Tagalog Testimony Video | "Pagkatapos Kong Malaman ang Tungkol sa Pagkamatay ng Aking Ina"
Oktubre 23, 2025
Nawalan siya ng ama bago pa man siya mag-isang taong gulang, at labis na nahirapan ang kanyang ina sa pagpapalaki sa kanya at sa kanyang apat na kapatid. Mula pa sa murang edad, ipinangako na niya na magiging mabuting anak siya sa kanyang ina. Kalaunan, inaresto siya ng Chinese Communist Party dahil sa kanyang pananalig sa Diyos, at pagkatapos niyang makalaya, kinailangan niyang gawin ang kanyang tungkulin nang malayo sa tahanan nila para maiwasan ang pagbabantay ng pulisya. Noong nalaman niya ang pagpanaw ng kanyang ina, namuhay siya nang nakararamdam ng pagkakasala at pagkakautang, iniisip na hindi niya naalagaan nang mabuti ang kanyang ina at hindi man lang niya ito nakita sa huling pagkakataon. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay nakahanap siya ng isang paraan para makaahon sa sakit na kanyang nararamdaman.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video