Chinese Christian Song | "Ang mga Bunga ng Pagkawala ng Patnubay ng Diyos sa Sangkatauhan" (Tagalog Subtitles)

Mayo 16, 2020

Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan,

ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman.

Doon ang agham at kaalaman ay naging

mga kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan,

at doon ay wala nang sapat na puwang

para sa tao upang sambahin ang Diyos,

at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos.

Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao.

Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim,

walang laman sa kawalang pag-asa.

At kaya lumitaw ang maraming panlipunang

siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko

upang magpahayag ng mga teorya ng araling panlipunan,

ang teorya ng ebolusyon ng tao,

at iba pang mga teorya na sinasalungat

ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao,

upang punuin ang puso at isip ng tao.

Yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat

ng bagay ay naging lalo pang kakaunti,

at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon

ay mas lalo pang dumami ang bilang.

Parami nang parami ang mga tao

na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos

at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan

bilang mga alamat at mga kathang-isip.

Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala

sa karangalan at kadakilaan ng Diyos,

ang mga tao ay nagwalang-bahala

sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng kapamahalaan sa lahat ng bagay.

Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa

ay hindi na mahalaga sa kanila.

Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang

pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. …

Iilang tao lang ang inaako mismo ang paghanap

kung saan ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon,

o hanapin kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang hantungan ng tao.

Hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao

ay lalo at lalong nawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao,

at mayroon pang maraming tao na nakararamdam na,

sa pamumuhay sa gayong mundo,

sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na.

Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad

na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang karaingan.

Sapagkat kung walang patnubay ng Diyos,

gaano man pakaisipin ng mga pinuno at sosyolohista

na maipreserba ang sibilisasyon ng tao,

ito ay walang kabuluhan.

Walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao,

walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao,

dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao,

at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao

mula sa kawalan kung saan siya ay namimighati.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin