Tagalog Testimony Video | "Ang Kasikatan at Kayamanan ay Nagdala sa Akin ng Pagdurusa"

Disyembre 2, 2020

Ang bida ay isang doktor na naniniwala na dapat makamit ng mga tao ang tagumpay at pagkilala para magkaroon ng makabuluhan at makahulugang buhay. Para umangat sa kanyang mga kasamahan, araw at gabi siyang nagtrabaho at nag-aral sa loob ng mahigit isang dekada, minsan nang walang tigil sa loob ng 24 oras, palaging takot na makagawa ng pagkakamali habang nag-oopera at masira ang kanyang reputasyon. Ang sobrang pagtatrabaho at matinding stress ay nagdulot sa kanya na magdusa ng insomnia, sakit ng tiyan, pamamaga ng apdo, at iba pang mga karamdaman na nagbigay sa kanya ng matinding paghihirap. Hindi niya maintindihan kung bakit iginugol niya ang halos buong buhay niya para umangat sa iba, at nauwi lamang iyon sa malubhang kalungkutan at sakit. Inisip niya: Paano magkakaroon ng makahulugang buhay ang tao? Noon lamang tinanggap niya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw saka niya nakita na ang katanyagan at kayamanan ay mga kasangkapan na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali at ipahamak ang mga tao. Naintindihan niyang magkakaroon lamang ng makahulugang buhay ang isang tao kapag sinunod niya ang pagsasaayos ng Diyos, nagpursiging makilala ang Diyos, at tinupad ang tungkulin niya bilang isang nilikhang nilalang.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger