Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 339

Setyembre 27, 2020

Tinitingnan Ko ngayon ang iyong mapagpalayaw na laman na manloloko sa Akin, at may maliit lamang Akong babala para sa iyo, bagama’t hindi kita “papatawan” ng pagkastigo. Dapat mong malaman kung anong papel ang ginagampanan mo sa Aking gawain, at pagkatapos ay masisiyahan na Ako. Bukod pa sa mga bagay na ito, kung lalabanan mo Ako o gagastusin mo ang Aking pera, o kakainin mo ang mga sakripisyo para sa Akin, si Jehova, o magkakagatan kayong mga uod, o kung kayo na parang mga aso ay may mga alitan o nilalapastangan ninyo ang isa’t isa—wala Akong pakialam sa anuman diyan. Kailangan lamang ninyong malaman kung ano kayong uri ng mga bagay, at masisiyahan na Ako. Maliban sa lahat ng ito, kung gusto ninyong magsaksakan o labanan ang isa’t isa sa mga salita, ayos lang; wala Akong hangaring makialam sa gayong mga bagay, at hindi Ako sangkot sa mga usapin ng tao. Hindi sa wala Akong pakialam tungkol sa mga alitan sa pagitan ninyo; kaya lang hindi Ako isa sa inyo, at sa gayon ay hindi Ako nakikibahagi sa mga usapin sa pagitan ninyo. Ako Mismo ay hindi isang nilalang at hindi Ako makamundo, kaya kinamumuhian Ko ang magulong buhay ng mga tao at ang magulo at di-wastong mga ugnayan sa pagitan nila. Kinamumuhian Ko lalo na ang maiingay na umpukan ng mga tao. Gayunman, malalim ang kaalaman Ko tungkol sa mga karumihan sa puso ng bawat nilalang, at bago Ko kayo nilikha, alam Ko na ang di-pagkamatuwid na umiral sa kaibuturan ng puso ng mga tao, at alam Ko ang lahat ng panlilinlang at kabuktutan sa puso ng tao. Samakatuwid, kahit ni wala man lang anumang mga bakas kapag gumagawa ng masasamang bagay ang mga tao, alam Ko pa rin na ang kasamaang kimkim ninyo sa inyong puso ay higit pa sa kayamanan ng lahat ng bagay na Aking nilikha. Bawat isa sa inyo ay nakaakyat na sa tugatog ng maraming tao; nakaakyat na kayo upang maging mga ninuno ng masa. Masyado kayong padalus-dalos, at naghuhuramentado kayo sa gitna ng lahat ng uod, na naghahanap ng isang maginhawang lugar at nagtatangkang lamunin ang mga uod na mas maliliit kaysa sa inyo. Malisyoso kayo at masama sa inyong puso, na higit pa maging sa mga multo na lumubog na sa pusod ng dagat. Naninirahan kayo sa ilalim ng tae, ginagambala ang mga uod mula ibabaw hanggang ilalim hanggang sa mawalan na ng kapayapaan ang mga ito, nag-aaway sandali at pagkatapos ay kumakalma. Hindi ninyo alam ang inyong lugar, subalit nilalabanan pa rin ninyo ang isa’t isa sa tae. Ano ang mapapala ninyo sa ganyang sagupaan? Kung totoong mayroon kayong pagpipitagan para sa Akin sa inyong puso, paano ninyo naaatim na mag-away-away sa Aking likuran? Gaano man kataas ang iyong katungkulan, hindi ba mabaho ka pa ring maliit na uod sa tae? Magagawa mo bang magpatubo ng mga pakpak at maging isang kalapati sa himpapawid? Ninanakaw ninyong mababahong maliliit na uod ang mga alay mula sa altar Ko, si Jehova; sa paggawa noon, kaya ba ninyong sagipin ang inyong nasira at bumagsak na reputasyon at maging hinirang na mga tao ng Israel? Mga walanghiya kayo! Ang mga sakripisyong iyon sa altar ay inialay sa Akin ng Aking mga tao, bilang pagpapahayag ng mabubuting damdamin mula sa mga nagpipitagan sa Akin. Ang mga iyon ay para Aking kontrolin at Aking gamitin, kaya paano mo Ako posibleng nakawan ng maliliit na kalapating ipinagkaloob sa Akin ng mga tao? Hindi ka ba natatakot na maging isang Judas? Hindi ka ba natatakot na baka mapuno ng dugo ang iyong lupain? Walanghiya ka! Palagay mo ba, ang mga kalapating inialay ng mga tao ay para busugin ang tiyan mo na isang uod? Ang naibigay Ko sa iyo ay ang nasisiyahan at handa Akong ibigay sa iyo; ang hindi Ko naibigay sa iyo ay gagamitin Ko kung paano Ko gusto. Hindi mo maaaring basta na lang nakawin ang mga alay sa Akin. Ang gumagawa ay Ako, si Jehova—ang Panginoon ng paglikha—at nag-aalay ng mga sakripisyo ang mga tao dahil sa Akin. Palagay mo ba, kabayaran ito para sa lahat ng pag-aabalang ginagawa mo? Walanghiya ka talaga! Para kanino ka ba nag-aabala? Hindi ba para sa sarili mo? Bakit mo ninanakaw ang mga sakripisyo sa Akin? Bakit ka nagnanakaw ng pera mula sa Aking supot ng salapi? Hindi ba ikaw ang anak ni Judas Iscariote? Ang mga sakripisyo sa Akin, si Jehova, ay para tamasahin ng mga saserdote. Saserdote ka ba? Nangangahas kang kainin nang may kayabangan ang mga sakripisyo sa Akin, at inihahain mo pa ang mga iyon sa mesa; wala kang kuwenta! Wala kang kuwentang walanghiya ka! Susunugin ka ng Aking apoy, ang apoy ni Jehova!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat Nito, Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Nagawa Mo

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger