Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 352

Agosto 15, 2020

Nabanggit Ko na noon na maraming sumusunod sa Akin ngunit ang mga nagmamahal sa Akin nang taos puso ay kakaunti. Marahil sasabihin ng ilan na, “Magsasakripisyo ba ako nang sobra kung hindi Kita minahal? Susunod ba ako sa Iyo hanggang dito kung hindi Kita minahal?” Tiyak, marami kang mga dahilan, at ang iyong pagmamahal, tiyak, ay napakadakila, ngunit ano ang pinaka diwa ng iyong pagmamahal para sa Akin? Ang “pag-ibig”, gaya ng tawag dito, ay tumutukoy sa isang dalisay na damdamin na walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kondisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang pagdududa, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan. Kung nagmamahal ka, hindi ka manlilinlang, magrereklamo, magkakanulo, magrerebelde, mangunguha, o hihiling na tumanggap ng anumang bagay o anumang halaga. Kung nagmamahal ka, malugod kang magsasakripisyo, magtitiis ng kahirapan, at magiging kaayon sa Akin kung gayon. Isusuko mo ang lahat ng iyo para sa Akin: ang iyong pamilya, ang iyong hinaharap, ang iyong kabataan, at ang iyong pag-aasawa. Kung hindi, ang iyong pag-ibig ay hindi tunay na pag-ibig, sa halip ay panlilinlang at pagkakanulo! Anong uri ng pag-ibig ang nasa iyo? Ito ba ay tunay na pag-ibig? Ito ba ay huwad? Gaano ba ang iyong naisuko? Gaano ba ang iyong naisakripisyo? Gaano ba ang pag-ibig na natanggap Ko mula sa iyo? Alam mo ba? Ang inyong puso ay puno ng kasamaan, pagkakanulo, at panlilinlang, samakatuwid, gaano karaming dumi ang nasa inyong pag-ibig? Naniniwala kayong isinuko na ninyo ang sapat para sa Akin; naniniwala kayo na ang inyong pagmamahal para sa Akin ay sapat, nguni’t bakit ang inyong mga salita at kilos ay lagi pa ring nagdadala ng paghihimagsik at panlilinlang? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo kinikilala ang Aking salita. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit tinatakwil ninyo Ako. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi kayo nagtitiwala sa Akin. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo matanggap ang Aking pag-iral. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo Ako tinuturing na angkop sa talagang Ako, at pinahihirapan Ako sa bawat pagkakataon. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit itinuturing ninyo Ako na hangal at nililinlang Ako sa bawat bagay. Maituturing ba ito na pag-ibig? Naglilingkod kayo sa Akin, ngunit hindi kayo takot sa Akin. Maituturing ba ito na pag-ibig? Tinututulan ninyo Ako sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay. Maituturing ba ang lahat ng ito na pag-ibig? Kayo ay nag-sakripisyo nang malaki, ito ay totoo, gayon pa man hindi ninyo kailanman isinasagawa kung ano ang hinihiling Ko sa inyo. Maaari ba itong ituring na pag-ibig? Ipinapakita ng maingat na pagpapalagay na wala kahit katiting na pahiwatig ng pag-ibig para sa Akin ang nasa inyo. Pagkatapos ng maraming taon na ito ng gawain at sa dami ng mga salitang naibigay Ko, gaano ba karami ang aktwal ninyong natamo? Hindi ba ito nangangailangan ng isang maingat na pagbalik-tanaw? Kayo ay Aking pagsasabihan: Yaong Aking tinawag ay hindi mga taong kailanma’y hindi naging masama, ngunit ang mga hinirang Ko ay ang mga taong tunay na nagmamahal sa Akin. Samakatuwid, dapat kayong maging mapagbantay sa inyong mga salita at gawa, at suriin ang inyong mga intensyon at saloobin nang sa gayon ay hindi ito lumampas sa hangganan. Sa panahong ito ng mga huling araw, gawin ang inyong buong makakaya na ialay ang inyong pag-ibig sa Aking harapan, baka ang Aking poot ay hindi na humiwalay kailanman sa inyo!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang

Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

I

Ang pag-ibig ay dalisay na damdamin, walang dungis. Gamitin mo'ng puso mo upang magmahal at magmalasakit. 'Di ito nagtatakda ng kundisyon o hadlang o distansya. Gamitin mo'ng puso mo upang magmahal at magmalasakit. Kung nagmamahal ka, 'di ka nanlilinlang, nagrereklamo, tumatalikod, nanghihingi ng anumang kapalit. Magsasakripisyo ka, titiisin ang hirap, at makakasundo mo ang Diyos.

II

Sa pag-ibig walang hinala, tuso o mapanlinlang. Gamitin mo'ng puso mo upang magmahal at magmalasakit. Sa pag-ibig, walang transaksyon at walang 'di dalisay. Gamitin mo'ng puso mo upang magmahal at magmalasakit. Kung nagmamahal ka, 'di ka nanlilinlang, nagrereklamo, tumatalikod, nanghihingi ng anumang kapalit. Magsasakripisyo ka, titiisin ang hirap, at makakasundo mo ang Diyos.

III

Isusuko mo sa Diyos ang 'yong pamilya, kabataan at kinabukasan, pati pag-aasawa mo; ibibigay mo'ng iyong lahat para sa Kanya. Kung 'di, pag-ibig mo'y 'di tunay, bagkus panlilinlang, pagtataksil sa Diyos. Kung nagmamahal ka, 'di ka nanlilinlang, nagrereklamo, tumatalikod, nanghihingi ng anumang kapalit. Magsasakripisyo ka, titiisin ang hirap, at makakasundo mo ang Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger