anong babala ang ibinibigay ng maliliit na paglalarawang ito sa inyo? Sa lahat ng bagay, kasama na si Satanas, walang tao o bagay ang makakalabag sa mga batas ng kalangitan at mga utos na itinakda ng Lumikha, at walang tao o bagay ang nangangahas na labagin ang mga batas at utos ng kalangitan na ito, dahil walang tao o bagay ang maaaring bumago o tumakas mula sa kaparusahan na ipinapataw ng Lumikha sa mga sumusuway sa mga ito. Tanging ang Lumikha lamang ang makakapagtatag ng mga batas at mga utos ng kalangitan, tanging ang Lumikha lamang ang may kapangyarihan na ipatupad ang mga ito, at tanging ang kapangyarihan lamang ng Lumikha ang hindi malalabag ng sinumang tao o bagay. Ito ang natatanging awtoridad ng Lumikha, at kataas-taasan ang awtoridad na ito sa lahat ng bagay, at kaya imposibleng sabihin na “ang Diyos ang pinakadakila at pangalawa si Satanas.” Maliban sa Lumikha na nagtataglay ng natatanging awtoridad, wala nang iba pang Diyos!

May bago ba kayong nalaman ngayon tungkol sa awtoridad ng Diyos? Una, may kaibahan ba sa pagitan ng awtoridad ng Diyos na kababanggit lamang, at ng kapangyarihan ng tao? Ano ang kaibahan? May mga taong nagsasabi na walang pagkakahalintulad sa dalawa. Tama iyon! Bagama’t sinasabi ng mga tao na walang pagkakahalintulad sa dalawa, sa mga iniisip at mga kuru-kuro ng tao, madalas na napagkakamalang awtoridad ang kapangyarihan ng tao, at kadalasang pinaghahambing ang dalawa sa isa’t isa. Ano ang nangyayari dito? Hindi ba nagkakamali ang mga tao dahil di-sinasadyang napagpapalit nila ang dalawa? Hindi magkaugnay ang dalawa, at walang pagkakahalintulad sa pagitan nila, ngunit hindi pa rin ito maiwasan ng mga tao. Paano ba ito dapat lutasin? Kung talagang gusto mong maghanap ng resolusyon, ang tanging paraan ay ang pag-intindi at pag-alam sa natatanging awtoridad ng Diyos. Pagkatapos maintindihan at malaman ang awtoridad ng Lumikha, hindi mo na babanggitin ang kapangyarihan ng tao at ang awtoridad ng Diyos sa parehong pagkakataon.

Ano ang pinatutungkulan ng kapangyarihan ng tao? Sa madaling salita, isa itong abilidad o kasanayan na nagdudulot na mapalaki o matupad sa pinakamalawak na paraan ang tiwaling disposisyon, mga pagnanasa at mga ambisyon ng tao. Masasabi bang ito ay awtoridad? Kahit gaano pa kalaki o kapaki-pakinabang ang mga ambisyon at pagnanasa ng tao, ang taong iyon ay hindi masasabing nagtataglay ng awtoridad; kadalasan, ang kalabisan at tagumpay na ito ay pagpapakita lamang ng pagpapatawa ni Satanas sa mga tao; kadalasan ay isa itong katatawanan kung saan ay gumaganap si Satanas bilang sarili nitong ninuno para tuparin ang ambisyon nito na maging Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger