Tagalog Christian Music Video|"Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao"

Disyembre 25, 2022

I

Ang gawain ng Diyos Mismo'y

saklaw ang gawain sa tao at

kumakatawan sa gawain ng buong panahon.

Ibig sabihin na ang gawain ng Diyos

ay kumakatawan sa bawat galaw

at kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu.

Gawain ng mga apostol ay

dumarating matapos ang gawain ng Diyos

at kasunod nito't

'di namumuno sa panahon,

ni kumakatawan sa anumang kalakaran

ng gawain ng Banal na Espiritu sa buong panahon.

Ginagawa lang nila'ng dapat gawin ng tao.

Walang kinalaman ito sa pamamahala ng Diyos.

Ang gawain ng Diyos Mismo'y

proyekto ng gawaing pamamahala.

Ang gawain ng tao'y

tungkulin lang ng mga ginagamit,

at 'di bahagi ng gawaing pamamahala,

'di 'to bahagi ng gawaing pamamahala.

II

Sa kabila ng katotohanang kapwa'y

gawain ng Banal na Espiritu,

dahil sa kaibahan ng pagkakakilanlan

at kinakatawan ng bawat isa,

ang gawain ng Diyos Mismo

at gawain ng tao'y ganap na magkaiba.

Ang lawak ng gawain ng Banal na Espiritu'y

nag-iiba sa mga may magkaibang pagkakakilanlan.

Ito ang mga saklaw at prinsipyo

ng gawain ng Banal na Espiritu.

Ang gawain ng Diyos Mismo'y

proyekto ng gawaing pamamahala.

Ang gawain ng tao'y

tungkulin lang ng mga ginagamit,

at 'di bahagi ng gawaing pamamahala,

'di 'to bahagi ng gawaing pamamahala.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger