Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 474

Setyembre 26, 2021

Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kanilang hantungan sa hinaharap, o para sa pansamantalang kaluguran. Para sa mga hindi pa napasailalim sa kahit anong pakikitungo, naniniwala sila sa Diyos upang makapasok sa langit, upang magkamit ng mga gantimpala. Hindi sila naniniwala sa Diyos upang magawang perpekto, o gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Na ibig sabihin ay na karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa Diyos upang tuparin ang kanilang mga responsibilidad, o tapusin ang kanilang tungkulin. Bihirang maniwala ang mga tao sa Diyos upang mamuhay nang makabuluhan, ni walang mga naniniwala na, dahil buhay ang tao, dapat niyang mahalin ang Diyos dahil itinalaga ng Langit at kinikilala ng lupa na gawin iyon, at ito ang likas na misyon ng tao. Sa ganitong paraan, bagama’t pinagsisikapan ng bawat isa sa iba’t ibang mga tao ang sarili nilang mga mithiin, ang layunin ng kanilang pagsisikap at ang motibo sa likod nito ay magkakaparehong lahat, at, bukod pa riyan, para sa karamihan sa kanila ang mga layon ng kanilang pagsamba ay malaki ang pagkakapareho. Sa nakaraang ilang libong taon, maraming mananampalataya ang nangamatay na, at marami nang namatay at muling isinilang. Hindi lamang isa o dalawang tao ang naghahanap sa Diyos, ni hindi isa o dalawang libo, subalit karamihan sa mga taong ito ay nagsisikap para sa kapakanan ng sarili nilang mga inaasam o kanilang maluluwalhating pag-asa para sa hinaharap. Yaong matatapat kay Cristo ay iilan lamang at malalayo ang agwat sa isa’t isa. Namatay pa nga ang maraming debotong mananampalataya na nabitag sa sarili nilang mga patibong, at ang bilang ng mga taong naging matagumpay, bukod pa riyan, ay lubhang kakaunti. Hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng mga tao kung bakit sila nabibigo, o ang mga lihim ng kanilang tagumpay. Yaong mga nahuhumaling sa paghahanap kay Cristo ay hindi pa rin nagkaroon ng kanilang sandali ng biglang kabatiran, hindi pa nila narating ang kailaliman ng mga hiwagang ito, dahil hindi talaga nila alam. Bagama’t pinagsisikapan nila ang kanilang hinahangad na matamo, ang landas na kanilang tinatahak ay ang landas ng kabiguan na minsang tinahak ng kanilang mga ninuno, at hindi ang landas ng tagumpay. Sa ganitong paraan, paano man sila naghahanap, hindi ba nila tinatahak ang landas patungong kadiliman? Hindi ba mapait na bunga ang kanilang natatamo? Mahirap mahulaan kung ang mga taong tumutulad sa mga nagtagumpay sa nakalipas na mga panahon ay hahantong sa mabuting kapalaran o sa kapahamakan sa huli. Gaano pa kaya kasahol ang mga posibilidad, kung gayon, para sa mga taong naghahangad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga yapak ng mga nabigo? Hindi ba mas malaki ang posibilidad na sila ay mabigo? Ano ang halaga ng landas na kanilang tinatahak? Hindi ba sila nag-aaksaya ng kanilang panahon? Tagumpay man o bigo ang mga tao sa kanilang pinagsisikapan, may isang dahilan, sa madaling salita, kaya nila iyon ginagawa, at hindi totoo na ang kanilang tagumpay o kabiguan ay matutukoy sa paghahangad kung paano nila gusto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger