Tagalog Testimony Video | "Ang Daan Pauwi ng Isang Pari" (I)

Hulyo 13, 2022

Siya ay isang dating Katolikong pari at nanilbihan bilang pryor ng isang monasteryo. Noong 2001, narinig niya ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpatotoo na bumalik na ang Panginoon para gumawa ng bagong gawain. Sa balitang ito, hindi lamang siya nagkaroon ng maraming kuru-kuro at tumangging tanggapin ito, kundi isinara pa niya ang simbahan. Ngunit ang kapanglawan ng simbahan at ang pagsama ng mga lider ng simbahan ay nagpanilay-nilay sa kanya: Talaga bang hindi na gumagawa ang Banal na Espiritu sa simbahan? Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalutas ang kanyang mga kuru-kuro at kalituhan, at natukoy niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Gayunpaman, pagkatapos malaman ng obispo ang kanyang pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos, siya ay tinanggal bilang pryor, at binantaan na patatalsikin mula sa simbahan upang pilitin siyang isuko ang pagsunod sa Makapangyarihang Diyos. Nang manganib ang kanyang mga posisyon bilang isang Katolikong pari at pryor, ano ang kanyang pinili? Mangyaring panoorin ang video na ito.

Tingnan ang iba pa

Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin