Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 307
Oktubre 8, 2020
Malaki ang naipagkatiwala ng Diyos sa mga tao at napatungkulan din ang kanilang pagpasok sa di-mabilang na mga paraan. Nguni’t dahil ang kakayahan ng mga tao ay lubhang mahina, marami sa mga salita ng Diyos ang nabigong mag-ugat. Sari-sari ang dahilan ng mahinang kalibreng ito, tulad ng katiwalian sa kaisipan ng tao at moralidad, kakulangan ng tamang pagpapalaki; pyudal na mga pamahiin na lubhang nakahawak sa puso ng tao; ubod-nang-sama at bulok na mga uri ng pamumuhay na nagbunga ng maraming kasamaan sa pinakamalalim na sulok ng puso ng tao; mababaw na pagtarok sa pangkulturang kaalaman, kung saan halos siyamnapu’t walong porsiyento ng mga tao ang kulang ng edukasyon sa pangkulturang kaalaman at, higit pa rito, iilan lamang ang nakatatanggap ng mas mataas na antas ng edukasyong pangkultura. Kung gayon, sa una pa lamang ay walang ideya ang mga tao kung ano ang kahulugan ng Diyos o ng Espiritu, kundi mayroon lamang isang malabo at hindi maliwanag na larawan ng Diyos na nakuha mula sa pyudal na mga pamahiin. Ang mga mapanirang impluwensya sa kalaliman ng puso ng tao na naiwan ng libu-libong taon ng “matayog na diwa ng pagiging makabayan” at pati na rin ang pyudal na pag-iisip kung saan ang mga tao ay nakatali at nakakadena, nang wala ni ga-tuldok na kalayaan, walang paninindigang maghangad o magtiyaga, walang pagnanais na umunlad, sa halip ay nananatiling walang-pagkilos at paurong, nakabaon sa kaisipan ng isang alipin, at kaya ang obhetibong mga salik na ito ay nagbahagi ng isang di-mabuburang marumi at pangit na anyo sa pangkaisipang pananaw, mga simulain, moralidad, at disposisyon ng sangkatauhan. Tila nakatira ang mga tao sa isang teroristang mundo ng kadiliman, na walang sinuman sa kanila ang naglalayong pangibabawan, at walang sinuman sa kanila ang nag-iisip na sumulong sa isang mundong uliran; sa halip, kuntento na sila sa kanilang kalagayan sa buhay, ang gugulin ang kanilang mga araw sa panganganak at pagpapalaki ng mga anak, nagsusumikap, nagpapapawis, nagtatrabaho, nangangarap ng isang maginhawa at masayang pamilya, ng pagmamahal ng asawa, ng paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang, ng kagalakan sa kanilang katandaan habang matiwasay na isinasabuhay ang kanilang mga buhay…. Sa loob ng mga dekada, ng libu-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang mga oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng isang perpektong buhay, lahat ay naghahangad lamang na makipagpatayan sa madilim na mundong ito, nakikipagkarera para sa katanyagan at kapalaran, at sa pang-iintriga laban sa isa’t isa. Sino ang kahit kailan ay naghanap sa kalooban ng Diyos? Mayroon bang sinuman na kahit kailan ay pumansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng bahagi ng pagkatao na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging kalikasan ng tao mula noon, kaya lubos na mahirap isakatuparan ang gawain ng Diyos, at mas lalo pang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon. Kung anuman, sa tingin Ko hindi na bibigyang-halaga ng mga tao ang pagbigkas Ko ng mga salitang ito dahil ang sinasabi Ko ay tungkol sa kasaysayan ng libu-libong taon. Ang pag-usapan ang kasaysayan ay nangangahulugan ng mga katunayan at, higit pa rito, mga iskandalo na alam na alam na ng lahat, kaya ano ang punto sa pagsasalita ng salungat sa katunayan? Pero naniniwala rin Ako na ang mga taong may matinong pag-iisip, kapag nakita ang mga salitang ito, ay magigising at magsisikap para sa pag-unlad. Umaasa ang Diyos na ang mga tao ay makakapamuhay at makagagawa sa kapayapaan at kapanatagan habang kasabay na nagagawang mahalin ang Diyos. Kalooban ng Diyos na ang buong sangkatauhan ay maaaring makapasok sa kapahingahan; higit pa rito, dakilang hangarin ng Diyos na mapuspos ng kaluwalhatian Niya ang buong lupain. Nakakalungkot lamang na ang mga tao ay nananatiling nakalubog sa pagkalimot at di-napupukaw, sobrang nagawang tiwali ni Satanas na ngayon ay wala na silang wangis ng mga tao. Kaya ang kaisipan, moralidad at edukasyon ng tao ay bumubuo ng isang mahalagang ugnayan, kasama ng pagsasanay sa kamulatan sa kultura na bumubuo ng ikalawang ugnayan, para mas mahusay na maitaas ang kakayahan sa kultura ng mga tao at mabago ang kanilang espirituwal na pananaw.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 3
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video