Tagalog Testimony Video | "Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos"
Agosto 13, 2022
Si Matthew, isang lalaki na mula sa France, ay nanalig sa Panginoon simula pa noong pagkabata niya. Nang nasa hustong gulang na siya, napagtanto niya na ang mga sermon ng mga pari ay hindi kailanman nagbibigay-liwanag at ang pananalig ng ibang mananampalataya ay nanlamig. Hindi niya madama ang gawain ng Banal na Espiritu sa kanyang simbahan, at siya mismo ay nakaramdam ng espirituwal na kahungkagan at pagkalito. Hindi niya madama ang presensya ng Panginoon. Pagkatapos, isang araw, hindi sinasadyang narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng paghahanap at pagsisiyasat, nakita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay makapangyarihan at may awtoridad, at na ito ang tinig ng Diyos. Naging sigurado siya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik, masayang tinanggap ang Makapangyarihang Diyos at bumalik sa tabi ng Panginoon.
Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.
Iba pang mga Uri ng Video