Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paghatol sa mga Huling Araw | Sipi 91

Nobyembre 7, 2020

Malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng gawaing ginawa sa Israel at ng gawain sa ngayon. Ginabayan ni Jehova ang buhay ng mga Israelita, at walang ganoong pagkastigo at paghatol, dahil sa panahong iyon, napakaliit ng naunawaan ng mga tao tungkol sa mundo at mayroon silang ilang tiwaling disposisyon. Noon, ganap na sinunod ng mga Israelita si Jehova. Nang sabihin Niya sa kanila na gumawa ng mga altar, agad silang gumawa ng mga altar; nang sabihin Niya sa kanila na magsuot ng mga kasuotan ng mga saserdote, sumunod sila. Sa mga araw na iyon, si Jehova ay tila isang pastol na nagbabantay sa isang kawan ng mga tupa, na ang mga tupa ay sumusunod sa paggabay ng pastol at kumakain ng damo sa pastulan; ginabayan ni Jehova ang buhay nila, na pinamumunuan sila kung paano sila kumain, nagbihis, nanirahan, at naglakbay. Hindi iyon ang panahon para gawing maliwanag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang sangkatauhan noong panahong iyon ay bagong silang; kakaunti ang suwail at mapang-away, walang gaanong karumihan sa sangkatauhan, kaya nga ang mga tao ay hindi makapagsilbing isang hambingan sa disposisyon ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga taong nanggaling sa lupain ng karumihan ipinapakita ang kabanalan ng Diyos; ngayon, ginagamit Niya ang karumihang nakikita sa mga taong ito ng lupain ng karumihan, at Siya ay humahatol, at gayon ang ibinubunyag tungkol sa Kanya sa gitna ng paghatol. Bakit Siya humahatol? Kaya Niyang sambitin ang mga salita ng paghatol dahil kinamumuhian Niya ang kasalanan; paano Siya magagalit nang matindi kung hindi Niya kinapopootan ang pagkasuwail ng sangkatauhan? Kung walang pagkasuklam sa Kanyang kalooban, walang pagkainis, kung hindi Niya pinansin ang pagkasuwail ng mga tao, magpapatunay iyon na kasingdumi Siya ng tao. Kaya Niya nakakayang hatulan at kastiguhin ang tao ay dahil kinapopootan Niya ang karumihan, at ang kinapopootan Niya ay wala sa Kanya. Kung mayroon ding pagkontra at pagkasuwail sa Kanya, hindi Niya kamumuhian yaong mga mapang-away at suwail. Kung ang gawain ng mga huling araw ay isinasagawa sa Israel, hindi ito magkakaroon ng kabuluhan. Bakit ginagawa ang gawain ng mga huling araw sa Tsina, ang pinakamadilim at pinakamakalumang lugar sa lahat? Iyon ay upang ipakita ang Kanyang kabanalan at katuwiran. Sa madaling salita, mas madilim ang isang lugar, mas malinaw na maipapakita ang kabanalan ng Diyos. Sa katunayan, lahat ng ito ay alang-alang sa gawain ng Diyos. Ngayon lamang ninyo napagtatanto na bumaba na ang Diyos mula sa langit upang tumayo sa gitna ninyo, na nakikita sa inyong karumihan at pagkasuwail, at ngayon lamang ninyo nakikilala ang Diyos. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpaparangal? Sa katunayan, isa kayong grupo ng mga tao sa Tsina na napili. At dahil kayo ay napili at nagtamasa ng biyaya ng Diyos, at dahil hindi kayo angkop na magtamasa ng gayon kalaking biyaya, pinatutunayan nito na lahat ng ito ay ang pinakadakilang pagpaparangal sa inyo. Nagpakita na ang Diyos sa inyo, at ipinakita Niya sa inyo ang Kanyang banal na disposisyon sa kabuuan nito, at ibinigay na Niya sa inyo ang lahat ng iyon, at pinatamasa sa inyo ang lahat ng pagpapalang maaari ninyong tamasahin. Hindi lamang ninyo natikman ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kundi, higit pa riyan, natikman ninyo ang pagliligtas ng Diyos, ang pagtubos ng Diyos at ang walang-hangganan at walang-katapusang pagmamahal ng Diyos. Kayo, na pinakamarumi sa lahat, ay nagtamasa na ng gayon kalaking biyaya—hindi ba kayo pinagpala? Hindi ba ito pagtataas ng Diyos sa inyo? Kayo ang may pinakamababang kalagayan sa lahat; kayo ay likas na hindi karapat-dapat magtamasa ng gayon kalaking pagpapala, subalit gumawa na ng eksepsyon ang Diyos sa pamamagitan ng pagtataas sa iyo. Hindi ka ba nahihiya? Kung wala kang kakayahang gampanan ang iyong tungkulin, sa huli ay ikahihiya mo ang iyong sarili, at parurusahan mo ang iyong sarili. Ngayon, hindi ka dinidisiplina, ni hindi ka pinarurusahan; ligtas at malusog ang iyong laman—ngunit sa huli, dadalhin ka ng mga salitang ito sa kahihiyan. Sa ngayon, hayagan Ko pang kakastiguhin ang sinuman; maaaring mabagsik ang Aking mga salita, ngunit paano Ko pinakikitunguhan ang mga tao? Inaaliw Ko sila, at pinapayuhan sila, at pinaaalalahanan sila. Wala nang ibang dahilan kaya Ko ito ginagawa kundi para iligtas kayo. Talaga bang hindi ninyo nauunawaan ang Aking kalooban? Dapat ninyong maunawaan ang sinasabi Ko, at mabigyang-inspirasyon nito. Ngayon lamang maraming taong nakakaunawa. Hindi ba ito ang pagpapala ng pagiging isang hambingan? Hindi ba pagiging isang hambingan ang pinaka-pinagpalang bagay? Sa huli, kapag humayo kayo upang ipalaganap ang ebanghelyo, sasabihin ninyo ito: “Mga tipikal na hambingan kami.” Tatanungin nila kayo, “Ano ang ibig sabihin ng tipikal na hambingan kayo?” At sasabihin mo: “Hambingan kami sa gawain ng Diyos, at sa Kanyang dakilang kapangyarihan. Ang kabuuan ng matuwid na disposisyon ng Diyos ay inilalantad ng aming pagkasuwail; kami ang mga tagapagsilbi ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, kami ang mga galamay ng Kanyang gawain, at ang mga kasangkapan din nito.” Kapag naririnig nila iyon, magtataka sila. Sumunod, sasabihin mo: “Kami ang mga halimbawa at huwaran sa pagtatapos ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob, at sa Kanyang paglupig sa buong sangkatauhan. Banal man kami o marumi, sa kabuuan, kami pa rin ang mas pinagpala kaysa sa inyo, dahil nakita na namin ang Diyos, at sa pamamagitan ng pagkakataong lupigin Niya kami, nakikita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos; dahil lamang sa kami ay marumi at tiwali kaya napasimulan ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kaya ba ninyong magpatotoo nang ganoon sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Hindi kayo nararapat! Ito ay walang iba kundi ang pagpaparangal sa amin ng Diyos! Bagama’t maaaring hindi kami mapagmataas, maaari naming mapagmalaking purihin ang Diyos, dahil walang sinumang maaaring magmana ng gayon kalaking pangako, at walang sinumang maaaring magtamasa ng gayon kalaking pagpapala. Labis kaming nagpapasalamat na kami, na napakarumi, ay maaaring gumawa bilang mga hambingan sa panahon ng pamamahala ng Diyos.” At kapag itinanong nila, “Ano ang mga halimbawa at huwaran?” sasabihin mo, “Kami ang pinakasuwail at pinakamarumi sa buong sangkatauhan; nagawa kaming lubhang tiwali ni Satanas, at kami ang pinakapaurong at pinakaaba sa lahat ng laman. Kami ang mga klasikong halimbawa ng mga nakasangkapan ni Satanas. Ngayon, napili kami ng Diyos na unang lupigin sa buong sangkatauhan, at namasdan namin ang matuwid na disposisyon ng Diyos at namana ang Kanyang pangako; kinakasangkapan kami upang lupigin ang mas marami pang tao, sa gayon ay kami ang mga halimbawa at huwaran ng mga nalupig sa buong sangkatauhan.” Wala nang mas mainam na patotoo kaysa sa mga salitang ito, at ito ang iyong pinakamagandang karanasan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin