Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 373

Nobyembre 7, 2020

Nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nguni’t kapag Siya ay dumarating sa mundo nga tao, hinahangad nilang labanan Siya, itinataboy Siya palayo sa kanilang teritoryo, na para bang Siya ay isa lamang ulilang palaboy-laboy sa mundo, o gaya ng isang tao sa mundo na walang bansa. Walang sinumang nakadaramang nakakapit sa Diyos, walang tunay na nagmamahal sa Kanya, walang sinuman ang malugod na tinanggap ang Kanyang pagdating. Sa halip, kapag nakikita ang pagdating ng Diyos, ang kanilang nagagalak na mga mukha ay nagiging madilim sa isang kisap-mata, na parang isang biglaang bagyo ang paparating, na tila aagawin ng Diyos ang kaligayahan ng kanilang pamilya, na tila hindi kailanman pinagpala ng Diyos ang sangkatauhan, nguni’t sa halip ay nagbigay lamang ng kasawian sa sangkatauhan. Samakatuwid, sa mga isipan ng sangkatauhan, ang Diyos ay hindi isang pakinabang sa kanila, kundi Isa na laging sumusumpa sa kanila; samakatuwid, ang sangkatauhan ay hindi nagbibigay-pansin sa Kanya, hindi nila Siya malugod na tinatanggap, sila ay laging malamig sa Kanya, at hindi ito nagbago kailanman. Dahil ang sangkatauhan ay may mga bagay na ito sa kanilang puso, sinasabi ng Diyos na ang sangkatauhan ay di-makatwiran at imoral, at kahit ang mga damdamin na dapat sana’y mayroon ang tao ay hindi makikita sa kanila. Ang sangkatauhan ay hindi nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang para sa damdamin ng Diyos, nguni’t ginagamit ang tinatawag na “pagkamatuwid” upang pakitunguhan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay katulad na nito sa loob ng maraming taon at dahil dito ay nasabi ng Diyos na ang kanilang disposisyon ay hindi nagbago. Ito ay nagpapakita na wala na silang sangkap maliban sa ilang balahibo. Maaaring sabihin na ang mga tao ay mga miserableng walang-kabuluhan dahil hindi nila pinapahalagahan ang kanilang mga sarili. Kung hindi man lamang nila mahal ang kanilang sarili, kundi niyuyurakan ang kanilang sarili, hindi ba ito nagpapakita na sila ay walang kabuluhan? Ang sangkatauhan ay tulad ng isang imoral na babae na nakikipaglaro sa kanyang sarili at kusang-loob na ibinibigay ang kanyang sarili sa iba upang halayin. Nguni’t gayon pa man, hindi pa rin nila alam kung gaano sila kahamak. Nagkakaroon sila ng kasiyahan sa pagtatrabaho para sa iba, o sa pakikipag-usap sa iba, paglalagay ng kanilang sarili sa ilalim ng kontrol ng iba; hindi ba ito ang tunay na karumihan ng sangkatauhan? Bagaman hindi Ako nakaranas ng isang buhay sa gitna ng sangkatauhan, na hindi talaga naranasan ang buhay ng tao, mayroon Akong napakalinaw na pang-unawa sa bawat hakbang, bawat pagkilos, bawat salita, at bawat gawa ng tao. Nailalantad Ko pa nga ang sangkatauhan sa kanilang pinakamalalim na kahihiyan, hanggang sa punto na hindi na sila naglalakas-loob na ipakita ang kanilang sariling mga pandaraya at hindi na naglalakas-loob na magbigay daan sa kanilang masamang pita. Tulad ng isang suso na umuurong sa kabibe nito, hindi na sila naglalakas-loob upang ilantad ang kanilang sariling pangit na kalagayan. Dahil ang sangkatauhan ay hindi nakakakilala sa kanilang sarili, ang kanilang pinakamalaking kapintasan ay ang kusang-loob na iparada ang kanilang mga alindog sa harap ng iba, ipinaparada ang kanilang mga pangit na mukha; ito ay isang bagay na pinaka-kinamumuhian ng Diyos. Dahil ang mga relasyon sa pagitan ng mga tao ay abnormal, at walang normal na pakikipag-kapwa-taong relasyon sa pagitan ng mga tao, mas lalo nang walang normal na relasyon sa pagitan nila at ng Diyos. Napakaraming nasabi ng Diyos, at sa paggawa nito ang Kanyang pangunahing layunin ay upang magkaroon ng isang lugar sa mga puso ng sangkatauhan, upang maalis ng mga tao ang lahat ng diyos-diyosan sa kanilang mga puso, upang ang Diyos ay makakapaglapat ng kapangyarihan sa buong sangkatauhan at makamit ang Kanyang layunin sa pagiging nasa lupa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 14

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger