Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 10: Isang Tampok na Panayam kay Pastor Gaël Mimbegue Mula sa Cameroon

Agosto 18, 2026

Si Gaël Mimbegue ay dating isang Kristiyanong pastor sa Cameroon. Sa loob ng maraming taon, ang layon niya sa kanyang pananalig at ang pangunahing mensahe ng mga sermon niya ay "pagkawala mula sa kasalanan at pagkamit ng pagpapabanal." Pero habang mas hinahangad niya ang pagpapabanal, mas napagtatanto niyang nananatili siyang nakakulong sa pagkakagapos ng kasalanan. May malaking pagkakasalungat sa kung ano ang isinasagawa niya at kung ano ang ipinapangaral niya. Nahaharap sa malawakang problema ng kasalanan sa parehong sarili niya at sa simbahan, desperado siyang naghanap ng mga kasagutan: Sinuyod niya ang Bibliya, binisita ang iba't ibang simbahan para humingi ng tulong, nag-ayuno at nagdasal siya sa loob ng 21 araw na sunod-sunod, at 72 oras pa nga siyang hindi kumain o uminom, dumadaing sa Panginoon nang lumuluha sa magdamag. … Pero hindi pa rin siya makawala sa nakasisirang siklo ng paulit-ulit na pagkakasala at pangungumpisal. Nagsimula pa nga siyang magduda: "Itinaboy na ba ako ng Diyos? May pag-asa pa ba akong makapasok sa kaharian ng langit?" Kung kailan siya nalugmok sa lubos na kawalan ng pag-asa at walang makitang daan palabas, binago ng isang hindi inaasahang karanasan ang buhay niya. Nahanap na rin niya sa wakas ang mga sagot sa mga tanong na bumagabag sa kanya sa loob ng maraming taon, naunawaan niya ang ugat kung bakit patuloy na nagkakasala ang mga tao kahit na nananampalataya na sila sa Panginoon at napatawad na ang mga kasalanan nila, at nahanap niya ang landas para makawala mula sa kasalanan at malinis. Maligayang pagdating sa episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian. Makinig habang ibinabahagi ni Gaël Mimbegue ang tunay na karanasan niya sa pagkakakulong sa pagkakagapos ng kasalanan at pakiramdam na naliligaw sa relihiyon, at kung paano niya nahanap sa wakas ang landas para maiwaksi ang kasalanan at malinis.

00:10 Show Intro

01:55 Mula sa Paglilingkod sa Simbahan Hanggang sa Paghahangad ng Pagpapabanal

12:14 Ang Pasakit at Pagdurusa ng Isang Pastor: Bakit Imposibleng Makawala Mula sa Kasalanan?

30:00 Pagbisita sa Ibang mga Simbahan para sa mga Sagot, Pero Mas Maraming Kadiliman ang Nahanap

39:15 Isang Pagbabago sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa: Nahanap Din sa Wakas ang Daan Palabas sa Kasalanan

01:02:05 Itinakwil ng Dati Niyang Simbahan Pagkatapos Salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon

01:13:30 Mga Nakamit Mula sa Pagdanas ng Paghatol: Mga Tunay na Pagbabago sa Buhay

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin