Tagalog Testimony Video | "Ang mga Kahihinatnan ng Pananampalatayang Nakabase sa mga Kuru-kuro at Imahinasyon"
Oktubre 10, 2024
Matapos manampalataya sa Diyos, madalas siyang makarinig ng mga karanasan ng mga kapatid tungkol sa paninindigan sa kanilang patotoo at pagtanggap ng mga pagpapala sa gitna ng mga pagsubok at paghihirap. Matibay siyang naniwala na sa pamamagitan ng hindi pagrereklamo kapag may problema at ng pagpapanatili ng kanyang mga tungkulin, makatatanggap siya ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Kalaunan, pinaghinalaang may leukemia ang anak niya. Habang sinusubukan niyang gawin ang mga tungkulin niya at hindi magreklamo, nagpatuloy ang sakit ng anak niya. Naging mahina siya at negatibo, nagreklamo pa nga laban sa Diyos at tumanggi sa tungkulin. Ang paghatol na nasa mga salita ng Diyos ang nagtulak sa kanya na magsimulang magnilay sa sarili. Ano ang mga nakamit niya sa pamamagitan ng mga karanasang ito?
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video